FIL27 FINAL Module

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 66

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Panimula
Pamagat
Target na mga Mag-aaral
Lagom
Mga Layunin
Panuto
Mga kakailanganing kahandaang asal
ARALIN 1:
Bisang Pampanitikan
Gawain
ARALIN 2:
Maikling Kwento
Akda: Ang Kalupi
Gawain
ARALIN 3:
Sanaysay
Akda: Ang Ningning, at Ang Liwanag
Gawain
ARALIN 4:
Tula
Akda: Pag-ibig
Gawain
ARALIN 5:
Dula
Akda: Sa Pula! Sa Puti!
Gawain
Mga Susing Kasagutan
Panghuling Pagsusulit
Ebalwasyon/Pagtataya
1

Pamagat : Panitikan ng Pilipinas


Target na mga Mag-aaral : Baitang 9
Lagom:
Ang bansang Pilipinas ay may mayaman at makukulay na iba’t
ibang uri ng pasulat na panitikang naglalarawan sa kultura ng mga
Pilipino sa modyul na ito. Makikilala ng mga mag-aaral ang ilan sa mga
panitikan sa Pilipinas na nasusulat sa Filipino. Ilalahad sa modyul na ito
ang mga piling halimbawa ng maikling kwento o katha, sanaysay, tula at
dula. Malilinang sa modyul na ito ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagbabasa at pagsusuri sa pamamagitan ng masusing pagbasa sa isang
uri ng panitikan.
Ang bawat aralin sa modyul na ito ay may kalakip na mga
pagpapahalagang aral sa pangkatauhan na naglalayong linangin ang
mabubuting asal ng mga mag-aaral na gagamit nito. Ang mga paksa,
gawain, at pagsasanay dito ay saydang iniangkop sa kakayahan at
interes ng mga mag-aaral upang maging integratibo, makabuluhan,
kawili-wili, at nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip ang
pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang modyul na ito rin ay may mga kalakip na babasahing
pampanitikan. Ito ay mga akdang pampanitikang isinama upang
mahikayat ang mga mag-aaral na gagamit nito para magkaroon pa ng
malawakang interes sa panitikang Pilipino.

Layunin:
Bilang pagpapahalaga sa mga aralin na tatalakayin sa modyul na ito,
mayroon ring hinihinging kahingian mula sa mga mag-aaral upang
mapagtagumpayan ang mga gawain at pagkatuto sa panitikang Pilipino. Dahil
sa mga kahingian, pagkatapos mapag-aralan ng mga mag-aaral ang modyul na
ito, inaasahang:
1. Makikilala ng mga mag-aaral ang ibat’ibang anyo ng pasulat na
panitikang Pilipino.
2

2. Mailalahad ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng pasulat na


panitikan: Maikling kwento, sanaysay, tula at dula.
3. Maiuugnay ang mga piling halimbawa ng pasulat na panitikan sa
kultura ng mga Pilipino.
Panuto:
Sa modyul na ito ay ilalahad ang mga uri ng pasulat na patikang
maikling kwento, sanaysay, tula at dula. Sa bawat uri ay may mga piling
halimbawa na kailangang suriin. Bago simulant ang pag-aaral sa mga
pasulat na panitikan sa modyul na ito ay kailangang sagutan ang
paunang pagsubok upang masukat ang dating kaalaman sa panitikan.
Matapos sagutan ay basahing mabuti ang bawat akda at sagutan ang
mga tanong, kailangan ding maisakatuparan ang mga Gawain sa
pagkatuto.

Mga kakailanganing kahandaang asal:


Bago magsimula ang modyul na ito ay kinakailangang may
kaukulang kaalaman ang mga mag-aaral sa kulturang Pilipino.
Kailangang may sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa iba’t
ibang bahagi ng kwento.
3

Simulaing Pagsusulit
Pangalan: _____________________________
Petsa: ________________________________

Panuto: Pagtambalin ang nasa hanay A sa kanilang kahulugang nasa hanay B.


Isulat ang sagot sa patlang.

A B

______ 1. Elihiya A. Tula tungkol sa pagdadalamhati


______ 2. Balagtasan B. Mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
______ 3. Dalit C. Ito ay debate na binibigkas nang patula.
______ 4. Soneto D. Ito ay kung paano nagsimula ang isang
______ 5. Komedya bagay.
______ 6. Pastoral E. Kilala ito sa bilang awit sa pagsamba
______ 7. Duplo sa mga anito.
______ 8. Trahedya F. Nauuwi ang dulang ito sa malagim o
______ 9. Parsa malungkot na wakas.
______ 10. KaragatanA G. Ginagamit ang tulang ito sa laro,
kadalasan tuwing may lamay.
H. Labanan ito ng pagalingan sa
pagbigkas at pagbibigay-katwiran na
patula.
I. Ang tulang ito ay tungkol sa damdamin
at kaisipian, at may 14 na taludtod.
J. Ang dulang ito ay nakapagpapasaya sa
mga nanonood dahil sa mga dugtung-
dugtong na mga pangyayaring
nakatatawa.
K. Ang layunin nito ay gawing kawili-wili
ang panonood sa pamamagitan ng mga
ginagawa ng pangunahing tauhan.
4

Panuto: Basahin ang mga impormasyon sa bawat bilang at sagutin ang mga
tanongukol dito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.
______1.Ito ay mga kwentong-bayan na ang mga tauhan ay mga hayop.
A. Epiko
B. Nobela
C. Pabula
D. Elehiya
______2.Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.
A. Noli Me Tangere
B. Kahapon, Ngayon, at Bukas
C. Doctrina Christiana
D. A Fly in a Glass of Milk
______3. Ito ay tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng mga
akda.
A. Sanaysay
B. Alamat
C. Nobela
D. Parabula
______ 4.“O pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”
A. Tula
B. Talata
C. Talumpati
D. Parabula
5

Panuto: Sagutin ang palaisipan.

Pababa Pahalang
5. tulang tungkol sa bukid 7.tulang 14 ang taludtod
6. awit tungkol sa relihiyon 9.tulang tungkol sa isang yumao na
8. pahayag ng isang papuri 10.awit na tungkol sa pag-ibig, kawalang
pag-asa, pangamba, kaligayahan, pag-asa,
at kalungkutan
5

6. 7. 8.

9.

10.

Panuto. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.


1. Ano ang dalawang paraan ng pag-uuri ng panitikang Pilipino? (2 puntos)
a.__________________________________________________
b.__________________________________________________
2. Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Anu-ano ito?
(3 puntos)
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
6

Panuto. Isulat sa patlang kung ang anyo ng sumusunod na uri ng panitikan ay


kwentong-bayan, tula, talumpati, dula, maikling katha, o sanaysay.

1. Ang Panday
Kaputol na bakal na galing sa bundok,
Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot;
Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok
At pinagkahugis sa nasa ng loob.
Walang anu-ano’y naging kagamitan,
Araro na pala ang bakal na iyan;
Ang mga bukiri’y payapang binungkal,
Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.
Anyo: __________________________________

2. Leron, Leron Sinta


Leron, leron sinta, buko ng papaya
Dala-dala’y buslo, sisidlan ng bunga
Pagdating sa dulo, nabali ang sanga
Kapus kapalaran, humanap ng iba.
Halika na Neneng, tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y lalamba-lambayog
Kumapit ka, Neneng, baka ka mahulog.
Anyo: __________________________________

3. Mabangis na Kamay – Maamong Kamay


Nagising kay Kulas ang simbuyo ng isang kamalayan, na tila siya nagtatayo ng
bantayog ni Kamatayan na habang kinakapal sa luwad ay nagkakahugis sa
katotohanan. Kaya malimit na mawala siya sa pagmamasid sa kanyang anak, sa
7

di-mawaring pagkabahala sa dinaranas na buhay nito, sa pagtitining sa kanyang


kalooban na makabuo ng isang pasya kung nararapat sa simbuyo ng
kamalayang iyon. Mainit na ang sikat ng araw. Naghahakot ng basura ang
kanyang anak sa tambakan sa may puno ng tulay. Itinuon niya ang kanyang
paningin sa mukha at katawang naliligo sa nangingitim na pawis at sa malalapad
na paang bahagya nang maangat sa lupa samantalang hila-hila ng bata ang
isang malaking tiklis ng basurang nag-iiwan ng nag-aalimpuyong alikabok.
Naghiyawan ang ilang batang naglalaro sa pampang ng ilug-ilugan. “Arya Ito!
Arya Ito…Sumayaw ka, Arya Ito! Kumanta ka, Arya Ito! Ayaw mooo? Eto ‘yo…
Pak! Pak!” at inulan si Arya Ito ng pukol.
Anyo: __________________________________

4. Laging May Bituin


Isang tala o malaking bituin ang nagsabog ng liwanag na naging patnubay ng
tatlong Haring Mago buhat sa Silangan upang matunton ang sabsabang
sinilangan ng sanggol na magiging “Hari ng mga Hari.” Sa paglalakbay sa
disyerto, ang mga Haring Mago ay tumitingalatuwina sa mga bituin upang di sila
maligaw sa landas na patutunguhan. Sa gitna ng karimlan, kung ang buwan ay
sakmal ng mga ulap, waring ang mga bituin ang tanging nagbibigay-liwanag at
sa gayo’y pumapawi sa karimlang nakaambang maghari sa kalooban ng tao.
Ngunit may mga gabi ring maging ang mga bituin ay ayaw pakita o ikinukubli ng
mga ulap. Gayunman, hindi nawawala ang ating panalig na ang mga bituin ay
naroon pa rin – sa likod ng mga ulap.
Anyo: __________________________________

5. Ang kwento ay nangyari sa panahong takipsilim doon sa may gawing iyon ng Tondo
sa Maynila. Sa entresuwelong inuupahan nina Mang Doro, ang dingding ng bahay ay
inunat na karton ng gatas. Isang bangkong mahaba ang nasa tabi ng nag-iisang
bintana sa kanan ng tanghalan. Isang maliit na mesang nagsisilbing kainan at
dalawang bangko sa magkabilang panig ng mesa ang makikita sa kaliwa ng tanghalan.
Nasa ibabaw ng mesa ang isang gaserang aandap-andap ang liwanag. Mula sa loob
8

ng bahay ay maririnig ang malakas at makapangyarihang tinig ni Gng. Bondoc habang


ito ay nakapamaywang.
Gng. Bondoc: Kung hindi kayo makababayad nang buo, mabuti pang maghanap na
kayo ng malilipatan. Ba! Kahit ganito ang paupahan ko, e, maraming mag-uunahan sa
pag-upa riyan
Aling Senyang: Nakikiusap lamang naman po kami. Kung hindi po maaari ay
mangungutang kami para maibigay ang kapupunan.
Gng. Bondoc :Wala akong pakialam ano man ang gawin ninyo. Ang mahalaga’y
bayaran ninyo nang buo ang upa. Treinta pesos, kakalahatiin pa. Aba! Nasaan naman
ang kunsensya ninyo?
Aling Senyang: Bukas ho e papupuntahin ko ang tao ko sa inyo nang maibigay ang
kapupunan.
Gng. Bondoc: A, talagang dapat! Pag wala kayong maibigay, hanggang bukas na
lamang kayo rito.
(magmamadaling lalabas ng bahay)
Anyo: __________________________________
9

Aralin 1: Bisang Pampanitikan


Bilang pagsisimula sa pagtalakay sa iba’t ibang uri ng pasulat na panatikan
mahalagang mapag-aralan muna ang mga importanteng sangkap ng panitikan
kung bakit ito tinatawag na isang masining na paraan ng pagpapahiwatig. Hindi
maikukubli na ang lahat ng panitikan, pasulat man o oral ay may kanya-kanyang
mahahalagang pahiwatig o kabuluhan sa bawat taong nakakabasa o nakakarinig
nito. Parte ito ng makulay na kasaysayan at pinagmulan ng identidad ng mga
Pilipino. Bilang isang mag-aaral na Pilipino, ito ang isa sa mga hindi dapat isantabi
sa pagkatuto ng panitikan: ang tatlong bisang pampanitikan.
Ang bisang pampanitikan ay mga katangiang kailangang taglayin ng bawat
akdang pampanitikan upang masuri ang kabuluhan nito, hindi lamang sa
pagkakaroon ng kaalaman ukol sa panitikang Pilipino kundi pati na rin sa
impluwensiya nito sa ibang aspeto ng tao: kaalaman (isip), damdamin (puso), at
kaasalan (ugali).
1. Bisa sa Isip - ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong
taglay na nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang
yumaman at umunlad ang kanyang diwa o kaisipan.
2. Bisang Kaasalan - ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng
dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay-aral at
humubog ng katauhan.
3. Bisang Pandamdamin - sinasabing ang bisang ito ang siyang
pinakamahalagang katangian ng isang akdang pampanitikan.
Ginigising ng isang akda ang damdamin ng mambabasa kung
ang damdamin din ng mga tauhan o ng may-akda ay malinaw
na naipahahayag sa mga pandamdam, sa guni-guni at sa puso
ng mambabasa.
Gawain
Panuto: Mula sa larawang ibibigay ay susulat ang mga mag-aaral ng tig-
iisang tatalata sa bawat bisa ng larawan para sa kanila. Tatlong talata ang
kailangang mabuo ng mga mag-aaral na naglalaman ng bisa ng panitikan batay
10

sa mensaheng ipinapahayag ng larawan. Gagamitin ang rubrik sa ibaba sa


pagmamarka ng iyong sariling sanaysay.
Rubrik
Kapos Maraming May minimal May sapat Pinakama
(1-2 pts) kakulangan na na - husay
(3-5 pts) kakulangan kahusayan (10 pts)
(6-7 pts) (8-9 pts)
1. Lawak at lalim ng
pagpapaliwanag ng
mga ideya.
2. Katatasan sa
paggamit ng wikang
Filipino.
3. May kaayusan sa
paglalahad ng mga
mahahalagang
ideya.
4. May katuturan
ang isinulat ayon sa
tatlong bisang
pampanitikan.
Kabuuan
11

Pamagat:
12

Aralin 2: Mga Uri at Elemento ng Maikling Kwento


Ang maikling kwento ay isang makabagong sangay ng panitikan na
sadyang kinakathang masining upang madaling pumasok sa isip at damdamin
ng mambabasa ang isang pangyayari sa buhay na inilalarawan sa kwento.
Ang maikling kwento o katha ay bunga ng isang maikling guni-guni ng may-
akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-
iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli
lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan lamang ang mga
tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa
pagkasunod-sunod nito.
Mayroong iba’t ibang uri ang maikling kwento at iba rito ay ating tatalakayin
sa modyul na ito.
              
Uri ng Maikling Kwento
A. Mga Kwentong Kababalaghan
Ang kwentong kababalaghan ay isa ring uri ng maikling kwento, ito’y
sadyang likhang-isip lamang o mula sa makislot na guniguni ng may akda. Ang
kadalasang tema ng kwentong ito ay tungkol sa mga kababalaghan gaya ng
mga maligno, duwende, multo, tikbalang, at aswang. Kadalasan, walang
naniniwala rito at karaniwang pinagkikibit-balikat lamang ang mga kwentong ito.
Noong araw, ginagamit itong panakot ng matatanda sa mga anak nilang
matigas ang ulo. Sa panahon natin ngayong nabago nang lahat ang takbo ng
buhay dahil sa pag-unlad ng agham at teknolohiya, ang mga kwentong ito ay
napakikinggan na sa mga programa sa radyo, napapanood sa mga palabas sa
telebisyon at pelikula, at nababasa na rin sa mga komiks.
B. Mga Kwentong Katatawanan
Ang mga kwentong katatawanan ay maaaring gawa-gawa lamang bilang
mga kantiyaw o kaya’y mga pangyayari sa pang-araw-araw na kapaligiran, na
sa halip na takasan ang katotohanan o reyalidad nito ay mga pabirong paraan
13

na nakukuhang tanggapin nang maluwag sa buhay. Ang diin ng kwentong ito ay


magpatawa at bigyang-aliw ang mambabasa.
C. Mga Palaisipan
Ang palaisipan ay pahulaang nagpapatalas ng isipan at punong-puno ng
suliranin na hahamon sa katalinuhan ng mambabasa. Ang kwentong palaisipan
ay hindi nakataludtod, at walang sukat o tugma. Ang mga pananalita ay malaya
at ginagamit sa araw-araw at karaniwan nang nagtatapos sa isang tanong. Ito’y
parang isang sanayan ng mga tao noong araw sa larangan ng matematika at
lohika. Mapanghamon ito sa sensibilidad at kapasidad ng taong mag-isip.
D. Mga Kwento ng Pag-ibig
Ang diwa ng kwentong pag-ibig ay nauukol sa pagmamahalan ng dalawang
pangunahing tauhan, ang kanilang mga lambingan, paghihirap, at mga hadlang
sa kanilang matiwasay na pagmamahalan ay madulang isinasalaysay sa
kwentong ito. Kadalasang nauukol sa kung papaano napagtatagumpayan ng
mga tauhan ang mga paghihirap upang sila ay magmahalan pa rin hanggang
sa huli.

Elemento ng Maikling Kwento


May mga bahagi at sangkap o elemento ang maikling kwento. Ito ay may
simula, gitna, at katapusan.
I. Simula
a) Tauhan - ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari
sa kuwento.
b) Tagpuan - ang pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
c) Suliranin - it oang problemang hinaharap o kinasasangkutan ng tauhan
o mga tauhan sa kwento na kailangang bigyang lunas sa pagtatapos ng
kwento.
II. Gitna
a) Saglit na Kasiglahan - naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning
inihahanap ng lunas sa kwento.
b) Tunggalian - ito ang labanan sa pagitan ng magkasalungat o
14

magkaibnag pwersa sa kwento.


c) Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing
pananabik dahil sa takbo ng mga pangyayari.
III. Katapusan
a) Kakalasan - dito binibigyang katapusan ang kwento at hinahayaan ang
mga mambabasa na mag-isip sa maaari pang itakbo ng kwento.
b) Solusyon - dito binibigyang lunas ang suliranin na inilahad sa kwento.
Gawain
I. Panuto: Basahing mabuti ang maikling kwento na pinamagatang
“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual. Sagutin ng di maligoy ang mga
sumusunod na katanungan pagkatapos ng masusing pagbasa sa kwento.

Ang Kalupi
ni Benjamin Pascual

Mataas na ang araw nang lumbas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang


maliit na barung-barong. Maaliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na
mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay
nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang maninipis
na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang
isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa
habing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya
ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay
niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na:
ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school au hindi na isang
maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naisip niya. Sa mapangarapin
niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang
kasuotang puting-puti, kipkip ang isang libro at nakangiti patungo sa lalo pang
mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng
kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng
mamanuganing may sinasabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang
naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-
ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na
15

isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan
ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa
pamilihang-bayan ng Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na
kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito at kinakailangang
magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya
ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog, at dalawang
piling ng saging. Bibili rin siya ng garbansos. Gustung-gusto ng kanyang
magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.

Mag-iikasiyam na ng dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay


naririnig na niya ang di-magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang
ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng
kanilang paninda, ang sali-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga
at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng
magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya
daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng
mantika. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang
na papasok ay siyang palabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang
kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay
tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

“Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na nga ng daraanan ay


patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-


ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kasimeta, punit mula sa balikat
hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak
ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensiya na kayo, ale,” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos–tagbebeinte, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na
16

nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”

“Pasensiya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay


pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumuasok. Paano’t paano man,


naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako
na itong nagawan ng di-mabuti ay sa kanya pa manggagaling ang huling salita.
Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang
kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siya na nagdaraan
na nakarinig sa kanyang mga sinasabi. Dumating siya sa tindahan ng mga
tuyong paninda at bumuli ng isang kartong mantika.

  
“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan
nang tindera na siyang nakaugaliang bilhan. Nakatangi siya at ang babae ay
ngumiti rin.

“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang


bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang
ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin
ng kaharap ang kanyang anyo.

“Bakit no?” anito.


“E … e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling
Marta.
“Ku, e, magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.
“Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang
bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit
aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay nang tono ng
nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E, sandaan at
17

sampung piso.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas,


nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na
gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga.
Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang
tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ialng
sandali pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ang kasuotan nito na
maaari niyang pagkilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa
labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at ng
mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay
nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng
gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng
pusisyon, na di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis,
ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng
kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali: ang
wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding
ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling
makilala. At ang hawak nitong bangos ng tigbebeinte.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.

“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka
ko, ano? Huwang kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa


pag-aappuhap ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay
mahinahong sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi ng bata. “Wala ho akong kinukuhang pintaka
sa inyo.”

“Anong wala!” pasinghal na sa abi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot
ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano, ha?
18

Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa
palengke.”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at


babaing mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata
at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e, banggain ako,”


ang sabi niya. “Nang magbabayad na ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa
ko, e, wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing


nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya
niyan.’

“Tena,” ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”


“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay
kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang
dalawahing-kamay ang pag-aalis sa mabutong mga daliri ni Aling Marta na tila
kawad sa pagkakasal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa
kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig.
Buhat at sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod sa
mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling
Marta ang pagsusumbong.

“Nasiguro ko hong siya dahil sa, nang ako’y kanyang banggain, e,


naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang
pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pangkat ako’y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at


19

sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan


nang umiyak, au lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at
tadtad ng sulsi, diyes sentemos na papel at ang tigbebeinteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?”


ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala nang iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis


sa bata. “Magsabi ka ng tatoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng


bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan, e, wala kayong makukuha sa
akin. Hindi ho ako mandurukot.”

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa


iyo kung ang pitaka ko, e, naipasa mo na sa kapwa mong mandurukot! O, ano,
hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad … isa-isa, dala-dalawa, tatlu-
tatlo. Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e, ituloy na natin iyan sa kuwartel.
Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis. “Hindi natin karaka-rakang madadala ito nang walang
evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na
katibayang siya nga ang dumukot ng iyong kuwarta. Papaano ho kung hindi
siya?”

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” ang sabi ni Aling Marta na
nakalimutan ang pamumupo. “Sinasabi ko nang binangga akong pasadya, at
naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”

Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawin;


maya-maya’y muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na
20

kuwaderno sa kanyang bulya.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.


“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.

Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang


nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho,
e, me sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyag Ines ko nakatira sa
Blumentritt, kung minsan naman ho, e, sa mga lola ko sa Kiyapo at kung
minsan naman ho, e, sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan
nga lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”

“Samakatuwid ay dito kayang mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang


tanong ng pulis.

“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at
numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho
ako marunong bumasa, e.”

Ang walang kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay


nakabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para-para silang walang
mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na
umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa
kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata dalhin na antin iyan kung dadalhin,” ang sabi niya.
“Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari.
Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”

“Hirap sa inyo, e, sabad kayo nang sabad, e,” ang sabi ng pulis. “Buweno,
kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa
akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin ang gusto n’yong sabihin. At doon n’yo
21

gawin ang gusto n’yong gawin.”

Inakbayan nito ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang di


umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ilan ay ngingiti-ngiti
habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” ang
sabi sa kanya at pumasok.

Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa


pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang
bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita
niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang
kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo, o maaaring
sa hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang
kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig
ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dlang ano man, walang dala at
walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina pa nagpupuyos sa
kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip
ang tingin niya sa batang kaharap. Hinwakan niya ito sa isang bisig, at sa
pagdidilim ng kanyang paningin, ay pabalinghat niyang pinilipit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” ang sabi niyang pinanginginigan ng


laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e, ako ang
gagawa ng ikakaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan?”

Napihiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling
Marta sa knayng balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang
nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni
Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng
kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ang buong panggigigil na
kinagat.
22

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais
lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon,
nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay
naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis,
at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-likod na
tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig
ang mahahayap na salitang binitiwan ng humahabol na si Aling Marta, ang
sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot
sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na
sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilin sa kanya ang buong paligid at sa
pagmumulat na mula ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay
wala na siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang
nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umiimik si Aling Marta habng minamasdan ang bata. Maputla ang
kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng
lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay
parang nangangalog. Hindi siya kapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya
ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ang binubuntunan ng sisi.
Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa
ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring
ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang


bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon
pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng
kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit
niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang
sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito sa paningin at ang
mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing
pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong
23

pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa


kanyang katawan. Ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang
sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon
ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni Aling Marta sa kanyang
sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa


kanyang. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang
kuwarderno at lapis. “Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni
Aling Marta.

“Wala naman sa palagay ko,” ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot
niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa
pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”

May himig pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makakaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta.

“Maari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangan ninyong iwan sa akin


ang inyong pangalan at deriksiyon ng iyong bahay upang kung mangailangan
ng ulat ng pag-aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay


tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at
magulung-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot ng alalahanin ang
nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon ng walang tiyak na
patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na
dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga
24

mata ng kanyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera.


Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot.
Magpapalitan sila ng nahahayap na mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng
mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga-
graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at
payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot ng gulo at kahihiyan! sa loob-loob
ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa
sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa tinamaan na lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa


suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi’y umbi, walang pinag-aralan, maruming
palaboy ng kapalarang umaasa sa tabi ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit


papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang
asawa ay malamig na ang kukote nito at saka … saka niya sasabihin ang
pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng
madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa mabilis niyang paghahangad na
makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at
maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit lahat ay titiisin niya,
hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng
kanyang asawa ng iskandalo at ano mang pangangatwirang gawin niya ay siya
rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na
kukuha ng ulat ay ililihim niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng
pera sa tindahan ni Aling Goryang at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya
rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at ang halagang
iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kanya
bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa
maninipis na labi ng Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa
patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay makauwi. Sa daan pa lamang, bago siya


pumasok sa tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga
25

na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang


minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang dala ay napangunot-
noo, lumingon sa loob sa kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na
mukha ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nana?” ang sabi ng kanyang anak
na ga-graduate.

“E … e,” hindi magkantututong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa


aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa,


“ang pitaka mo, e, naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa
bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero
nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan?”

Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gumita ni


Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at
natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na
tinig nito: Maski kapkapan niyo ako, e, wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit
siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng
hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago
siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na
yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit
kaya? Bakit kaya?

Katanungan:
A. Sa mga pangyayaring naganap sa kwento ay hindi maikukubling
nangyayari nga ang ibang pangyayari sa kwento sa totoong buhay, at
mayroong mga karapatang maaaring malabag dahil sa mga hindi inaasahang
pagkakataon at insidente. Ano-anong karapatang pantao ang nalabag sa
kwento? Patunayan. Sumulat lamang ng lima hanggang walong pangungusap.
26

Rubrik
Kapos Maraming May minimal May sapat Pinakama-
(1-2 pts) kakulangan na na husay
(3-5 pts) kakulangan kahusayan (10 pts)
(6-7 pts) (8-9 pts)
1. Lawak at lalim ng
pagpapaliwanag ng
mga ideya.
2. Katatasan sa
paggamit ng wikang
Filipino.
3. May kaayusan sa
paglalahad ng mga
mahahalagang
ideya.
4. May katuturan
ang isinulat ayon sa
mga patunay na
inilahad.
Kabuuan
27

B. Pagkilala sa mga Detalye sa Kwento


Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag sa bawat bilang ay naganap
sa kwento at kung hindi ay salungguhitan ang salita o mga salitang
nagpamali rito at pagkatapos ay isulat sa patlang ang tamang salita o
mga salita.
1. Masayang lumabas ng kanilang barung-barong si Aling Marta
ng umagang iyon.
2. Araw iyon ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga.
3. Nag-iisip siya habang patungo sa pamilihang-bayan ng
Divisoria.
4. Sabado iyon ng umaga at ang mga tao sa palengke ay
siksikan.
5. Habang papasok siya sa pamilihang-bayan ay nabangga siya
ng isang batang lalaking nagmamadaling lumabas ng
palengke.
6. Nang magbabayad na sana siya ng kanyang pinamili ay
napagtanto niyang nawawala ang kanyang kalupi.
7. Biglang nawalan ng ulirat ang anak ni Aling Marta nang
napagtanto niya ang nangyari.
8. Hindi mananagot si Aling Marta sa pagkamatay ng bata, kundi
ang pulis lang.
9. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata
at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
10. Dinala ni Aling Marta ang bata sa pulis upang isumbong ang
pagnanakaw nito.
28

Aralin 3: Sanaysay
Hindi lahat ng kumikinang ay nagbibigay liwanag sa buhay.
Minsan ito ay nakapagdudulot ng pagkadunot ng sarili.

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na sadyang
kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.
May dalawang uri ang sanaysay: pormal at pamilyar o personal.
Ang sanaysay ay nasa uring pormal kung ito ay maimpormasyon. Ito ay
naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan
ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungkol sa ikalilinaw
ng paksang tinatalakay.
Ang sanaysay ay nasa pamilyar o personal na anyo kung ito ay mapang-aliw,
at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
pang-araw-araw, at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, karanasan, at
isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring
kasangkutan ng mambabasang madla.

Gawain
Panuto: Hanapin at salungguhitan ang kasalungat ng salitang nasa kahon
mula sa mga salitang ginamit sa pangungusap.
mapagkumbaba 1. Ang taong palalo ay kinaiinisan ng marami.

huwad 2. Ang taimtim na panalangin ay sagot sa maraming suliranin.


katapatan 3. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ng isang ahas.
kagalakan 4. Puno man ng hinagpis ang buhay ay maganda pa rin ito.
mayamot 5. Huwag mabighani sa panlabas na kaanyuan.
29

Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at


Ang Liwanag”. Pagkatapos basahin ay sagutin ang mga katanungan sa
ibabang sanaysay.
“Ang Ningning at Ang Liwanag”
isinulat ni: Dimas-Ilaw (Emilio Jacinto)

  Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata,


upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning;
ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng
masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng
kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang
nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng
kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang
isang pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y
mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita
sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa
sipag at kapagaLang tunay. 
Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at
pagtakwiL sa Liwanag.
Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay
namumuhay sa hinagpis at daLita.
Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at
ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang
mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga
30

kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis
at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito.
Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig
mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.
Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang
maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang
mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa
man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran.
Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag
mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang
kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na
napatatanaw sa paningin. 
MapaLad ang araw ng Liwanag! 
Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng
haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Mga Katanungan:
Suriin ang mga pahayag sa ibaba mula sa sanaysay at bumuo ng sariling
opinyon, saloobin o reaksiyon batay sa pahayag.Ipaliwanag ng di maligoy. Sumulat
lamang ng di susobra sa limang pangungusap bawat bilang.
1. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin.
2. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang katunayan
ng mga bagay-bagay.
3. Ang mga bagay na madilim ay maaaring makapagbigay ng liwanag.

Rubrik
May minimal na Mahusay
kakulangan (2 pts)
(1 pt)

1. Kalinawan sa opinyon, saloobin


o reaksyon.
31

2. Katatasan sa paggamit ng
wikang Filipino.
Kabuuan

Aralin 4: Elemento ng Tula


Kapag natutong umibig, pinaglalabang pilit
Ngunit pag-ibig ay dapat na maghintay,
Sa magulang ay hindi dapat sumuway.

Ang tula ay isang uring pasulat na pampanitikan na may ipinapahiwatig na


diwa o mensahe sa mga mambabasa o mga nakakarinig. Ang tula ay mayroong
mga elemento upang mailahad ng maayos ang mga pahayag at ang mensahe
nito ng may kahusayan. Ang mga sumusunod ang mga elemento ng tula, pag-
aralan at suriin:
1. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
2. Tugma - tumutukoy sa pagkakapareho ng dulong tunog o titik ng salita
bawat taludtod. May dalawang uri ng tugma:
(a) ganap, kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling salita sa
bawat taludtod;
(b) di-ganap, kapag magkapareho lamang ng tunog ang huling salita
sa bawat taludtod.
3. Larawang-diwa - mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
4. Simbolismo - salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
Gawain
Panuto: Basahing mabuti at suriin ang tulang “Pag-ibig” ni Jose Corazon
de Jesus. Tugunan ang mga hinihinging pangangailangan sa ibaba upang mas
masuring mabuti ang tula gamit ang mga elemento ng tula:

PAG-IBIG
ni Jose Corazon de Jesus (1926)
32

Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!


Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!


Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Ang Pag-ibig na dakila'y aayaw nang matagalan,


Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang.

Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang agos,


Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama't dunong nalulunod sa pag-irog!

Ang Pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,


Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan ---
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!

Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib


Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!
33

Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;


Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

"Ako'y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!"


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!

Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo'y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig

Panuto: Isulat ang mga kahingian mula sa ibaba.


1. Sukat:
2. Tugama (5 halimbawa lamang):
a)
b)
c)
d)
e)
3. Larawang-diwa (magbigay ng 2 halimbawa):
a)
b)
5. Simbolismo (magbigay ng 3 halimbawa at ang kanilang kahulugan):
a)
b)
c)
34

Aralin 5: Tulang Dula o Mga Uri ng Pantanghalan


Ang pagkagumon sa bisyo’y tunay na nakapeperwisyo.

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na


maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin
ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. 
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay
hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain
at malayang kaisipan. 
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. 
Ang dula ay maaaring mahati sa ilang yugto at ang bawat yugto’y nahahati
sa maraming tagpo.
A. Simula
a) Tauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula.
b) Tagpuan - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula.
c) Sulyap sa Suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang
walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong
suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang
suliranin ang isang dula.
35

B. Gitna
a) Saglit na Kasiglahan - saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
b) Tunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula.
c) Kasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian.
C. Katapusan
a) Kakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at
pag-ayos sa mga tunggalian.
b) Kalutasan/Solusyon - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring
magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng
mga manonood.

Bukod sa mga yugto ng pangyayari at sangkap ng dula, mayroon ring


elemento ang dula. It ay ang mga sumusunod:
1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng
isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang
klase.
36

4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;


siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng
damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
6. Eksena at Tagpo – Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang
tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa
pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito
ay
masaya.
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang
halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C.
Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas.
Isang halimbawa ng trahedya ay Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat
ni Don Pagusara.
4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasaya sa mga nanonood dahil sa mga
dugtung-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.
5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga
tao.

Gawain
Panuto: Basahin ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco “Soc” A.
37

Rodrigo. Ngunit upang maintindihan ang dulang binasa, pag-aralan muna ang
kahulugan ng mga mahahalagang termino mula sa dula:
1. Sultada - bitaw o labanan ng mga manok
2. Tinali - manok na pansabong
3. Dehado - talunan; higit na mahina kaysa kalaban
4. Liyamado - may malaking bentahe o higit na malakas kaysa kalaban.
5. Tabla - walang nanalo o talo sa laban
6. Kristo - tawag sa tagakuha ng taya

Sa Pula, sa Puti

Panahon: Kasalukuyan

Pook: Lalawigan

Tagpo: Isang karaniwang tahanan sa lalawigan. Ang pintuan sa likuran ay patungo sa


labas; ang sa kanan ay patungo sa kusina.

Matatambad sina Celing at Kulas, mag-asawa. Kapwa sila may kagulangan na, at
nakasuot ng barong karaniwan sa mga tagalalawiganin. Nagsusulsi si Celing,
samantalang si Kulas naman ay naghihimas ng tinali. Dudukot si Kulas ng isang
sigarilyo sa bulsa, hahatiin ang sigarilyo, sisindihan ang kalahati, at ibabalik ang
kalahati sa bulsa. Pauusukan ang tinali, titingnan at hahangaan ang kaliskis nito.

Maririnig ang sigawan ng mga tao sa sabungan sa malapit: “Lugro ang diyes!” “Sa
pula!” “Sa puti!” “Heto, dublado sa pula.” “Tabla manalo sa pula.”

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.


Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at
himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi
ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
38

Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko
ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga
tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga
nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng
manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba
alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip
ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti,
Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…
Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako
ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong
isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8
ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan
kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing.
Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong
isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo
ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako
magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa
susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang
pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo
sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
39

Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno,
diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…
este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa
sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali,
ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na
rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si
Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing,
ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo
namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing
pinaglalaruan mo yata ako.
40

Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas.
Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit
kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming
magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang
buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si
Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y
matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang
aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng
simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon
ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare
namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay
mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok
si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
41

Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya
kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala
akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang
Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay
upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit
at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong
may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo
bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at
pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang
buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin.
Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit
namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang
lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo,
ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming
natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang
kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring
makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-
suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u
hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng
manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
42

Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking
manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko
ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay
hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong
dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata
sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay
hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…
Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…
43

ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.


Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na
hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo.
Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…
Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang
makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka
niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo.
Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan
ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang
lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
44

Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.


Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na
muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
45

Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?


Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang
bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at
kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako.
Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa
kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di
mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay
nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien,
tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang
mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng
tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta
ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
46

Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?


Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman
mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit
sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong
kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na
si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung
piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso.
Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
47

Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.


Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit
natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong
kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y
sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit
ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y
parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan
mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din
ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at
pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang
48

diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.


Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At
anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate
Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit
apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo
kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo
ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa
rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni
Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

Mga Katanungan:
A. Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasalungat sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa mga patlang.

bihasa mawalan
hindi sanay tagalalawigan
ilihim tagalunsod
lumagpak tumindig
magkamal ungkatin

1. -
2. -
49

3. -
4. -
5. -

B. Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng


kahon. Isulat ang sagot sa mga patlang.

Grasya Panloloko
Natatalo Magkakakwarta
Pandaraya Walang duda
Natotodas Magkakapera
nakasisiguro biyaya

6. -
7. -
8. -
9. -
10. -

C. Pagkilala sa Katangian ng Tauhan


Panuto: Suriin kung anong damdamin ang ibig ipakahulugan sa sumusunod na
mga pahayag ng mga tauhan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. “Hmp. Pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka nang naisip na


kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo pa ang mga
tinali mo kaysa akin.”
A. Pagdurusa
B. Pagkatakot
C. Panghihina
D. Pagseselos
2. “O, bweno. Wag mo kong sisihin kung maubos ang kaunting
pinagbilhan ng ating mga palay.”
A. Paalala
B. Pakiusap
C. Pagkagulat
D. Pagtatanong
3. “Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba’y naging
50

sabungera na rin.”
A. Pagkagulat
B. Pagkatuwa
C. Pagmamaktol
D. Pagmamagaling

4. “Nakita mo na? Ang hirap kasi sa’yo di mo ginagamit ang ulo mo hindi
tulad ko, mautak.
A. Pagkatuwa
B. Pagmamagaling
C. Pagpapakumbaba
D. Pagtulong
5. “Ngunit, paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay talunan tayo ng
mahigit apatnapung piso.”
A. Pagkatuwa
B. Pagmamagaling
C. Pagtataka
D. Pananabik
51

Mga Katanungan (Criterion Post-Test)


Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
__________1. Ito ay isang mahabang tulang inaawit o binibigkas
A. Awit
B. Balad
C. Epiko
D. Korido

_________2. Ito ay mahabang salaysay na sumasaklaw sa kung saan ang mga


pangyayari ay natatagpuan sa bawat kabanata.
A. Dula
B. Epiko
C. Nobela
D. Talumpati

_________3. Ito ay bahagi ng kwento na binibigyang katapusan ang kwento at


hinahayaan ang mga mambabasa na mag-isip sa maaari pang
itakbo ng kwento.
A. Kakalasan
B. Kasukdulan
C. Solusyon
D. Tunggalian

_________4. Ito ay tulang inaawit habang may nagsasayaw.


A. Awit
B. Balad
C. Korido
D. Sayaw
52

________5. Ito ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at


tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
A. Larawang-diwa
B. Simbolismo
C. Sukat
D. Tugma
________6. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. Sukat
B. Tayutay
C. Tugma
D. Verso
________7. Nagsasabuhay ito sa mga tauhan sa iskrip, sila ang nagbibigkas ng
dayalogo, at pinapanood na tauhan sa dula
A. Gumaganap
B. Manonood
C. Tagadirehe
D. Tanghalan

________8. Siya ang nagpapakahulugan sa isang iskrip, nag i-interpret sa iskrip


mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, damit ng tauhan at paraan
ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
A. Gumaganap
B. Manonood
C. Tagadirehe
D. Tanghalan

________9. Ang tulang ito ay ginagamit sa mga dulang musical.


A. Komedya
B. Melodrama
C. Parsa
D. Saynete

________10. Ito ay isang salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan


ng mambabasa.
53

A. Pagtatanong
B. Pagtawag
C. Pagtutulad
D. Simbolismo

________11. Ito ay isang masining na anyo ng panitikang may isang kakintalan.


ang paglalarawan at paglalahad dito ay madali, maikli, ay masining
kaya’t sa isang upuan o sa sandaling panahon lamang ay agad itong
matutunghayan, mababasa, at kapupulutan ng pananabik, aliw, at
maging aral.
A. Maikling kwento
B. Dula
C. Pabula
D. Sanaysay
________12. Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin nito ay itanghal sa
tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi
ng buhay.
A. Maikling kwento
B. Dula
C. Pabula
D. Sanaysay

________13. Ito isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na


karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay
na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa.
A. Maikling kwento
B. Dula
C. Pabula
D. Sanaysay

________14. Isa sa mga uri ng Maikling kwento kung saan binibigyang diin ang
kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan at ang uri ng
54

pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.


A. Katatawanan
B. Katutubong kulay
C. Pakikipagsapalaran
D. Sikolohiko

________15. Dito makikita ang bahaging kinapalooban ng pinakamasidhing


pananabik dahil sa takbo ng pangyayari.
A. Kakalasan
B. Kasukdulan
C. Saglit na kasiglahan
D. Tunggalian

________16. Hilig ito ng mga bata, nakatuon ito sa mga bagay na mahirap
paniwalaan.
A. Kababalaghan
B. Pag-ibig
C. Pakikipagsapalaran
D. Sikolohikal

_______17. Ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Ang katangiang taglay
nito ay nagbubunsod sa mambabasa na mag-isip upang yumaman
at umunlad ang kanyang diwa o kaisipan.
A. Bisa sa isip
B. Bisa sa kaasalan
C. Bisa sa ugali
D. Bisang Pandamdamin

________18. Ito ay isang dulang kadalasang nagpapaiyak sa mga manonood na


kadalasang mapapanood sa mga serye sa telebisyon.
A. Komedya
B. Soap opera
C. Tragikomedya
D. Trahedya
55

_________19. Ito ay may layuning magpatawa at magbigay ng maganda o


positibong wakas.
A. Komedya
B. Soap opera
C. Tragikomedya
D. Trahedya
_______20. Dito nag lalabas-masok ang mga tauhan sa dula.
A. Eksena
B. Tanghalan
C. Manonood
D. Aktor

________21. Ito ay isang sanaysay na ang salitang ginagamit ng may akda ay


piling pili at seryoso ang mga paksa.
A. Impormal
B. Karaniwan
C. Pamilyar o personal
D. Pormal

________22. Isang panitikang tuluyan na pumapaksa sa mga kaisipan at


bagay-bagay na kapupulutan ng aral.
A. Dula
B. Pabula
C. Sanaysay
D. Tula
________23. Ito ay isang sanaysay na mapang-aliw, at nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan,
pang-araw-araw, at personal.
A. Impormal
B. Karaniwan
C. Pamilyar o personal
D. Pormal

________24. Ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.
56

A. Komedya
B. Melodrama
C. Parsa
D. Saynete

________25. Nakapagpapasaya sa mga nanonood dahil sa mga


dugtung-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.
A. Komedya
B. Melodrama
C. Parsa
D. Saynete

________26. Ito ang kuwentong humahamon sa talino ng mambabasa.


A. Pag-ibig
B. Pakikipagsapalaran
C. Sikolohiko
D. Talino

________27. Ang kuwentong ito ay nasa isip ng pangunahing tauhan.


A. Pag-ibig
B. Pakikipagsapalaran
C. Sikolohiko
D. Talino

_______28. Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan.


A. Pag-ibig
B. Pakikipagsapalaran
C. Sikolohiko
D. Talino

________29. Dito binibigyang lunas ang suliranin na inilahad sa kwento.


A. Kakalasan
B. Kasukdulan
C. Solusyon
D. Tunggalian
57

________30. Isang pangugutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang


kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.
A. Paghihimig
B. Pagmamalabis
C. Pagtutulad
D. Pag-uyam

Ebalwasyon
Basahin:
Basahin ang isang halimbawa ng buod ng isang maikling kwentong. Ito ay
sinulat ni Macario Pineda noong 1933 at ang pamagat ay Suyuan sa Tubigan. Ang
kwentong ito ay isang matapat na paglalarawan ng isang yugto sa buhay-bukid.
Dalawa ang maaaring ipakahulugan sa pamagat: ang pagtutulungan ng mga
magsasaka sa pag-aararo at ang pagpapaligsahan ng dalawang binata sa iisang
dalagang kapwa nila iniibig.
Suyuan sa Tubig
Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang
anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga
matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong,
Pakito, at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kanya-kanyang araro. Habang
naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay
nagpatihuli na parang may malalim na iniisip. Nang marating nila ang tubigang
aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang
sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukwentuhan. Habang
abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din
si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing
pinamumulahan ng pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito
ng binatang sapuhin ang kamay ng dalaga.
Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang
patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging
nahuhuling nakatingin say Pilang.
Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na
58

paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang


nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Nagpakitaan sila
ng bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ngkalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng
dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si
Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni
Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna.
Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa
sobrang pagod.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw
niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si
Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig
at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang
ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at
paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang
masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore
ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang.
Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.

Panuto: Suriin ang binasang maikling kwento at sumulat ng personal na sanaysay batay
sa mga bisang pampanitikan.
Kapos Maraming May minimal May sapat Pinakama
(1-2 pts) kakulangan na na - husay
(3-5 pts) kakulangan kahusayan (10 pts)
(6-7 pts) (8-9 pts)
1. Lawak at lalim ng
pagpapaliwanag ng
mga ideya.
2. Katatasan sa
paggamit ng wikang
Filipino.
3. May kaayusan sa
paglalahad ng mga
mahahalagang
ideya.
4. May katuturan
ang isinulat ayon sa
59

tatlong bisang
pampanitikan.
Kabuuan

Panuto: Ibigay ang balangkas ng kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga elemento ng yugot nito:
A. Simula
a) Tauhan:
b) Tagpuan:
c) Sulyap sa Suliranin:
B. Gitna
a) Saglit na Kasiglahan:
b) Tunggalian:
c) Kasukdulan:
C. Katapusan
a) Kakalasan:
b) Kalutasan/Solusyon:
60

Mga Susing Kasagutan sa Lahat ng Gawain


Simulaang Pagsusulit
1. A
2. C
3. E
4. I
5. K
6. B
7. H
8. F
9. J
10. G
11. C
12. A
13. A
14. A
15. PASTORAL
16. DALIT
17. SONETO
18. ODA
19. ELIHIYA
20. AWITINGBAYAN
21. AYON PAGHAHALIN
22. AYON SA ANYO
23. PATULA
24. PATULUYAN
25. PATANGHAL
26. TULA
27. TULA
61

28. MAIKLING KATHA


29. SANAYSAY
30. DULA

Maikling Kwneto: Ang Kalupi


B. Pagkilala sa mga Detalye sa Kwento
Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag sa bawat bilang ay naganap
sa kwento at kung hindi ay salungguhitan ang salita o mga salitang
nagpamali rito at pagkatapos ay isulat sa patlang ang tamang salita o
mga salita.
T 1. Masayang lumabas ng kanilang barung-barong si Aling Marta
ng umagang iyon.
T 2. Araw iyon ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga.
Tondo 3. Nag-iisip siya habang patungo sa pamilihang-bayan ng
Divisoria.
Linggo 4. Sabado iyon ng umaga at ang mga tao sa palengke ay
siksikan.
T 5. Habang papasok siya sa pamilihang-bayan ay nabangga siya
ng isang batang lalaking nagmamadaling lumabas ng
palengke.
T 6. Nang magbabayad na sana siya ng kanyang pinamili ay
napagtanto niyang nawawala ang kanyang kalupi.
T 7. Biglang nawalan ng ulirat ang anak ni Aling Marta nang
napagtanto niya ang nangyari.
tsuper 8. Hindi mananagot si Aling Marta sa pagkamatay ng bata, kundi
ang pulis lang.
T 9. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata
at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
T 10. Dinala ni Aling Marta ang bata sa pulis upang isumbong ang
pagnanakaw nito.
62

Tula: Ang Pag-ibig

Panuto: Hanapin at salungguhitan ang kasalungat ng salitang nasa kahon


mula sa mga salitang ginamit sa pangungusap.
mapagkumbaba 1. Ang taong palalo ay kinaiinisan ng marami.

huwad 2. Ang taimtim na panalangin ay sagot sa maraming suliranin.


katapatan 3. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ng isang ahas.
kagalakan 4. Puno man ng hinagpis ang buhay ay maganda pa rin ito.
mayamot 5. Huwag mabighani sa panlabas na kaanyuan.

Panuto: Isulat ang mga kahingian mula sa ibaba.


1. Sukat: 16 pantig sa bawat taludtod, 4 taludtod bawat saknong, 9 saknong
2. Tugma (5 halimbawa lamang):
A) talata - pagkabata
B) agos - lunos
C) bulaklak - kakabyak
D) hukay - buhay
E) matagalan - halikan
3. Larawang-diwa (magbigay ng 2 halimbawa):
A) ang pag-ibig ay may mata
B) bawat sugat ay bulaklak
4. Simbolismo (magbigay ng 2 halimbawa at ang kanilang kahulugan):
C) buko - bata
D) ilog - pag-ibig
63

Dula: Sa Pula! Sa Puti!

A. Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasalungat sa loob ng kahon.


Isulat ang sagot sa mga patlang.

bihasa mawalan
hindi sanay tagalalawigan
ilihim tagalunsod
lumagpak tumindig
magkamal ungkatin

11. bihasa - hindi sanay


12. ilihim - ungkatin
13. lumagpak - tumindig
14. tagalalawigan - tagalunsod
15. magkamal - mawalan

B. Panuto: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa loob ng


kahon. Isulat ang sagot sa mga patlang.

Grasya Panloloko
Natatalo Magkakakwarta
Pandaraya Walang duda
Natotodas Magkakapera
nakasisiguro biyaya

16. Grasya - biyaya


17. natatalo - natotodas
18. pandaraya - panloloko
19. nakasisiguro - walang duda
20. magkakakwarta - magkakapera
64

D. Pagkilala sa Katangian ng Tauhan


Panuto: Suriin kung anong damdamin ang ibig ipakahulugan sa sumusunod na
mga pahayag ng mga tauhan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

D 1. “Hmp. Pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka nang naisip na


kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo pa ang mga
tinali mo kaysa akin.”
A. Pagdurusa
B. Pagkatakot
C. Panghihina
D. Pagseselos
A 2. “O, bweno. Wag mo kong sisihin kung maubos ang kaunting
pinagbilhan ng ating mga palay.”
A. Paalala
B. Pakiusap
C. Pagkagulat
D. Pagtatanong
A 3. “Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba’y naging
sabungera na rin.”
A. Pagkagulat
B. Pagkatuwa
C. Pagmamaktol
D. Pagmamagaling
A 4. “Nakita mo na? Ang hirap kasi sa’yo di mo ginagamit ang ulo mo hindi
tulad ko, mautak.
A. Pagkatuwa
B. Pagmamagaling
C. Pagpapakumbaba
D. Pagtulong
C 5. “Ngunit, paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay talunan tayo ng
mahigit apatnapung piso.”
A. Pagkatuwa
65

B. Pagmamagaling
C. Pagtataka
D. Pananabik

Panghuling Pagsusulit (Criterion Post-Test)


1. C. 11. A 21. D
2. C 12. B 22. B
3. A 13. C 23. C
4. B 14. B 24. D
5. A 15. B 25. C
6. A 16. A 26. D
7. A 17. A 27. C
8. C 18. B 28. A
9. B 19. A 29. B
10. D 20. A 30. D

You might also like