Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON

Angels in Heaven School, Inc


Lungsod ng Cabuyao, Laguna

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nababatid ang kahulugan ng Caste system ng India
2.Naiisa isa ang bawat pangkat na bumubuo sa caste system ng India
3.Nailalahad ang damdamin hinggil sa kahalagahan ng pagkakapantay pantay ng tao sa
lipunan.

II. Nilalaman:
Paksa: Ang Caste system ng India
Sanggunian: Ugat ng Lahi: Asya
Pahina 184-185

Kagamitan: mga pantulong na kagamitan, mga pantulong na larawan,

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pang-araw-araw na Gawain
1.1 Pagdarasal
1.2 Pagbati
1.3 Pagsisiyasat ng mga sumusunod:
a. Kaayusan at kalinisan ng silid-aralan
b. Pagtatala ng liban

B. Pagganyak na Gawain: KantaNong


Ipapaskil ng guro ang awitin sa pisara na pinamagatang “Doon po sa amin”. Ang guro
muna ang unang aawit pagkatapos ay sabay-sabay itong aawitin ng klase. Matapos iyon ay
magkakaroon ng malayang talakayan hinggil sa pagsisiwalat ng magiging paksang aral .
Mga gabay na tanong:
1. Anu ano ang mga pangkat na nabanggit sa awitin?
2. Sa impormasyong nabanggit sa awitin, paano ninyo ngayon bibigyang
kahulugan ang sistemang caste?
C. Paglinang ng Aralin:
1. Aktibiti/Gawain:
Papangkatin ng guro ang klase sa apat kung saan ang bawat pangkat ay
makatatanggap ng task card na naglalaman ng kanya-kanyang gawain. Pagkatapos ay
ilalahad ito sa pamamagitan ng ibat-ibang pamamaraan.
Pangkat I- Tungkulin ng Brahmins (maikling tula)
Pangkat II- Hanapbuhay ng Kshatriyas ( maikling skit)
Pangkat III- Gawain ng Vaisyas (pag-uulat)
Pangkat IV- paglalarawan sa mga sudras (awitin)

2. Analisis/Pagsusuri:
1. Ano ang kahulugan ng sistemang caste?
2. Paano mo mailalarawan ang sistemang caste ng india?
3. Sa kasalukuyang panahon, sa anong estado ng lipunan mo maihahambing ang mga
nasabing pangkat? Isa isahin.

4. Pantay-pantay ba pagkakahati-hati sa sistemang caste?Ipaliwanag.

3. Abstraksyon/Paghahalaw:
Pagpunan sa patlang: Ang sitemang caste ng India ay __________________________
Ito ay binubuo ng mga _________________________________________.

4. Aplikasyon/Paglalapat:
Sa pamamagitan ng pagguhit ng isang simbolo ay ipahayag ninyo ang kahalagahan ng
pagkakapantay pantay ng mga tao sa lipunan.

IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang mga sumusunod na pangkat ng caste system sa katumbas na
kahulugan nito sa kasalukuyan. Isulat ang inyong sagot sa patlang.

A B
1. Kshatriyas a. Pari
2. Sudras b. mandirigma
3. Brahmin c. mangangalakal
4. Vaisyas d. alipin
5. dalit e. pulubi

V. Kasunduan/Takdang Aralin:
Magsaliksik ng mga larawan na may kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan ng lipunang
India. Ilagay ito sa bond paper. Maari rin itong ipasa sa pamamagitan ng pdf.

--------Katapusan-----
Inihanda ni:
Arlene D. Panaligan,Lpt
Guro

You might also like