Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lupa man ay langit na rin

Sa bayan ng San Isidro may isang mahirap na pamilya na namamasukan sa isang


hacienda na pagmamay-ari ng Pamilyang Royales na isa sa pinaka mayaman at
kinatatakutan na pamilya. Nagsimula ang lahat sa isang masamang trahedya na naganap
sa hacienda Royales kung saan napakaraming trabahador at kasambahay ang walang
awang pinagpapatay. Sa kadahilanan na may isang trabahador na nakatuklas ng lihim ng
pamilyang Royales. Nasaksihan ng isang batang lalaki na ngangalang Juanito Dimalupig isa
sa mga anak ng trabahador. Malinaw na malinaw sa kanya ang lahat na nangyari sa
isang abandonadong bodega. Tumatak sa isip ni juanito ang lahat na sinabi ni Don Isidro,
lalong lalo na ang katagang ”Hindi pa ipinanganganak ang pwedeng magpabagsak sa
aming pamilya, at kayong pinanganak na mahirap ay mamamatay ring mahirap” dahil dito
nagkaroon siya ng pagkamuhi sa mapag aping pamilya at sinabi niya sa kaniyang sarili
”wala akong sasayangin oras upang makamit ang hustisya para sa aking pamilya”.

Makalipas ang labing tatlong taon, inumpisahan niya na ang binabalak niyang
paghihiganti sa pamilyang tumapos ng buhay ng kaniyang ama at tiyuhin. Kaya naman
siya ay namasukan sa pamilyang royales bilang tagapangalaga ng kanilang hacienda at
tagabantay ng kanilang anak na babae na si Erica. Nang pumasok siya sa buhay ng
pamilyang royales, ang una niyang inisip na paghihiganti ay kunin ang loob ng dalaga
upang mas madali sa kanya na maghiganti ngunit sa di inaasahang pagkakataon ng
makita niya si Erica nahulog na lang ang loob niya ditto ngunit kaniyang pinigilan ang
nararamdaman sapagkat alam niyang kapag puso ang kaniyang pinairal ang kaniyang
paghihiganti ay mauuwi sa wala. Subalit hindi niya talaga maiwasan na mahalin si Erica
dahil sa taglay nitong katangian kaya naman ginawa niya ang lahat upang siya’y mahalin
ni Erica, at di nagtagal na pa ibig niya si Erica. Di nagtagal sila ay nagging magkasintahan .

Habang nasa Amerika si Don Isidro at Donya Imelda hindi nito alam na mayroon
na palang kasintahan ang kanilang anak na si Erica. Ingat na ingat si Erica na hindi
malaman ng kaniyang magulang ang namamagitan sa kanila ni Juanito dahil alam nito na
kapag nalaman na mayroong siyang kasintahan na salat sa yaman ito ay papatayin dahil
ang gusto ng kaniyang magulang ay dapat ipakasal siya sa isang mayaman rin. Di
nagtagal ay nalaman rin ni don isidro na may namamagitan sa kanilang anak at sa
kanilang tagapangalaga ng hacienda na si Juanito. Dali dali silang umuwi ng pilipinas
upang tapusin ang mamagitan sa dalawa. Nang makauwi sina Don Isidro, ipinadampot
niya si Juanito sa kaniyang mga tauhan at si Erica ay kinulong sa silid nito. Pinahirapan
ni Don Isidro si Jaunito na para bang isang lupa na tinatapak tapakan lamang. Labis na
binugbog ng mga tauhan ni Don Isidro si Juanito hanggang sa nawalan na siya ng lakas
subalit bago tuluyang nawalan ng malay ay kaniyang inilantad ang mga nalalaman niyang
sikreto na si Don Isidro ay isa sa mga lider ng mga sindikato at agad naman tinutukan
ng baril ni Don Isidro si Juanito at sinabi naman ni Juanito sa kaniya “sige, patayin mo
na rin ako kagaya ng pagpatay mo sa mga taong nagsilbi sayo ng buong katapatan.
”Nang kakalabitin na ni Don Isidro ang gatilyo ng baril ng biglang may yumakap kay
Juanito at ito ang tinamaan ng bala na dapat ay kay Juanito. Nang imulat ni Juanito ang
kaniyang mata nakita niya si Erica na duguan at ito ay wala ng malay at tuluyan ng
namatay. Tumindi ang pagkamuhi ni Don Isidro kay Juanito at ito ay binaril at
ipinatapon sa malayong lugar.

Akala ni Don Isidro ay patay na si Juanito ngunit may isang mayamang


hasyendera na nangangalang Donya Ismeralda na nakakita kay Juanito na lumulutang sa
ilog. Nilapitan nila si Juanito at tinignan kung buhay pa ba ang binata. Dinala ni Donya
Ismeralda si Juanito sa hospital at nang nagkamalay ito ay kinuwento ni Juanito ang
nangyari sa kaniya. Sinabi ni Donya Ismeralda na gumawa ang diyos ng paraan para
sila’y magtagpo at magtulungan dahil iisa rin sila ng pakay na pabagsakin ang mapag
aping at hindi makatao na si Don Isidro. Inampon si Juanito ni Donya Ismerlada at
tinuring na parang isang tunay na anak, hindi nagtagal gumaling na si Juanito at sila ay
gumawa ng plano ni Donya ismeralda kung paano pababagsakin ng tuluyan si Don Isidro.
Bawat galaw ni Don Isidro ay pinagaralan nilang mabuti, kahit sa mga illegal nitong
transaksiyon ay sinubaybayan nila. Nakakuha sila ng pagkakataon upang isabutahi ang
pagpupuslit ng mga tauhan ni Don Isidro ng mga droga palabas ng bansa, lahat ng
kargamento na naglalaman ng mga droga ay ipinagpalit ni Juanito at ang mga kasama
nito ng sako sakong asin, samantala ang mga kargamentong naglalaman ng droga ay
itinapon sa gitna ng dagat. Bilyon bilyon ang nawala kay Don Isidro dahil sa pangyayaring
iyon at ito’y ikinagalit niya. Hindi lamang yun ang ikinagalit ni Don Isidro kung hindi pati
na rin ang pagkaroon ng raid sa lahat ng pasugalan ni Don Isidro sa loob at labas ng
bayan ng san isidro dahil dito ay unti unti ng nauubos at nawawala ang yaman ni Don
Isidro. Di kalaunan ay may tumawag kay Don Isidro na isang lalaki at sinabing “lahat ng
masamang bagay at kasakiman ay may hangganan”. Labis ang galit na nararamdaman ni
Don Isidro sa lalaki ang hindI niya alam ay si Juanito ang tumawag sa kaniya. Sunod
sunod ang kamalasan na dumating kay Don Isidro hanggang umabot sa puntong lahat ng
kayamanan niya ay naubos na at nagkaroon siya ng malaking pagkakautang sa sindikato
sa labas ng bansa na kinabibilangan niya. Dumating ang araw na lahat ng tao sa san
isdro ay alam na ang mga masasamang ginawa ni Don Isidro pero may isang taong may
lakas ng loob na nagsumbong sa pulis at ito ay si Juanito at sinabi niya sa kanila na
walang magagawa kung mananahimik na lamang, Nagkaron sila ng lakas ng loob dahil sa
sinabi ni Juanito at sila ay pumunta sa bahay ni Don Isidro kasama ang mga pulis upang
damputin at ipakulong ito. Habang nag dudusa si Don Isidro sa kaniyang silda dumating
si Juanito at tinanong ito “kung natatandaan mo ang mga taong nagsilbi sayo? kung
hindi na ipapaalala ko sayo. ”ito ang mga sinabi mo dati “wala pang ipinapanganak sa
mundong ito ang magpapabagsak sa pamilya namin at kayong ipinanganak na mahirap
ay mamamatay ring mahirap” lahat yun ay mali ka Don Isidro dahil walang sino man sa
atin ang may alam kung anong mangyayari sa hinaharap pakatandaan mo ito Don Isidro.
Ito na ang panahon ng pagbabayad ng iyong mga kasalanan sa lahat ng taong tinapak-
tapakan mo.

You might also like