DLP Ap 10 Payat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN X

I. LAYUNIN
Nasusuri ang mga uri ng kasarian (Gender) at Sex.
Natutukoy ang iba’t-ibang Uri ng Kasarian.
Nakapagpahayag ng paggalang at pagpapahalaga sa karapatan ng ibang tao sa pagpili ng
kasarian.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: IBA’T-IBANG URI NG KASARIAN SA LIPUNAN
B. Sanggunian: K to 12 Gabay PangCurriculum sa Araling Panlipunan 10
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: K to 12 Gabay Pangkurikulum, pahina
221
2. Learners Material: Kontemporaryong Isyu, pahina 179-181
C. Kagamitan: mga larawan, aktibity kard, ,krayteya sa paggawa, plaskard, manila paper,
DLP, ginupit na papel (kartolina), pandikit
D. Stratehiya: laro, Pangkatang Gawain, pag-uulat
E. Pagpapahalaga: Paggalang sa napiling kasarian ng kapwa tao.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pag-aayos ng silid
4. Pagtatala ng lumiban

B. Pagbabalik-Aral
Batay sa natalakay natin sa nakaraang leksyon, ano ang pagkakaiba ng GENDER AT SEX?

C. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak
Gawain 1 (“THE CODE TO DECODE”) –tatlong (3) minuto lamang.
Pipili ang guro ng limang mag-aaral upang sagutin ang nakapaskil sa pisara gamit ang
code upang mabuo ang salita.

2. AKTIBITI
Gawain 2 (‘FIX ME, I’M RUINED”)
Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng tig-iisang ginupit na larawan. Bubuuin ito at ididikit sa papel. Huhulaan kung sino ang
nasa larawan at ano ang uri ng kasarian mayroon ang nasa larawan. Paunahan sa pagtapos.
Madali niyo bang natukoy ang nasa larawan?
Anu-ano ang inyong naging basehan sa pagtukoy ng kasarian ng bawat larawan?
Ang larong ating ginawa ay may kinalaman sa ating panibagong aralin sa araw na ito.
Mayroon na ba kayong ideya kung ano an gating leksyon sa araw na ito?

3. ANALISIS
Ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay tungkol sa URI NG KASARIAN
Gawain 3 (“REPORT MO, SHOW MO!”)
Hahatiin ang mag-aaral sa limang (5) pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng isang
numero. Bibigyan ang bawat pangkat ng aktibiti kard na may lamang paksa o kasarian. Ipapakita
ng bawat pangkat ang angkop na kilos ng kasariang kanilang nabunot. Bibigyan lamang ng
tatlong (3) minuto upang maghanda at dalawang (2) minuto para sa presentasyon.
a. Lesbian
b. Gay Krayterya sa paggawa:
c. Transgender
d. Bisexual 1. Execution (nagawang mabuti ang kilos) ---------- 15 puntos
e. Transsexual 2. Wastong Datos ---------- 15 puntos
KABUUANG PUNTOS ---------- 30
puntos

4. ABSTRAKSYON
Pagbibigay ng mga pamprosesong tanong tungkol sa isinadula ng bawat pangkat.
a. Ano ang naging saloobin (thoughts) ninyo habang ginagawa ang pag-uulat at
kilos?
b. Batay sa isinagawang Gawain ng bawat pangkat, paano nagkakaiba ang
katangian ng bawat kasarian?
 Emosyon
 Kilos

5. APLIKASYON
Sino-sino ang mga kilala ninyong personalidad o celebrity na masasabing:
 Lesbian o tomboy
 Gay o bakla
 Transgender
 Bisexual
 Transsexual

6. Paglalahat ng Aralin
Sa inyong kumunidad may makikita ba kayong iba’t-ibang uri ng kasarian?
Kung meron, ano ang inyong mabubuong kunklusyon dito?
Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat kasarian?

IV. PAGTATAYA
Sa isang kalahating papel (1/2 Crosswise), tukuyin ang bawat pahayag kung anong uri ng
kasarian ito at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

BISEXUAL LESBIAN GAY


TRANSEXUAL BABAE
TRANSGENDER
_____________ 1. Mga taong binago ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera.
_____________ 2. Kung ang isang tao ay nakararamdan na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kanyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
_____________ 3. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
_____________ 4. Mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian babae at lalaki.
_____________ 5. Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.

V. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang pagsasaliksik tungkol sa isang taong may ibang kasarian na naging
matagumpay sa buhay. Alamin ang kanyang kwento at napagdaan sa buhay. Gawan ng reaksyon
at isulat sa isang buong papel.

Prepared by:

DIANNA GRACE B. LEON


BSEd Soc. Stud.

Checked by:

_____________________
Professor

You might also like