Esp 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

GRADE FOUR
Ikaapat na Markahan
S.Y. 2019- 2020

Pangalan: _____________________________________ Seksyon: ______________________ Kuha: ________


Guro: _______________________________________ Paaralan: _____________________________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Biyaya ng Diyos sa atin ang kalusugan ng ating katawan at isipan. Paano mo ito papahalagahan?
A. Kumain palagi ng karne at mag-ehersisyo C. Matulog ng maaga at mag-ehersisyo
B. Kumain ng gulay at magbabad sa cellphone D. Kumain ng sitsirya at uminom ng maraming tubig

2. Napansin mong mahilig kumain ng sitsirya ang kaklase mong si Bea, bilang kaibigan ano ang sasabihin mo sa
kanya?
A. Itago mo iyan Bea para walang manghingi.
B. Bea, pahingi naman niyan! Masama ang madamot
C. Uminom ka ng maraming tubig Bea pagkatapos mong kumain niyan.
D. Iwasan mong kumain niyan kung ayaw mong sumakit ang pag-ihi mo.

3. Alin sa pangkat ng mga pagkain ang dapat mong kainin tuwing recess?
A. Tinapay, saging, tubig C. cake, ice cream, juice
B. Suman, manga, soft drinks D. hotdog, biskuwit, ice candy

4. Nakabubuti sa ating pangangatawan ang pag-ehersisyo at matulog ng sapat sa oras. Ikaw ba ay sumasang-ayon
nito?
A. Oo, para maging malakas ang ating pangangatawan
B. Oo, para maging astig tingnan at hindi bugnutin
C. Hindi, dahil marami pa akong dapat gawin
D. Hindi, dahil makipag-chat pa ako sa aking ina na OFW

5. Mapagmahal na mga magulang ay isang biyaya na pinagkaloob ng Diyos. Paano mo ito mapapangalagaan upang
magkaroon ka ng panloob na kapayapaan?Sa pamamagitan ng _____________.
A. Pagsasambat habang sila ay nag-uusap C. Pagsunod sa mga inuutos nila mayamaya lamang
B. Pagiging isang mabuti at masunuring bata D. Pagkuha ng pera sa bulsa na hindi nagpapaalam

6. Ang sumusunod ay nagpapakita ng walang pagpapahalaga sa kapwa MALIBAN sa isa, alin dito?
A. nanunukso sa aking kaklase C. tinatawag ang kapuwa-tao gamit ang kanilang pangalan
B. nakikipag-unahan sa pila D. hindi humihingi ng paumanhin kung nakakasakit ng iba

7. Bakit natin pahalagahan ang mga likha ng Diyos?


A. Dahil sila ay ginawa upang kainin ng tao C. Dahil sila ay nilikha at may halaga din sa Diyos
B. Dahil sila ay palamuti lamang sa mundo D. Dahil mahalaga lamang sila sa ating kabuhayan

8. Aling bata ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa nilikha ng Panginoon?


A. Si Roy na nagpapaaway sa nga gagamba C. Si Remy na nagsusunog ng basura
B. Si Ted nagpapakain sa galang pusa D. Si Paul na pinapatay ang makamandag na ahas

9. Nakita mong nakatayo si lolo habang nakikinig kayo sa programa sa paaralan, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa kanya?
A. Hayaan lamang si lolo na mag-enjoy C. Bigyan ng juice si lolo
B. Ibigay kay lolo ang iyong upuan D. Kakausapin lamang si lolo

10. Ikaw ay inuubo ngunit ayaw mong mag absent, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong kaklase?
A. Takpan ng panyo ang bibig kapag inuubo C. Bumabahing kapag gusto mo
B. Pakiusapan sila na huwag kang tuksuhin D. Huwag kang lalapit at makipagusap sa kanila

11. Saan unang iminumulat at ipinadadama ang iba’t ibang uri ng pagpapahalaga?
A. Sa paaralan C. Sa simbahan
B. Sa tahanan D. Sa barangay
12. Paano natin matatamo ang kapayapaang panloob?Sa pamamagitan ng ___________.
A. Pagsusuot ng malinis at maayos na damit
B. Pagkain ng mga masusustansiyang pagkain
C. Pagtitimpi sa paggastos ng pera para sa mga luho
D. Paggalang sa prinsipyo at paniniwala ng kapwa tao

13. Alin sa sumusunod na pamilya ang nagpapakita ng kapayapaan sa kumunidad?


A. Pamilyang A na palaging bongga ang handaan tuwing may okasyon
B. Pamilyang B na sabay-sabay nagbabad sa kanilang cellphone
C. Pamilyang K na sabay magdarasal tuwing umaga at gabi
D. Pamilyang D na sabay napapatawag sa barangay dahil sa ingay

14. Nagpapalit ng relihiyon ang kapatid mo at napansin mong hindi na siya kumakain ng karneng baboy, paano mo
siya pakikitunguhan?
A. Ihiwalay ang pagprito ng baboy sa isda C. Aawayin siya dahil isa siyang taksil
B. Ipaamoy ang sarap ng humba sa kanya D. Hindi nalang siya kakausapin

15. Pinakiusapan ni Mahid na magkasundo na lamang ang kanyang mga kaklaseng Kristiyano ngunit magkaiba ang
sekta na nagtatalo kung sino ang tama. Gawawin mo rin ba ang ginawa ni Mahid?
A. Oo, dahil walang namang saysay ang pinagtatalunan nila
B. Oo, dahil nirerespeto niya ang paniniwala ng bawat isa
C. Hindi, dahil hindi ko naman sila kasamahan sa relihiyon
D. Hindi, dahil madadamay lamang ako sa pagtatalo nila

16. Sinasabi ng batas sa Republic Act No. 8485 na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga sa
pamamagitan ng ________________.
A. Paggambala sa kanilang tirahan C. Paggawa ng magandang kulungan
B. Pagtatanim ng mga lokal na halaman D. Pagbibinta ng mga ito sa pet shop para kumita

17. Ang sumusunod na grupo ng mga hayop na matatagpuan sa Pilipinas ay nanganganib nang maubos o endangered
species of animals MALIBAN sa _____________.
A. Buwaya, ahas, tuko C. tarsier, unggoy, kagwang
B. Agila, kalaw, loro D. Aso, pusa, daga

18. Isinasaad naman sa Republic Act No. 9147 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” na
maaari namang mag-alaga ng kahit anong “threatened exotic species” na hayop ang kahit sino. Kinakailangan
lamang na mabigyan ka ng permiso mula sa ____________.
A. Philippine National Police C. Department of Environment and Natural Resources
B. Department of Education D. Department of Trade and Industry

19. Nakakita ka ng sisiw ng isang uri ng kuwago na hirap lumipad, ano ang nararapat mong gawin nito?
A. Alagaan sa bahay C. Ibigay sa mga kinauukolan
B. Katayin at gawing ulam D. Hayaan na lamang ito sa kinalalagyan

20. Kinain ng bayawak o Philippinemonitor lizard ang alagang manok ni Rudy kung kaya ay binaril niya ito
hanggang sa mamatay. Tama lang ba ang ginawa ni Rudy sa bayawak?
A. Oo, dahil pinatay nito ang alagang manok C. Hindi, dahil walang permit ang kanyang baril
B. Oo, dahil nabawasan ang kabuhayan ni Rudy D. Hindi, dahil endangered na ang mga bayawak

21. Ang sumusunod ay kailangan ng mga halaman para tumubo MALIBAN sa _____________. Ano ito?
A. apoy B. lupa C. tubig D. sinag ng araw

22. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga halaman at punong kahoy sa ating bakuran?
A. Para may lilim na paglalaroan natin C. Para may maputol at gawing mesa at upuan
B. Para may malanghap na sariwang hangin D. Para may mga dahon na wawalisin

23. Wala nang matamnan sa tahanan ni Laila dahil nabalot ng semento ang bakuran nila. Ano ang pinakamainam
gawin kung gusto niyang magtanim ng mga bulaklak at gulay?
A. Gawing paso ang gulong para matamnan
B. Bumili ng mamahaling paso para tamnan
C. Humingi ng mga pananim sa kapitbahay
D. Bumili ng mga plastic na tanim para wala nang didiligan
24. Pinaputol ni Ramon ang limang punong kahoy sa kanyang bakuran para magpatayo ng poultry ng manok. Kung
ikaw si Ramon, gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
A. Oo, para may malaking pagkakakitaan C. Hindi, dahil nakakatulong ang mga puno sa ating paligid
B. Oo, para may maiulam na manok palagi D. Hindi, dahil hihingi ka pa ng permiso mula sa DENR

25. Ano ang iyong nararamdamankung patuloy na nakakalbo ang mga kagubatan at wala ni isang nagtanim bilang
kapalit ng mga punong nawala?
A. Wala dahil hindi naman ako apektado
B. Malulungkot dahil wala nang matitirhan ang mga hayop
C. Masaya dahil malinis nang tingnan ang mga kabundukan
D. Magagalit dahil sila lang ang kumikita galing sa mga punong kahoy

26. Sino sa mga sumusunod ang walang naiambag sa pagkakaroon ng balanseng kapaligiran?
A. Si Ruel na nagtatanim ng mga punong bayabas sa bakuran
B. Si Jenny na nagtatanim ng mga bulaklak para sa mga paru-paru
C. Si Donie na nagbabaon ng mga mabubulok na basura sa mga paso
D. Si Delaila na nagla-like sa mga post ng mga nagtatanim sa kabundukan

27. Ang sumusunod ay mga dahilansa kahalagahan ng pagtatanim ng mga halamang gamut sa bakuran, MALIBAN
sa isa. Ano ito?
A. Nakakasama sa ilong ang amoy ng karamihan sa mga halamang gamut
B. Nakakatulong ang karamihan sa mga ito upang itaboy ang mga lamok
C. Maaari kang kumita ng pera sa pagtatanim ng mga halamang gamut
D. Makakakuha ka nang agarang panglunas sa ubo mo

28. Naka-schedulesa katapusang araw ng buwan ang pagtatanim ninyo ng mangrove tree sa inyong samahan ng mga
mag-aaral ngunit nakatakda ito sa pag-uwi ng iyong Mommy na OFW. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ako makilahok dahil minsan lang umuwi si Mommy
B. Babayaran ko ang aking kaklase na magtanim para sa akin
C. Pipirma lamang ako sa attendance sheet at aalis kaagad
D. Makilahok ako sa pagtatanim ng mga puno

29. Naipapakita sa pamamagitan ng _________________ na ikaw ay may pagpapahalaga sa kalikasan o biyaya na


kaloob ng Maykapal.
A. Pagsusunog ng mga basura C. Pagdidilig ng mga bagong tanim na halaman
B. Paggamit ng mga plastic bag D. Paggawa ng mga furniture na galing sa punong Narra

30. Nagsusunog ng mga plastic at gulong si Siloy para daw maitaboy ang mga lamok na nagdadala ng sakit na
dengue. Kung ikaw si Siloy gagawin mo rin ba ang ginawa niya?
A. Oo, para hindi na makapinsala pa ang mga lamok
B. Oo, para malinis tingnan angaming bakuran
C. Hindi, dahil nagdadala ng malas sa negosyo ang pagsusunog ng goma
D. Hindi, dahil nakakasama sa ating kalusugan ang usok ng goma at plastic

31. Tinapon ng iyong kaklase ang bote ng tubig na gawa sa plastic sa may ilog. Paano mo siya pagsasabihan?
A. Ayos yan! Hindi naman nakatingin si titser.
B. Lagot kang bata ka! Isusumbong kita sa pulis.
C. Huwag mo nang uulitin yan dahil hindi nabubulok ang plastic.
D. Tama ang ginawa mo upang may pagtatagoan ang mga maliliit na isda.

32. Nakaranas ng matinding pagbaha ang Iligan City nang tumama ang bagyong Sendong noong 2011 na kumitil ng
libo-libong buhay. Ano kaya ang pinakamabigat na dahilan nito?
A. Bumara kasi ang dating tulay ng barangay Hinaplanon sa daloy ng baha
B. Nauubos na ang mga malalaking puno sa kabundukan at sa gilid ng mga sapa
C. Humarang ang mga malalaking troso na napadpad sa dalampasigan
D. Naging kulay dugo kasi ang buwan isang linggo bago tumama ang baha

33. Alin sa mga pangkat ang napabilang sa likas na yaman ng ating mundo?
A. Bundok, ilog, dagat C. Kuryente, gasolina, uling
B. Barko, jeep, eroplano D. Computer, cellphone, relos

34. Sinisisi ng iyong kaklaseng katutubo ang mga diwata sa kagubatan dahil hindi nila pinarurusahan ang mga labis
na pumuputol ng mga punong kahoy. Paano mo siya pagsasabihan?
A. Mali ka. Ang mga taong sakim ang masisisi natin sa pagkaubos ng mga puno sa gubat.
B. Mali ka. Ang mga hayop sa kagubatan ang sumisira dahil dito sila naninirahan.
C. Tama ka. Dapat lang na parusahan ng mga diwata ang mga taong sakim.
D. Huwag mong banggitin ang mga diwata baka pati ikaw ay madamay.

35. Para hindi tuluyang maubos ang mga puno sa gubat, ilang diyametrong sentimetro ang maaaring putulin ayon sa
Presidential Decree No. 705 tungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan?
A. 40 sentimetro C. 60 sentimetro
B. 50 sentimetro D. 70 sentimetro

36. Kinukunan ng larawan gamit ang cellphone ni Cindy ang plate number at ang maitim na usok mula sa isang
pampasaherong jeep at ini-uploadniya ito sa kanyang facebook account. Tama ba ang ginawa niya?
A. Oo, para malaman ng mga netizens
B. Oo, para makakuha ng maraming likes
C. Hindi, dahil panghihiya ang ginawa niya
D. Hindi, dapat isumbong kaagad sa kinauukulan gamit ang larawan

37. Bakit kailangang iingatan ang mga gamit sa paaralan na gawa sa likas na yaman tulad ng mga cabinet, mesa,
upuan, at aklat?
A. Upang makinabangan pa ng mga susunod na henerasyon
B. Upang mabawasan ang pinaggagastuhan ng ating gobyerno
C. Upang purihin ng mga bumibisita sa inyong paaralan
D. Upang maibenta ang mga ito kapag hindi na ginagamit

38. Ang sumusunod ay saklaw ng Administrative Order No. 37 series of 1996 ng DENR tungkol sa pangangalaga ng
mga kagamitang gawa sa likas na yaman, MALIBAN sa isa, ano ito?
A. maabot ang pantay at balanseng pang-ekonomiyang paglago
B. proteksiyon mula sa paggamit, pagbuo, pamamahala, pagbabago nito.
C. Proteksiyon para sa mga illegal na nagtotroso sa kagubatan
D. proteksiyon at paghubog sa magandang kalidad ng ating kapaligiran

39. Itinapon ng kaklase mo ang lapis na mahaba pa at pwede pang pakinabangan dahil marami siya nito. Ano ang
pinakamainam mong gawin?
A. Pantayan ang dami ng lapis na dala niya
B. Kunin ito at gagamitin
C. Awayin ang kaklase
D. Hayaan na lamang ito

40. Napansin mong sinusulatanni Max ang kahoy na upuan ninyo sa silid aralan. Paano mo siya pagsasabihan?
A. Astig ang isinulat mo Max!
B. Bilisan mo Max! parating na si titser.
C. Hindi kita isusumbong kung bayaran mo ako.
D. Itigil mo yan Max para magamit pa sa susunod.
Key to answer: ITEMS
1. C 1-5 LESSON 1
2. D 6-10 LESSON 2
3. A 11-15 LESSON 3
4. A 16-20 LESSON 4
5. B 21-24 LESSON 5
6. C 25-28 LESSON 6
7. C 29-32 LESSON 7
8. B 33-36 LESSON 8
9. B 37-40 LESSON 9
10. A
11. B
12. D
13. C
14. A
15. B
16. B
17. D
18. C
19. C
20. D
21. A
22. B
23. A
24. C
25. B
26. D
27. A
28. D
29. C
30. D
31. C
32. B
33. A
34. A
35. C
36. D
37. A
38. C
39. B
40. D

You might also like