Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BAUTISTA, CLARENCE JOY L.

AGOSTO 3, 2010
BSECE 5B PROF. NORBERTO ROQUINO

I. A. Pamagat ng Pelikula: BAYANING 3RD WORLD


B. Director: Mike De Leon

II. Mga Nagtanghal(Gumanap, Ginanapan at maikling Paglalarawan ng Papel na


Ginanapan)

• Ricky Davao at Cris Villanueva – Film makers


Sila ay mga direktor na gumagawa ng palabas at isa na nga rito ay ang tungkol sa buhay ni
Rizal na kung saan ay kanilang inimbistega ang buhay at historya ng kanyang buhay. At habang
ginagawa nila ang palabas ay unti-unti nilang natutuklasan at nabubuo ang kanilang palabas
tungkol kay rizal.
• Joel Torre - Jose Rizal
Siya si Rizal na nagbigay pangaral tungkol sa kaniyang ‘di matapos- tapos na istorya at mga
rebelasyon sa kanyang buhay pagkabayani at gayon din na usapin na pagsapi sa relihiyong
Katoliko.
• Rio Locsin – Trining
Kapatid ni rizal at kasama ng kanyang ina ng si Rizal ay nasa Madrid. Siya rin ang kontrabida
sa buhay ni Josephine Bracken sapagkat lagi itong hindi pabor lalo nang malamang sila’y
ikakasal ng kapatid na si Rizal.
• Dario Ramirez - Doña Teodora
Ang kontribusyon ni Aling Lolay o ni Doña Teodora sa buhay ni rizal ang naging susi upang
patuloy na ipaglaban ang nasimulang misyon ng anak.
• Cherry Pie Picache – Narcisa
Kapatid ni Rizal. Miyembro ng angkang Rizal na sumang- ayon sa pag- iibigang nila Rizal at
Josephine Bracken.
• Lara Fabregas - Josephine Bracken
Siya ang babaing minahal ni Rizal na pinagmulan rin ng mga isyu sa buhay ni Rizal.
Sinanasabing siya raw ay isang espiya ng pamahalaang Espanya upang mahikayat si Rizal na
tumiwalag at maging isang Katoliko. Isang misteryosong karakter na naging daan upang
masaksihan ang ginawang pagtiwalag ni Rizal sa relihiyong Katolisismo.
• Jooney Gamboa – Paciano
Siya ang nagplano lahat mula sa pag- alis ng kapatid na si Rizal papuntang Madrid, sa pag-
aaral nito ng medisina hanggang sa pagtataguyod nito ng malawakang pagtanggi sa pamamalakad
sa atin ng mga Kastila noon.

III. Buod ng Pelikula

Sa una pa lang kakaiba na ang dating ng Bayaning 3rd World. Isama ba naman sa listahan
ng mga Pambansan si Rizal? Litrato ng agila, National Bird,; litrato ng narra, National Tree;
litrato ng mangga, National Fruit; litrato ni Rizal, National Hero. Pagkatapos ay malalaman
mong hindi pala si Rizal ang main character kundi dalawang filmmakers na hindi sasabihin ang
mga pangalan. Gagamitin pa siyang pangalan ng deodorant.
Ang pelikulang ito ay pelikulang nagsasadula ng buhay ni Rizal na pinagdududahan nila
Ricky Davao at Cris Villanueva dito ang pagkabayani ni Rizal. Sinubukan nilang gumawa ng
isang pelikula ng Larawan ng Binata Bilang Alagad ng Sining. Sila ay nag-isip at nagtalo sa
paggawa ng pelikulang ito. Pinamagatan itong "Bayaning Third World" dahil sa pagiging
marupok ni Rizal at inihantulad sa kalagayan ng ating bansa. Kung paano siya naging
pambansang bayani kung tinalikuran niya ang himagsikan. Ito ang tanong na gustong ipabatid ng
pelikula nilang dalawa. Ito ay may 8 paksa: (1) Sino o Ano si Rizal? (2) Ang buhay ni Rizal,
pampelikula ba ang buhay ni Rizal? (3) Doña Lolay, ang alaala at pag-alaala. (4) Josephine
Bracken, inspirasyon o pampagulo? (5) Narcissa, ang biktima ay si Pepe. (6) Trining, lumabong
alaala. (7) Padre Balaguer, nagbalik-loob si Pepe. (8) Kanya-kanyang Rizal. Ang pelikulang ito
ay parang paglilitis kung saan isa-isang dadalawin ng dalawang gumagawa ng pelikula ang mga
tao sa buhay ni Rizal at sa huli, hindi na nila maiiwasang kausapin mismo si Rizal.
Sa maraming brainstorming at pag-aaway na pagdadaanan ng dalawang filmmakers, iisa
lang ang pagkakasunduan nila: hindi magandang materyal ang pelikula ng bayani, hindi
cinematic. Kahit pa nga raw isama ang pagiging matinik nito sa mga babae. Aba, sasabihin pa
nila, mas maganda pa yatang isapelikula ang buhay ng uliran niyang ina. At least si Donya
Loleng, pinagbintangan ng tangkang pagpatay at ipinalakad nang malayo papunta sa
pagkukulungan nito.

IV. Pagsusuri

A. Pagkakadirehe

Alam naman nating lahat na sa ‘third world category’ nabibilang ang ating bansa. Ibig
sabihin nito, tayo ay nasa uring pasulong pa lamang ngunit naghihirap pa rin. Nagsisikap tayong
umunlad an gating sarili gaya ng ginawa ni Rizal upang makapag- ambag ng kaunlaran sa ating
Bayan. Kung titingnan ito mula sa pelikula ay may naiungkat na bagong pagkatao ni Rizal na siya
naman itong kinikritiko nang taliwas ng dalawang filmmakers. Ang ating nasaksihan ay maliliit
na impormasyon na siyang nakalap dahil sa tulong na rin ng ating mga mananaliksik ang ating
magiging susi sa pagtuklas ng malalaki at ebidenteng mga bagay na maaaring makatulong upang
malaman angbuong istorya ng ating pambansang bayani na magpahanggang sa ngayon
ayitinuturing pa ring isang misteryosong pigura at imahe sa mata ng nakararami.

B. Pagganap ng Artista
Ang mga artista ay naging magandang kalarawan ng mga kaibigan at kapamilya ni Rizal.
Sila ay nagpakita ng emosyon tulad ng pagsasalaysay ni Rizal sa kanyang buhay.

C. Galaw ng pangyayari (pagkakasulat ng iskrip)


Ang pangyayari ng palabas ng Bayaning 3rd World ay naging masmalawak dahil ito ay
ginawang kategorya at nahati sa ibat ibang palabas.

D. Musikang Ginamit

Ang musika ang siyang nagbibigay himig at melodya sa palabas at dahil dito ay
mas nahihikayat ang mga manunuod na ito’y pagtuunang pansin. Ang musika ang siya
ring bahagi ng isang pelikula upang makumpleto ang daloy ng kwento. Ito kasi ang
nagbibigay ng aliw sa mga sandaling ang daratnan ay ang mga magaganda na eksena.

V. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Ito ay tumatak sa isp ng manunuod sa pagaalaala ng mga panahon ni Rizal na hindi
nating kayang ipagkompara sa pamumuhay natin sa kasalukuyan at gayon din ang Ang mga
kontribusyon ni Rizal sa ating bansa.
B. Bisa sa Damdamin
Ipinakita din dito kung paano umibig si Rizal kay Josephine Bracken at kung paano di
natanggap ng pamilya Rizal ang kasintahan ni Rizal.

C. Bisa sa Asal
Ang magulang at kapatid ni Rizal ay mahigpit pagdating sa buhay pagibig ni Rizal. Ang
dalawang Filmmakers ay nagpakita ng pagiging desperado sa pagbuo ng kanilang palabas
patungkol kay Rizal.

VI. Kontrol sa Pelikula

Kung ikaw ang masusunod, paano mo wawakasan ang pelikula?


Tatapusin ko ito na walang halong misteryo sa buhay ni Rizal upang sa ganoon ay lahat
ng itinatago ni Rizal patungkol sa kanyang pagkatao at buhay ay malaman ng lahat ng Pilipino at
masabi natin na siya ay karapat dapat na tawaging bayaning 3rd world.

VII. Koneksyon ng Pelikula sa Asignatura

Ang Bayaning 3rd World ay may koneksyon sa pinagaaralan naming patungkol kay Jose
Rizal at ito ay nakapagbibigay ng karagdagang impormasyon sa aming pagsusuri at pagaaral
patungkol sa buhay ni rizal.

You might also like