Ar Pan 4th Grading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon X – Northern Mindanao
Dibisyon ng Lungsod ng Iligan
Lungsod ng Iligan City

ARALING PANLIPIUNAN 4
Ikaapat na Panahunang Pagsusulit
S.Y. 2019-2020
Pangalan;________________________ Sekyon_______________ Iskor:______
1.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng
wastong sagot.
1. Isang pribilehiyong yaman ng ating bansa sa sa isang dayuhan ang pagbibigay ng pagkamamamayang
Filipino. Ano ang tawag sq legal na proseso nito?
A. Naturalisasyon B. Katutubo C. Jus Sanguinis D. Jus Soli

2. Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi ng bansa. Ano ang tawag kung ito ay
naayon sa relasyon sa dugo ng mga magulang?
A.Jus Sanguinis B. Jus Soli C. Katutubo D. Naturalisado

3. Isa sa pinakamahalagang yaman ng bansa ang mamamayan nito. Tinaguriang mamamayan ng Pilipinas
ang mga sumusunod MALIBAN sa isa.
A. Si Gelnn na ipinanganak sa Iligan na nakatira sa Davao
B. Si Felix na anak ng isang Pilipina at Amerikano
C. Si Dindy na ipinanganak sa Pilipinas at kapwa Amerikano ang mga magulang
D. Si Alex na taga-Canada na naninirahan sa bansa sa loob ng tatlong taon.

4. Ang dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng isang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon
ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Anong batas ang naging batayan ng dual citizenship?
A. Republic Act 9225 C. Commonwealth Act No. 475
B. Presidential Decree 57 D.Republic Act 5732

5. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o sapilitan. Ang mga sumusunod
ay maaaring dahilan ng pagkawala nito. MALIBAN SA ISA.
A. Siya ay naglingkod sa sandatahang lakas ng ibang bansa
B. Siya ay naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
C. Siya ay tuloy-tuloy na naninirahan ng sampung taon sa ating bansa
D. Siya ay sumumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa

6. Ang karapatan ng mamamayan ay nauuri sa tatlo. Ano ang tawag sa karapatang nauukol sa pagtatamasa ng
kapayapaan at kaligayahan sa buhay?
A. Karapatang Politikal C. Karapatang Panlipunan
B. Karapatang Sibil D. Karapatang Pangkabuhayan

7. Napagbintangan nagnakaw sa iyons kapitbahay ang iyong kaibigan kaya nang natagpuan pinagbubugbog
siya , dinakip at ikinulong ng mga pulis kahit hindi pa ito napatunayan. Sa iyong palagay ,karapat-dapat ba
ang sinapit ng iyong kaibigan?
A. Oo, sapagakat hindi tama ang magnakaw
B. B. Oo, para hindi na niya ito gagawin sa susunod
C. Hindi, sapagkat walang karapatan ang mga pulis na dakpin at ikulong ang sinuman ng walang sapat na
batayan
D.Hindi , sapagkat ang pagdakip at pagkulong ay labag sa kagustuhan ng nakakarami.

8. Kaakibat ng pagiging mamamayan, nakasaad rin sa Saligang Batas ang mga karapatan ng mamamayang
Pilipino. Ano ang mahihinuha mo sa pagtakda nito?
A. Upang magsilbing gabay sa pakikitungo sa kapwa at pakikiisa sa lipunan
B. Upang magsilbing gabay sa pakikitungo sa mga tiwaling alagad ng pamahalaan
C. Upang magsilbing gabay sa pag-iwas sa makataong pagparusa kapag nasasakdal
D. Upang magsilbing gabay sa pag-iwas sa pagsunod sa pamamalakad ng pamahalaan
9. Ang karapatan ng mga bata sa buong mundo ay binabatay sa “ Universal Declaration of Children’s Right”.
Anong samahan ang bumubuo nito?
A. United nations Children’s Fund (UNICIF)
B. United Nations Coherence for Trade and Development (UNCTAD)
C. United Nations Commission on Human Rights (UNCHR)
D. United Nation ( UN)
10. Isa sa mga karapatan ng bawat mamamayan ang karapatang panlipunan. Ang karapatang ito ay
nakakatulong sa pangangalaga ng mga mamamayan gaya ng sumusunod, MALIBAN SA ISA.
A. Karapatan sa lahim na korespondensiya at komunikasyon C.Karapatang bumuto
B. Karapatang pumili ng relihiyon D. karapatang maglakbay

11. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang
tutugon sa kasabihang ito?
A. Panggalang sa Maykapangyarihan C. Pakikipagtulungan sa mamamayam
B. Paggalang sa karapatan ng iba D. Pagtatanggol sa bansa

12. May isang pabrika sa inyong lugar na nagdudulot ng mabahong amoy at usok sa inyong pamayanan.
Kung ikaw ay isang opisyal ng barangay. Ano ang maaari mong gawin para masolusyunan ang
problemang ito?
A. Ganyakin ang kabarangay na ipagwalang bahala na lamang ang problema
B. Pupunta ka sa may-ari at pagsabihan na ipasara na ang kaniyangpabrika
C. Himukin ang kabararangay na magkaroon ng protesta nan ipasara ang pabrika
D. Ipaalam ito sa punong lungsod para matugunan ang problemang kinaharap

13. nakita mo ang kaklasi mong na nangodigo sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsabihan mo na hindi tama ang kanyang ginagawang pangongodigo
B. Baliwalain ang nakita dahil matalik mo naman siyang kaibigan
C. Magsasawalang-kibo para tataas ang markang makuha ng kaibigan sa ikaapat na markahan
D. Pagsabihan mo kapag hindi ka pakopyahin ng kanyang nakuhang sagot

14. Ang bawat karapatan ay may katumbas na responsibilidad na dapat gampanan. Ang makabuluhang
paggawa sa mga ito ay magbubunga ng sumusunod, MALIBAN SA ISA.
A. Kaunlaran ng bansa C. Kabutihan sa sarili at kapwa
B. Kapayapaan ng pamayanan D. kapahamakan sa sarili, kapwa at bansa

15. Pagod na dumating ang iyong ina galing sa trabaho kaya agad na humiga sa sala kung saan naglalaro
kayo ng iyong mga kaibigan. Ano ang pinakamabuti ninyong gawin?
A. Ganyakin ang ina na sa kuwarto na lang matulog para hindi kayo madisturbo sa paglalaro
B. Ipagpatuloy ang paglalaro dahil karapatan ninyo bilang bata ang maglaro
C. Itigil ang paglalaro upang makapagpahinga ng maayos ang iyong ina
D. Dahan-dahan at sikaping hindi makadistorbo sa ina habang naglalaro

16. Nagkaroon ng halalan sa pagkapunong barangay. Alin sa mga sumusunod na kandidato ang mainam
mong piliin ?
A. Ang kandidatong tapat sa tungkulin C. Ang kandidatong pinakamalapit sa iyon pamilya
B. Ang kandidatong mamimigay ng pera para iboto D. Ang kandidatong pinakamayaman

17. Ang salitang “ sibiko” ay mula sa salitang latin. Ano ang pakahulugan nito?
A. Mamamayan B. Serbisyo C. katungkulan D. Pamunuan

18. May nakita kang matanda na nahirapang tumawid sa kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan na lang ang matanda sa pagtawid
B. Alalayan ang matanda sa pagtawid pagkatapos hingan ng pera bilang kapalit
C. Kusang loob na tulungan at alalayan ang matanda para matulungan ito sa pagtawid
D. Hintayin dumating ang kamag-anak ng matanda para matulungan ito sa pagtawid

19. Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan , katuwang na pamahalaan ang mamamayan. Ano ang tawag
sa isang sitwasyon kung saan taglay ng mamamayan ang kamalayang may pananagutan sila sa kanilang
kapwa?
A. Pananagutang Pansibiko C. Gawaing Pansibiko
B. Edukasyong Pansibiko D .Kagalingang Pansibiko
20. Di matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko. Napadali ang serbisyo publiko kapag natitiyak ang
kagalingan nito. Ano ang mahihinuha mo sa sitwasyon?
A. Kumilos at tumugon sa pangngailangan ng iba ang mamamayan kahiy hindi pinagsabihan ng pamahalaan
B. Kontento ang mga mamamayan sa pamamalakad ng pamahalaan kaya hindi na kailangan pang magbigay
ng suporta
C. Nagsasarili ang mamamayan at hindi nakikialam sa kapakanan ng bawat isa
D. Unang pinaglilikungkuran ang mahihirap at nakabababa ng may kabayaran

21. May dalawang mukha ang kabutihang dulot ng gawaing pansibiko. Isa ang pagbibigay ng kagyat na lunas.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
A. Programang pangliteral sa mga di-nakapag-aral C. Pagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga kabataan
B. Pangkabuhayan para sa mga grupong etniko D. pagsagip ng buhay kapag may aksidente

22. Naapektuhan ng malakas na bagyo ang inyong karatig-lugar. Halos lahat ng tao ay nawalan ng bahay at
ari-arian. Bilang isang bata, ano ang pinakainam mong gawin?
A. Pumunta sa lugar na naapaktuhan ng bagyo at tumulong sa paglikas ng mga nasalanta
B. Ganyakin ang mga kaibigan na maghanap ng mga gamit na pwede pang ibenta
C. Ibigay ang di na masyadong ginagamit na mga damit pero pwede pang mapakinabangan
D. Tumulong sa paghahalughog ng maaari pang mapakinabangang gamit

23. Itnaguyod ng mamamayan ang maunlad na lipunan sa pamamagitan ng iba-ibang gawain. Ano ang
tinutukoy sa pagkakaroon ng bawat isa ng karunugang humanap ng sariling pagkakakitaan?
A. Pagiging matalino C. Paglinang sa sariling katalinuhan
B. Paglinang sa kanyang kakayahan D. Pagiging produktibo

24. Nakita mong sinulatan na iyong kaklase ang pader ng inyong klasrum. Anong gagawin mo?
A. Ipagwalang bahala ang nakita C. Tulungan siyang sulatan ang pader
B. Pagsabihan na mali ang kanyang ginawa D. Pasigaw na isumbong sa guro

25. Ang Kaunlaran ng bansa ay nababatay sa kasaganahan ng mamamayang binubuo nito. Ang mga
sumusunod ay ilan lamang sa mga dapat gawin ng mga mamamayan, MALIBAN SA ISA.
A. Linangin ang sariling katalinuhan at kakayahan C. Maging produktibo
B. Sumalungat sa batas D. Ingatan ang pampublikong gamit at lugar

26. Mahalagang salik sa pag-unlad ng bansa ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan.Kinakailangan ito upang
mabuhay, makapag-aral at makapagtrabaho nang maayos. Bilang isang bata, paano ka magkaroon ng
mabuting kalusugan?
A. Sa pagkain ng pagkaing matatamis gaya ng keyk at leche flan
B. Sa pagkain ng masasarap gaya ng lechon at afritada
C. Sa pagkain ng prutas at gulay at tamang ehersisyo
D. Lahat ng nabanggit

27.Mahalaga ang maging isang produktibong mamamayan. Ang sumusunod ay nagpapahiwatig ng katangian
ng matalinong mamimili, MALIBAN SA ISA.
A. Mapanuri sa kalidad at kondisyon ng isang produkto
B. Pinipili ang produktong may advertisement sa TV
C. Nagpaplano sa mga bibilhin para makatipid ng oras at pera

28.Ang maunlad na bansa ay nangangahulugan ng pagkamit ng kasaganaan ng nasasakupan. Saan nakasalalay


ang kaunlaran ng nasasakupannito?
A. Negosyanteng indibidwal C. Bawat mamamayan
B. Namumuhunan sa bansa D. Mayayamang tao

29. Mahalagang taglayin ng mamamayan ang pagiging produktibo. Alin sa mga sumsunod ang nagpapakita ng
tamang saloobin sa paggawa?
A. Nagrereklamo kapag pinagtatrabaho C. Palaging nakipagtsismisan sa katrabaho
B. Hindi pumapasok sa tamang oras D. Nakikiisa at nakikipagkapwa tao
30. May ipinapagawa na gawain ang iyong guro. Hindi mo nainitndihan ang proseso nito. Ano ang gagawin
mo?
A. Magtanong muli sa guro kung papaano ito gagawin
B. Hindi na lang gagawin ang gawaing ibinigay ng guro
C. Huwag pansinin ang gawaing ibinigay ng guro
D. Magalit sa guro

31. Si Rosal ay kumakain ng masustansyang pagkain. Anong katangian ng pagkaproduktibong mamamayan


ang taglay niya?
A. Pagiging malusog C. Matalinong mamimili
B. Pagtitipid enehiya D. Kasanayan sa paggawa

32. Libre ang pag-aaral ni Shena sa pampublikong paaralan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi pumasok araw-araw dahil libre naman ito
B. Mag-aral nang mabuti hanggang makapagtapos
C. Masiyahan na sa mababang marka basta”t makapasa lang dahil libre naman ang pag-aaral
D. Humingi nang malaking baon sa magulang

33. Si Aling Gerlie ay nakatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Ano ang dapat niyang gawin sa natanggap na pera?
A. Gamitin ito sa pagpapa-aral at pagpapagamot ng mga anak C.Ipambayad ito sa koryente at tubig
B. Ibili ng mga gadget gaya ng cellphone D. Ibili ng kagamitan sa bahay

34. May pagsasanay sa inyong paaralan para sa mga nais tumulong sa feeding program ng barangay.
Nanaisin mo bang lumahok at tumulong?
A. Pag-aasipan ko muna C. Susubukan kong tuulong
B. Hindi, dahil nakakapagod ito D. Tutulong na lamang ako kapag oras na ng feeding program

35. May mga Pilipinang nagging tanyag sa larangan ng pagandahan. Ano ang pinatutunayan nila sa
pandaigdigang timpalak?
A. Kayang maging tanyag na Pilipino sa anumang larangna
B. Sa larangan lamang ng kagandahan nakikilala ang mga Pilipino
C. May kapangyarihan ang mga kababaihan sa anumang larangan
D. Matalino, aayos at may pagpapahalaga ang mga Pilipina sa bansa, sa kapwa, at sa kanyang sarili

36. Maraming Pilipino ang nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa iba”t ibang panig ng daigdig. Sino ang
kilalang kampeon sa boksing?
A. Manny Almeda B. Manny Sarao C. Manny Pacquiao D. Manny Pacman

37. Mahalagang kontribusyon ang naibigay ng natatanging talento ng kilalang Pilipino. Sino ang naglapat ng
titik ng pambansang awit?
A. Jose Palma B. Jose Reyes C. Jose Molina D. Jose Tolentino

38. May kapuwa Pilipino tayong nagbigay-puri sa larangan ng agham at teknolohiya. Sino ang kilala sa paglikha
ang dyip pampasahero?
A. Leonardo Sarao B. Leonardo De Carpio C. Leonardo Zara D. Leonardo Alim

39. Mahalagang taglayin ng mamamayan ang pagiging produuktibo. Alin sa sumuusunod ang nagpapakita ng
tamang saloobin sa paggawa?
A. Hindi pumapasok sa tamang oras C Palaging nakipatsimisan sa katrabaho
B. Nagrereklamo kapag pinagtrabaho D. Nakikiisa at nakikipagkapwa tao

40.Bilang bahagi ng lipunan may responsibilidad tayong dapat gawin para sa ating sarili at sa ating kapwa. Ano
ang tawag sa mga gawin n adapt isagawa ng isang tao o mamamayan?
A. Pananagutan B. Tungkuli C. Karapatan D. Pundasyon

You might also like