Term Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA I

SALIGAN NG PAG-AARAL

Kaligiran ng Pag-aaral

Napakalawak ng mundong ating ginagalawan. Maraming iba’t ibang

larangan at aspeto. Sa mga larangan at aspetong ito ay umuusboong ang iba’t

ibang salita na konektado at may kinalaman sa mga bagay na ito. Ang mga

larangang napili ay Akawntansi, Abogasya at Sikolohiya. Ang mga mananaliksik

ay namili ng mga salitang may kinalaman sa mga larangang ito upang mas

lumawak pa ang kanilang kaalaman tungkol dito dahil kadalasan o karamihan sa

madla ay hindi pa ganoon kalalim ang mga bagay na nalalaman tungkol sa mga

larangang ito.

Ang Akawntansi, na maaari ring tawaging pagtutuos o kontadurya, ay ang

pagsukat, pagproseso at pag-uulat ng impormasyong pinansyal ng mga

ekonomikong entidadtulad ng mga kumpanya o di kaya ay korporasyon. Ang

modernong larangan nito ay itinatag ng Italyanong matematiko na si Luca Pacioli

noong 1494. Tinaguriang “Wika ng Pagnenegosyo”, sinusukat ng accounting ang

resulta ng mga ekonomikong aktibidad ng isang organisasyon at inihahatid ang

mga impormasyong ito sa mga nangangailangan at gumagamit nito, tulad ng

mga namumuhunan, nagpapautang, namamahala, at mga nangangasiwa. Ang

mga propesyonal sa accounting ay tinatawag na accountant. Ang mga

katawagang “accounting” at “pag-uulat pinansyal” ay madalas ginagamit bilang

magkasingkahulugan.
Ang Abogasya naman ay isang legal na propesyon kung saan pinag-

aaralan ang sistema ng mga patakaran at alituntunin ng gobyerno sa isang

bansa. Ang mga batas ay ginagawa ng gobyerno, partikular na ng mga

mambabatas. Ito ang humuhugis sa pulitika, ekonomiya, at lipunan na

nagsisilbing tagapamagitan ng relasyon sa pagitan ng mga tao. Ito ang

nagsisilbing kalansay ng lipunan sapagkat ito ang kumokontrol sa mga

ginagawa, kelan ito ginagawa at paano ito gagawin ng mga tao. Alam ng madla

na masama ang magiging bunga kapag linabag ang mga batas na ito, at

maaaring humantong sa pagkakakulong kapag piniling labagin ng isang

indibidwal ang mga ito.

Samantala, sikolohiya naman ang tawag sa siyentipikong pag-aaral ng

kaisipan at kaugalian ng mga tao. Pinag-aaralan nito ang mga proseso ng pag-

iisip, kaugalian at interaksyon ng bawat tao sa isa’t isa. Pinag-aaralan din ng

sikolohiya ang paggamot ng mga karamdamansa pag-iisip gaya nalamang ng

depresyon, autism, dimentia, at iba pa. Dahil nga pinag-aaralan ng sikolohiya

ang mga bagay tulad ng kaisipan, kaugalian, interaksyon, at karamdaman sa

pag-iisip, nararapat lamang namagkaroong ng kaalaman ang mga tao tungkol

dito upang sila ay maliwanagan sa wastong interaskyon at pag-unawa, gaya ng

pagpapalaki ng anak, pakikipag-usap sa ibang tao, at iba pa.


Suliranin ng Pananaliksik

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng ilang mahahalagang

impormasyon tungkol sa mga katawagan o terminolohiya sa iba’t ibang disiplina

Partikular sa disiplinang Agham Panlipunan. Nais nitong malaman ang sagot sa

suliraning:

Ano ang mga payak at komplikadong katawagan or terminolohiyang

ginagamit sa disiplinang Agham Panlipunan, partikular sa:

a. Akwantansi

b. Abogasya

c. Sikolohiya

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakasentro sa disiplinang agham panlipunan.

Inilalahad dito ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging kapaki-pakinabang sa

sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang

magkaroon pa ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral

sa larangan ng akawntansi, abogasya at sikolohiya. Sa pamamagitan nito, mas

mapapalawak ang vokabyulari ng mga mag-aaral sa pagtuklas nila ng iba’t ibang

termino na ginagamit sa iba’t ibang larangan na ang baybay ay kahulugan ay

nakasulat sa wikang Filipino. Ito ay makakatulong sa pagkakaroon ng malawak

na karunungan sa larangang gusto nilang tahakin sa kolehiyo.


Mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang malaman ng

mga guro na nagtuturo ng ibang sabjek ang kahulugan ng iba’t ibang mga

termino na ginagamit sa iba’t ibang larangan. Sa pamamgitan nito ay mas

magkakaroon ng pagkakaintindihan ang mga guro at ang mga mag-aaral

patungkol sa basik na mga termino sa larangan ng akawntansi, abogasya at

sikolohiya.

Mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang

magkaroon ng kritikal na pag-iisip ang mga mananaliksik sapagkat sila ay

magkakaroon ng mga pagsusuri at paririserts upang mabigyang depinisyon ang

iba’t ibang termino sa akawntansi, abogasya at sikolohiya sa pamamgitan ng

wikang Filipino.

Mga susunod pang mananaliksik. Ito ay magsisilbing daluyan ng

impormasyon para sa mga mananaliksik sa hinaharap na may pangangailangan

sa mga terminong maaaring may kaugnayan sa larangan ng Akawntansi,

Abogasya, at Sikolohiya.

Paunang Haka

Magkakaroon ng kaalaman ukol sa mga katawagan o terminolohiya sa

disiplina ng Agham Panlipunan, partikular sa larangan ng Akawntansi, Abogasya,

at Sikolohiya.
Saklaw at Delimitasyon ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga terminong madalas marinig o

magamit sa tatlong larangan ng disiplinang Agham Panlipunan. Ang sakop ng

pananaliksik na ito ay iikot lamang sa mga termink sa larangan ng Akawntansi,

Abogasya, at Sikolohiya. Ito ay limitado lamang mula sa mga terminong payak

hanggang sa mga terminong komplikado ang ibig sabihin. Nakapaloob din dito

ang mga kahulugan o depinisyon ng mga katawagan na mababanggit. Ang mga

kahulugan o depinisyon ay makukuha sa iba't-ibang maaasahang

mapagkukunan ng mga datos.

Depinasyon ng mga Termino

Upang higit at ganap na maunawaan ng mga mambabasa ng

pamanahong papel na ito, minarapat ng mga mananaliksik na bigyang

depinisyon ang mga sumusunod na termino sa iba’t ibang larangan.

1- Akawntansi

2- Abogasya

3- Sikolohiya

Absolute Objectivity. Isang implikasyon na ang bawat isa ay dapat

walang pinapanigan na kahit ano pati ang kultura sa pakikipagpanayam.

Acculturation. Proseso ng pagtanggap at pakikisalamuha ng mga

kultura’t paniniwala ng isang tao/grupo sa iba pang mga kultura


Anterograde. Nagpapahiwatig ng isang uri ng amnesya na

kinasasangkutan ng kawalan ng kakayahang matandaan ang anumang

bagong impormasyon.

Aphasia. Kawalan ng kakayahang maunawaan o maipahayag ang

pananalita, na dulot ng pinsala sa utak.

Autonomic Nervous System. Ito ay ang parte ng Nervous System na

kumokontrol sa mga galaw ng katawan na involuntary tulad ng paghinga

at pagtibok ng puso.

Behavior Modification. Isang uri ng paggamot kung saan dito ay

binabago ang paguugali ng tao sa pamamagitan ng pagkorpora ng iba ng

kasanayan upang maabot ang mas mabuting paguugali.

Collectivism. Isang paguugali na naglalarawan sa pagkakaisa ng mga

indibidwal. Inuuna ng indibidwal ang kapakanan ng buong grupo bago ang

kanyang pansariling kapakanan.

Counseling. Proseso ng pagpapayo na pagbibigay ng serbisyong na

naglalayong tulungan at maiangat ang lebel ng kognitibo, emosyunal at

iba pang aspeto sa buhay ng tao

Pragmatism. Isang tradisyong pampilosopiya na kung saan ito ay isang

pagtanggi sa kaisipan na ang paggalaw ng isip ay upang ilarawan,

kumatawan, o sumalamin sa katotohanan.

Cross-cultural studies. Isang uri ng pag-aaral na patungkol sa mga

pagkakahalintulad at pagkakaiba-iba ng mga iba’t ibang mga kultura.


Cultural Psychology. Isang uri ng pag-aaral ng kultura sa larangan ng

sikolohiya.

Cross-cultural Invariance. Ito ay tumutukoy sa pagkakatulad-tulad ng

mga iba’t ibang kultura. Bagamat iba-iba ang kultura di nag-iiba ang pag-

iisip ng mga indibidwal.

Thalamus. Ito ay parte ng utak na kung saan tinatawag itong relay

station. Ito ay naghahatid ng mga motor signal at signal na pandama sa

cerebral cortex.

Pons. Ito ay parte ng utak na nagdudugtong sa itaas at ibabang bahagi ng

utak. Ito ay tumutulong na maghatid ng mensahe o signal galing sa cortex

at sa cerebellum.

Parasympathetic Nervous System. Ito ay isa sa tatlong dibisyon ng

autonomic nervous system at minsan tinatawag ding Rest and Digest

system. Ito ang nagpapakalma sa atin at dahilan kung bakit bumabalik

ang ating katawan sa dating nitong kalagayan.

Rapid Eye Movement. Ito ay ang yugto ng pagtulog na kung saan mabilis

ang paggalaw ng ating mga mata. Dito sa yugtong ito masasabing pinaka

aktibo ang ating utak dahil dito matatagpuan ang mga panaginip na

naaalala natin pagkagising.

Koreanization. Ang proseso ng pagtanggap at paglapat ng isang

kulturang Koreano na natututunang maiangkop at makibagay sa lipunang

kinabibilangan at sa kulturang kinapapalooban


Ethnocentricism. Isang sistema ng panghuhusga ng ibang kultura base

sa kaniyang sariling kultura at paniniwala

Intercultural. Ito ay paraan ng pag-interaksyon, pag-unawa at

pagtanggap sa mga iba’t ibang kultura

Multilingualism. Ito ay ang proseso ng paggamit ng higit sa isang wika.

Socio-Psychological. Patungkol sa kombinasyon ng pinagsamang

pananaw ng sikolohiya at sosyal na aspeto

Perception. Paraan ng pag unawa o pag-intindi ng konsepto ng sarili

maging sa mga kultura,paniniwala at prinsipyo ng isang tao/grupo

Culture shock. Isang pakiramdam ng pagkalito, pagkabalisa, at kung

minsan ay depresyon na maaaring magresulta mula sa sikolohikal na

stress.

Diffusion. ang kilusan ng mga kultura at ideya mula sa isang lipunan o

etnikong grupo sa isa pang grupo.

Ideal behavior. Ang pinaniniwalaan ng mga tao na dapat nilang gawin sa

kanilang buhay kaysa sa kung ano ang kanilang iniisip na ginagawa nila o

kung ano talaga ang ginagawa nila.

Dissociative identity disorder. Mental disorder na naipapakita sa

pamamagitan ng hindi bababa sa dalawang naiiba at medyo

pangmatagalang mga estado ng pagkatao.

Cross – cultural Counseling. Isang kauganyan sa pagpapayo kung saan

mayroong dalawa o higit pang kalahok na mayroong iba’t ibang kultura sa

iisang panayam.
World View. Isang baryabol na mayroong impluwensya sa relasyon ng

tagapayo at kliyente.

Culture. Ang kultura ay isang hanay ng mga ideya, pag-uugali, saloobin,

at tradisyon na umiiral sa loob ng malalaking grupo ng mga tao.

Cultural Relativism. Isang prinsipyo na dapat ang mga paniniwala, mga

halaga at mga gawi ng isang kultura ay dapat tinitignan lamang mula sa

pananaw ng kultura mismo.

OCEAN. Isang acronym ng pag-uugali kung saan ang ibig sabihin ay

“Openness, Conscientiousness, Extraversion, Agreeableness,

Neuroticism”

Word Salad. Isang sakit na kung saan ang isang tao ay may problema sa

pananalita.

DSM 5. Isang aplikasyon na ginagamit ng mga sikolohista sa diyagnosis

ng sakit ng kliyente.

Cultural Pluralism. Isang kondisyon sa isang kultura kung saan

napaoanatili ng isang minoryang grupo ang kanilang kultura sa kabila ng

pagkakasama/pagkakahalo sa mas malalaki o mayoryang grupo.

Aphasia. Isang kondisyon ukol sa lengguwahe kung saan nagkakaroon

ng problem sa pagsasalita, pasusulat at pagbabasa ang isang tao

Parasympathetic. Isang dibisyon sa autonomic nervous system kung

saan ito ang nagpapakalma o nagbabalik normal sa katawan pagkatapos

ng isang stress, emergency o disturbance


Delusion. Isang kondisyon na kabilang sa mga sakit n pangmental kung

saan ay naniniwala ang isang indibidwal sa isang ideya o paniniwala na

wala o malayo sa katotohanan

Libido. Isang termino sa Psychoanalysis ni Sigmund Freud lung saan

inilarawan niya ito bilang enerhiyang nabubuo ng tao mula sa kanyang

sekswal at survival instincts

Mental Disorder. Isang kondisyon sa utak kung saan ay mayroong

kinalaman sa hindi normal o kakaibang mga ugali o kasanayan ng isang

tao
KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa sa pagtatangkang mabatid

ang mga kaalaman ng mga mag-aaral ng kursong Akawntansi sa Unibersidad ng

Luzon tungkol sa mga katawagan o terminolohiya ng disiplinang Agham

Panlipunan, partikular na ang mga larangan ng Akawntansi,.Abogasya, at

Sikolohiya. Sinasagot ng pag-aaral na ito ang suliraning naglalayong malaman

kung ano ang iba’t ibang payak at komplikadong terminong ginagamit sa bawat

larangan na nabanggit at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Upang maisakatuparan ang pamanahong papel na ito ay nagreserts ang

mga mananaliksik sa iba’t ibang libro o di kaya ay sayt sa internet. Ang mga

nakalap na datos ay nagsilbing kasagutan ng pag-aaral, na kung saan ang mga

ito ay sinuri ng mabuti at maayos.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na kongklusyon:

1. Kaalaman tungkol sa mga terminolohiya

1.1 May mga terminolohiyang pareho ang katawagan sa iba't-ibang

larangan ngunit magkaiba ang ang kahulugan.


1.2 Ang mga terminolohiya o jargon ay higit na komplikado ang depinisyon

at hindi madaling maintindihan lalo na kung hindi ka kabilang sa partikular na

grupo, propesyunal/espesyalista man o hindi, at walang sapat na kaalaman.

1.3 Ang pagkakaroon ng sapat at malawak na pag-uunawa sa iba't-ibang

terminolohiya ng iba't ibang larangan ay makakatulong upang mas maintindihan

ang konteksto ng pananalita ng iyong kausap.

Rekomendasyon

Taos puso inirerekomenda ang pananaliksik na ito upang maging daluyan

ng panibagong kaalaman sa mga terminolohiyang ginagamit sa displina ng

Agham Panlipunan lalo na sa larangan ng pangangalakal, politika at kultura.

Maging karagdagan sana itong kaalaman at impormasyon tungo sa mas ganap

nitong paggamit at sa pamamagitan ng mga terminolohiyang ito mas matutukoy

ang kahulugan ng mga ito at ang gamit nitong kahulugan sa ating lipunang

kinabibilangan.

Iminungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Maging mapanuri at maalam sa mga terminolohiyang kaugnay sa

disiplinang agham panlipunan

b. Maging pamilyar sa mga terminolohiyang ginagamit sa bawat larangan sa

disiplinang Agham Panlipunan at sa kahulugan nito.

c. Magkaroon ng masusi at advance reading sa mga terminolohiya upang

ganap na maintindihan ang mga ito.

You might also like