Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Banal na Kasulatan

Ang Bibliya o Banal na Kasulatan ay koleksyon ng ibat-ibang mga librong


nasusulat noongunang panahon. Nagsimula ito sa salitang BIBLIYA na
ang ibig sabihin ay libro. Ito ay nahati satatlong bahagi: ang Lumang Tipan
at ang Bagong Tipan at Apocrypha. Ang salitang Tipan aynagsimula sa
salitang Latin na Testamentum, na nangangahulugang kalooban at
kasunduan.Lumang Tipan sa mga Hebreo ang Lumang Tiopan ay nahati
sa tatlong bahagi: Ang Batas,Mga Propeta atKasulatan. Ang mga
naunang libro ng Lumang Tipan ay tinatawag na Penteuch. Ang mga
librongito ay nagsasaad ng pananampalataya sa Diyos, ang mga
kautusan, paglikha sa buong sanlibutan atbuhay ni Abraham. Si Abraham
kasama ang kanyang pamilya ay naglakbay patungo sa Canaan.Doon
ginawa siyang alipin at nakatakas sa pangunguna ni Moises-EXODUS.
Sila ay napadpad saSinai Peninsula sa gitna ng Mediterranian Sea at Red
Sea. Ang mga kwento sa librong ito aynagpapahiwatig ng mga kabanalan
tulad ng paglikha sa sanlibutan, pagbaha, ang templo ng Babel,ang
Exodus, ang pagbibigay ng mga batas at kautusan at ang pagbagsak ng
mga tao. Ito rin angnagtataglay ng mga dakilang tula, ang kanta ni Lameh,
ang pagbabasbas sa mga Patriarko, angawit ni Moses at ang bendisyon
ni Moises. Nagtataglay din ito ng mga piling tao tulad ni Noah,Abraham,
Lot at Jacob. Ipinaliliwanag din dito ang tungkol sa mga lupain at ang
Gawain noonguna, ang usok at apoy sa bundok Sinai, ang nangyari sa
Canaan, ang arko at iba pa. Ang pagigingmatapat ng tao ng tao ang
nagdala sa kanila sa Lupang Pangako.Bagong TipanIto ang nagsasaad
ng bagong relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay nasusulat sa panahon
noongnagibabaw ang Imperyong Romano hanggang sa huling
panunungkulan ni Haring Herod (37 B.C.)nang mga tagasunod ni Kristo
ay tinatawag na Apostoles . Si Jesus ay isang Hudyo na na
naninirahan sa Galilea sa hilagang bahagi ng Pales tin. Ang Ilog ng
Galilea ang tinutukoy na ilogkung saan napatigil ni Jesus ang isang
bagyo. Napaloob din dito ang Sampung Utos ng Diyos naibinigay kay
Moises sa bundok ng Sinai. Para naman sa mga Kristiyano ang bibliya ay
buhay nasalita ng Diyos . Ang Lumang Tipan ay may 45 o 46 na libro
samntalang ang Bagong Tipan aymayroon lamang 27 libro.Sa Bagong
Tipan ay may apat na ebanghelista sina: Mateo, Marcos, Lucas at Juan.
Angebanghelyo kay san Marcos ang naunang isulat. Ito ay isinulat sa
Roma. Ang sumunod namingnaisulat ay kay San Mateo na isinulat sa
Antioch noong 90 B.C. ang ebanghelyo naman ayon kaySan Lucas ay
naisulat sa Gresya noong 80 B.C. para sa kabutihan ng pinakamataas na
saTheophilus na maaaring mataas na opisyal sa Roma. Ang ebanghelyo
ni San Juan ang nagsasaadng muling pagkabuhay ni Kristo ang sumunod
na grupo ay tinatawag na mga propeta, dahil ito aynagtataglay ng mga
libro ng mga Hudyo sa pakikipag-ugnayan nila sa Diyos. Sina Jerimiah ay
isinilang noong panahon ng pagkasira ng Jerusalem. Si Isaiah ang
nakasaksi sa naging pag-aawaynina Judah at Assyriah. Si Ezekiel ang
tinaguriang tagapagplano ng relihiyong Judaismo dahil sasiya ang
nagbigay ng plano sa mga Istraelitas. Ang pangunahing dibisyon ng
Lumang Tipan ayang Miscellaneous. Dito matatagpuan ang mga salmo,
koleksyon at ang mga himno, Ang mgatulang gawa ni David, Proveros
nanagbibigay ng mga magagandang payo sa pang-araw-araw nabuhay .
Job kung saan matatagpuan ang kahulugan ng paghihirapng mga tao,
Song of Selemon,Ruth –tunay na pagmamahal, Lamentataions- kabiguan
ng tao, Ecclesiastes-libro ng kaalaman,Esther nagsasaad ng kasaganaan,
Daniel- librong naglalaman ng mga kwentong mga bayani,
Chronicles1 and 2, Esrah at Nehomah na nagssalaysay ng kasaysayan
ng Israel.ApocryphaNasulat sa pagitan ng 300 at 100 B.C. Sa mga
Perotestante at Hudyo ito ay inirerespetongunit hindi masyadong
pinahahalagahan. Ito ay nagsimula sa unang libro ni Esdras at ang
pinakamahalagang bagay na nasulat dito ay ang tungkol sa 3 Guardsmen,
na nagpapaliwanag naang katotohanan ang pinakamatibay na
pananggalang sa mundo.

Aklat ng Mga Araw


Ang klasiko ng Confucianismo ay ang apat na libro ng limang klasika. Ang
apat na libro ayang: Analects, Mencius, Dakilang karunungan, at Doktrina
ng mga Aba. Ang limang klasika ayang:Libro ng Tula, Libro ng
Kasaysayan, Libro ng Pagbabago, Taunang Tagsibol at pagtuturo
habang ang apat na libro ay tala ng mga opinion at teorya ni Confucious.
Ang Doktrina ni Aba aykalimitang inilalarawan ang pilosopiya at kaisipan
ng Confucianismo. Ito ay pinakamagandangmapagkukunan ng
impormasyon kung gustong matutunan ang tungkol sa pilosopiya
ngConfucianismo. Ang Dakilang Karunungan ang una sa apat na libro at
ito rin ang unang librongpinag-aralan ang mga batas sa paaralan.
Sinasabi rin na ang Doktrina ng Aba at DakilangKarunungan ay
kapakipakinabangan sa mga bata kung sasauluhin habang sila ay bata
pa. AngDakilang Karunungan ay tumatalakay sa relasyon ng indibidwal at
kaayusan ng mundo na ang ibigsabihin ay relasyon sa pagitan ng ethics
at pulitika. Ang Mencius ay mayroong pitong kabanata namay pangalan
ngunit ito ay mas mabuti sa Analects. Iniisip ng mga tao ang Dynastiyang
Han na siMencius mismo ang sumulat ng libro. Pagkatapos naman
ngpananaliksik ng mga iskolar ngayonay lumalabas na ang estudyante ni
Mencius ang sumulat ng libro at inayos lamang ito niMencius.Ang libro ni
Mencius ay nagpapaliwanag ng pilosopiya ni Confucius. Ang Analects ay
isang libro ng mga sipi ni Confusius habang kinakausap niya ang kanyang
mga estudyante o mgatao. Ito ay isinulat ng kanyang mga estudyante at
20 kabanata dito ang may pangalan. Hindigaanong kaayos ang Analects
sapagkat ito ay isang simpleng koleksiyon ng mga sipi mula kayConfucius
kung saan hindi binanggit kung kailan, saan, bakit, sino at ano ang
nangyari pagkatapos.Kung kaya mahirap intindihin ang ibig sabihin
nito.Hindi magandang libro ang Analects parapagsimulaan ng pag-aaral
tungkol kay Confucious.Ang librong ito ay nangangailangan ngmahabang
oras upang maintindihan ang bawat salita at pangungusap. Ang Libro ng
Tula ay naglalaman ng mahigit sa 300 tula kasama angpinakamatandang tula ng
Tsina. Pinasauli ni Confucious mula sa kanyang mgaestudyante ang libro dahil
gagamitin nya itong material sa kanyang pagtuturosapagkat naisip niya na kung
hindi natin alam ang “poetry” ay hindi tayo marunongmagsalita. Naniniwala si
Confucious na ang “poetry” ay makatutulong paramaintindihan ang katotohanan,
palaganapin ang pagkakaisa sa bawat tao atpalaganapin ang mas mabuting
pag-intindi sa kalikasan. Ang Libro ng ritwal aytumatalakay sa maatos na porma
ng seremonya. Ito ay mayroong 3 bahagi: 1. AngRitwal ng Zhou- tumutukoy
sa gobyerno ng daynastiyang Zhou: 2. Ceremonyanaglalaman
ng mga batas sa pangyayari sa buhay ng mga matataas; 3. Libro ng
Ritwal- ito ang pinakamahabang bahagi ng libro na nagbibigay ng
impormasyontungkol sa mga alituntunin at mg autos kung paano
pamunuanang mga kawal. AngLibro ng Kasaysayan ay naglalaman ng
kasaysayan ng tsina mula sa pinakaunangpanahon ng emperador na nagdala ng
mga kagamitan ng sibilisasyon sa mga Tsinosa pamamagitan ng dinastiyang
Xia, Shang at Zhou. Tinuturing ng mga Tsino na angkasaysayan ang
pinakaimportante dahil sa pagaaral sa nakaraan. Ang TaunangTagsibol at
Taglagas ay isang pahayagan ng mga pangyayari na naganap sa bayan
niConfucious. Ang Libro ng Pagbabago ay libro ng paghihiwalay na nagsasabi ng
mangyayari sa hinaharap at intindihin ang pamumuhay ng tao at natural
napangyayari.

Iliad(Iliada)
"Ang pagkamuhi ni Achilles ang aking paksa," ang sinasabing pambungad
ng makatang siHomer para sa kaniyang Iliada. May nakatanim na galit
kay Agamemnon ang pangunahingbayaning si Achilles, sapagkat inagaw
ni Agamemnon ang gantimpalang napanalunan ni Achilles,ang babaeng si
Briseis. Bagaman napahiya si Achilles, hindi ito nakipaglaban kay
Agamemnon, sahalip sinarili niya ang pagmamaktol at pagdibdib sa
kasawian sa loob ng kaniyang talabing okubol.
Sinasabing naging mas naging mainam ang pagkatao ni Achilles dahil sa
kaniyang paghihirap naito.Nang nararamdaman ni Agamamenon na
nagwawagi ang mga Troyano, inalayan niya ng mgahandog si Achilles at
nagmakaawa upang makiisa na sa pakikipagtunggali laban sa mga
Troyano.Tumanggi si Achilles.Sa kahabaan ng aklat, matutunghayan
lamang si Achilles na nagmumukmoksa kaniyang kubol. Nang lumaon,
pinahuntulot nitong makipaglaban ang kaniyang matalik nakaibigan si
Patroclus, at pinagamit pa ni Achilles ang sariling baluti. Napatay si
Patroclus ngprinsipe ng Troyang si Hector. Lalong ikinagalit, at
ikinalungkot din, ni Achilles angpagkakapaslang kay Patroclus, kaya't
napapayag din siyang makipaglaban sa mga Trohano.Nagtagumpay si
Hector at napatay din niya si Hector. Sinadyang puntahan ng hari ng Troy
na si Haring Priam si Achilles para magmakaawang ibigay ni Achilles ang
katawan ni Hector. Pumayagsi Achilles sapagkat, sa pamamagitan ni
Priam, naalala ni Achilles ang sarili niyang ama.Nagwawakas ang Iliada
sa pagkakaroon ng isang pansamantalang pagtigil ng labanan sa pagitan
ngmga Griyego at ng mga Trohano, upang mabigyan ng nararapat na
libing ang Trohanong si Hector.

Odisea
May tatlong salaysaying patulang nakapaloob sa Odisea: ang kay Odiseo,
ang kay Telemaco (anakna lalaki ni Odiseo), at ang kay Penelope (ang
asawa ni Odiseo): Ang unang nakahabing salaysayay hinggil sa
pakikipagsapalaran ni Odiseo habang pabalik sa kaniyang kaharian sa
Ithaca,pagkalipas ng Digmaang Trojan, kabilang ang kaniyang mga
naging suliranin nang nakabalik nasiya sa Ithaca. Samantala, umiinog rin
ang akda sa anak ni Odiseong si Telemaco (ikalawangsalaysay);
hinahanap ni Telemaco ang matagal nang nawawalang amang si Odiseo.
Naglalahad dinang epika ng nauukol kay Penelope (ang ikatlong
salaysay), ang asawa at reyna ni Odiseo, namatagal nang naghihintay sa
pagbabalik ng kaniyang asawang si Odiseo. Sa kabuoan,dalawampung
taon ang naging kahabaan ng paghihintay ni Penelope hanggang sa
makabalik nanga si Odiseo. Ganito ang bilang dahil sampung taong nasa
digmaan si Odiseo na nadagdagan pang sampung taon sa karagatan
habang naglalakbay pabalik sa Ithaca. Magkakahabi ang
tatlongsalaysaying ito ng buhay sa epikang Odisea.Salaysay ukol kay
TelemacoIsang buwan pa lamang si Telemaco nang maglayag patungong
Troy ang ama niyang siOdiseo. Nagsisimula ang Odisea noong mga
dalawampung taon na ang edad ni Telemaco, atnakatira sa tahanan ng
kaniyang ama, sa piling ng kaniyang inang si Penelope. Naroroon din
angpangkat ng malaking bilang ng mga mayayabang na mga kalalakihang
nanliligaw kay Penelope.108 ang bilang ng mga manunuyong ito, na
naniniwalang patay na si Odiseo, kaya't maaari nangmapakasalan si
Penelope kung mapapaibig ng isa man sa kanila.Nagkatawang tao si
Athena (o Atena), sa anyo ng isang datu o pinunong Taphianong si
Mentes,para hikayatin si Telemaco na hanapin si Odiseo. Nilisan nga ni
Telemaco ang Ithaca upangmaghanap ng balita hinggil sa kaniyang
amang si Odiseo. Pinangangalagaan siya ng diyosang siAtenas, na
siyang tagapananggalang din ni Odiseo. Dinalaw ni Telemaco ang isang
matandangnagngangalang Nestor, pati sina Menelaus at Helen, na mga
nakabalik nang matiwasay mula sapakikipaglaban sa Troy. Wala siyang
natanggap na balita ukol sa ama. Pinagbilinan siya niAtenang magbalik sa
Ithaca.Salaysay ukol kay OdiseoSamantala, nasa isang pulo si Odiseo, sa
isang pulong pag-aari ni diyosang si Calypso. Nanahan siOdiseo sa
pulong iyon ng may pito nang mga taon. Inalok ni Calypso na gagawin
niyang isangnilalang na walang-kamatayan o imortal si Odiseo, subalit
mas ibig ni Odiseong magbalik saIthaca. Sinugo ng diyos na si Zeus si
Hermes upang pag-utusan palayain ni Calypso si Odiseo.Gumawa ng
isang bangka si Odiseo, sapagkat matagal nang nawasak ang kaniyang
mga barko,malaon na ring namatay ang kaniyang mga kasamahan.
Narating ni Odiseo ang ang lupain ngmga Phaeacian. Natagpuan siya ng
prinsesang si Nausicaa.Sa palasyo ng amang hari ni Nausicaa,nilahad ni
Odiseo ang kaniyang naging mga pakikipagsapalaran. Naririto ang ilan sa
mga ito:Sa lupain ng mga Kumakain-ng-LotusNarating nina Odiseo at ng
mga kasamahan niyang manlalakbay ang lupain ng mga tinatawag
naKumakain-ng-Lotus. Nang matikman ng mga kasama ni Odiseo ang
halamang lotus, nakalimutannila ang kanilang mga nakaraan, kaya't ayaw
na nilang lisanin ang pook, para kumakain pa ng masmaraming mga lotus.
Hinila ni Odiseo ang kaniyang mga tauhan paalis sa lugar na iyon.Sa
lupain ng mga may-isang mataSi Odiseo habang nilalasing si
Polifemo.Nabihag ng isang nilalang na may iisang matang si Polifemo (o
Polyphemus),isang cyclope (ocyclop), salitang nangangahulgang "may
bilog na mata." Naninirahan si Polifemosa isang yungib, at kinakain ang
mga tauhan ni Odiseo, dalawang tao bawat isang araw. Nilinlangnina
Odiseo si Polifemo. Nilasing ni Odiseo si Polifemo at pinaso nila ang mata
nito kaya'tnabulag. Nang dating tanungin ni Polifemo kung ano ang
pangalan ni Odiseo, sinabi ni Odiseong"Walang-Sinuman" ang tawag sa
kaniya. Kaya't nang humingi ng saklolo si Polifemo sa iba pangmga
cyclope, walang tumulong sa kaniya, sapagkat ang pangungusap na
"Sinasaktan ako niWalang-Sinuman," ang sinasambit niya sa paghingi ng
mga nagtataka lamang na mga kauringnilalang. Nakaalis sina Odiseo sa
pamamagitan ng isa pang panlalansi kay Polifemo. May mgaalagang tupa
si Polifemo. Pinagtali-tali nina Odiseo ang bawat tatlong tupa, nakatali sa
ilalim ngpanggitnang tupa ang isang kasama ni Odiseo, na hindi
masasalat ng bulag na si Polifemo kapaghihimasin ang dumaraang mga
tupa. Bagaman iisang tupa na lamang ang natira para kay Odiseo,isang
lalaking tupa at siyang paborito ni Polifemo. Hindi rin napuna ni Polifemo
si Odiseong nasailalim ng paboritong tupa ni Polifemo. Bagaman
nakatakas sina Odiseo mula sa mga kamay niPolifemo, naparusahan din
pagdaka si Odiseo, sapagkat anak si Polifemo ng diyos na si
Poseidon.Tulong ng diyos ng mga hangin
Nakatagpo nina Odiseo si Aeolus, ang diyos ng mga hangin. Binigyan si
Odiseo ni Aeolus ngisang buslong naglalaman ng mga hanging
magagamit sana sa paglalayag, ngunit nagduda angmga tauhan ni
Odiseo hinggil sa laman ng buslo. Inisip nilang kayamanan ng laman ng
buso atnililinlang lamang sila.Kaya't binuksan nila ang buslo.Nakawala
ang mga hangin.Naantalalamang muli ang kanilang paglalakbay.
Tumanggi si Aeolus na tulungan silang muli.Ang mga Laestrigoniano at si
CirceWinasak ng mga Laestrigoniano (mga Laestrygonian, mga kumakain
ng laman ng tao) ang lahat ngn sasakyang-pandagat nina Odiseo.
Pinaslang din ng mga ito ang mgatauhan ni Odiseong lulan ng
mga barkong nasira. Hindi nila pinatay si Odiseo. Dumulog si Odiseo kay
Circe, isang babaeng mangkukulam na ginawang mga baboy ang mga
tauhan ni Odiseo. Binigyan ng diyosang si Hermes si Odiseo ng isang
halamang molyo (o moly), isang yerbang nakatulong kay Odiseo para
labanan ang salamangka ng mangkukulam. Napapayag ni Odiseong
palayin ni Circe ang kaniyang mga tauhan, subalit kinailangan niyang
pumiling kay Circe nang may isang taon. Sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa
Tumungo si Odiseo sa Mundong nasa Ilalim ng Lupa upang humingi ng
tulong kay Tiresias, isang multong may kakayahang maglakbay-diwa,
kung paano ang pagbalik sa Ithaca. Nakahalubilo rin ni Odiseo ang iba
pang mga kaluluwa ng mga naging bantog na mga tao, pati ang kaniyang
inang namatay sa kalungkutan noong wala si Odiseo sa Ithaca, habang
naghihintay sa pagbabalik ng bayaning hari. Mga sirena at sina Scylla at
Charybdis Si Odiseo at ang mga sirena.Nakatagpo rin nina Odiseo ang
mga sirena, mga kabighabighaning babaeng may nakakabatubalaning
awitin. Handang makipagpatayan ang mga tauhan ni Odiseo para lamang
makalapit sa mga sirena, kaya't pinahiran ni Odiseo ng pagkit ang mga
tainga ng kaniyang mga kasamahan. Samantala, nagpatali naman si
Odiseo sa isang haligi, kaya't kahit na marinig niya ang awit ng mga
sirena, hindi siya lulundag sa tubig para marating ang mga babaeng iyon.
Nakasaguparin nina Odiseo ang halimaw-dagat na si Scylla, na kahawig
ng isang pugita. Nahuli ni Scylla ang anim sa mga tauhan ni Odiseo.
Kinailangan ding matakasan nina Odiseo ang isang uli-uli, isang ipu-
ipong-tubig o tubig na umaalimpuyo, na may pangalang Charybdis;
nakaraan naman sila't nakalagpas sa buhawing-tubig na ito. Sa Pulo ng
Araw at ang mga Phaeaciano Narating nina Odiseo ang Pulo ng Araw.
Nang lisanin niya ang pook na iyon, may isang unos sumira sa kaniyang
nag-iisa nang barko, at namatay ang mga natitira niyang mga tauhan.
Isang kaparusahan kay Odiseo at sa kaniyang mga kasama, sapagkat
pumaslang sila ng ilang mga banal na baka. Naging mainam naman ang
pagtanggap kay Odiseo ng mga mamamayan ng Phaeacia nang marating
niya ang lupain ng mga ito. Tinulungan si Odiseo ng mga Phaeaciano
para makabalik na sa Ithaca, sa pamamagitan ng pagpapagamit ng isa sa
kanilang mga barko. Salumaon, naging bato ang barko, bilang isang
paghihiganti ni Poseidon kay Odiseo. Nakaligtas naman si Odiseo.
Pagbabalik ni Odiseo sa Ithaca Sa pagdaong ni Odiseo sa Ithaca,
tinulunga siya ng diyosang Atena upang makapagpanggap bilang isang
pulubi. Narating ni Odiseo angdampa ng nag-aalaga ng baboy na si
Eumaeus, ang isa sa mga nalalabing kakampi ni Odiseo. Dito rin sa
pamamahay ng magbababoy nakasalamuha ni Odiseo ang anak na
lalaking si Telemaco. Magkatulong nilang pinaghandaan ang pagpaslang
sa mga manliligaw ni Penelope. Sa paglitaw ni Odiseo sa kaniyang
sariling tahanan, tanging ang kaniyang asong si Argus at ang isang taong
nagngangalangEurycleia ang nakamukha kay Odiseo. Sa katuwaan sa
pagkakakilala kay Odiseo, bumagsak nang walang buhay ang asong si
Argus, dahil ito sa labis na katuwaan nang makita ang among si Odiseo.
Nakilala naman ni Eurycleia si Odiseo nang hugasan nito ang kaniyang
paa, nagpapanggap pa noon si Odiseo bilang isang pulubi. Natiyak ni
Eurycleia, dating tagapag-alaga ng sanggol pang si Odiseo, ang katauhan
ni Odiseo sa pamamagitan ng balat sa paa nang binubuhasan nito ng
tubig ang paa ni Odiseong nagkukuwaring pulubi. Salaysay ukol kay
Penelope Ang pakikipagsagupaan ni Odiseo sa mga manliligaw ni
Penelope. Ipinahayag ni Penelope na pakakasalan niya ang sinuman sa
kaniyang manliligaw na makagagamit ng sandatang pana ni Odiseo,
ngunit walang nagtagumpay sa mga ito. Habang nagpapanggap pa rin
bilang isang pulubi, sinabi ni Odiseong ibig niyang sumubok na gamitin
ang naturang pana. Pagkaraang magtagumpay, pinagpapaslang ni
Odiseo sa pamamagitan ng pana at mga palaso ang mga manliligaw ni
Penelope. Tinulungan siya ng anak na si Telemaco, at ng isa pang may
malasakit na tauhan, sa pakikipaglabang ito. Ibinunyag ni Odiseo kay
Penelope kung sino siyangtalaga, subalit hindi ito maniwala. Napatunayan
ni Odiseong siya ang nawawala nitong asawa, sapamamagitan ng
pagpapaalala at paglalarawan ng ginawa ni Odiseo sa kanilang higaang
magasawa, isang kamang may isang haliging nagmula sa isang
tumutubong puno. Isa itong lihim na tanging sin Odiseo at Penelope
lamang ang nakakaalamNoong wala pa si Odiseo, nakapangako na rin si
Penelope sa mga dating nabubuhay pang mga manliligaw niya na
makikipag-isang dibdib siya sa isa sa mga ito kapag natapos na ni
Penelope ang kaniyang gawain sa pananahi. Subalit
palagian niyang nalilinlang ang kaniyang mga manliligaw sa pamamagitan
ng pagtatastas na muli ng mga natatapos niyang tahiin tuwing gabi.
Pagsapit muli ng umaga, maipapakita niyang hindi pa tapos ang kaniyang
mga tinatahi, kaya't hindi pa siya makakapili ng mapapakasalan mula sa
mg makukulit na mga manliligaw. Pagwawakas at pahimakas Kapagdaka,
noong sumapit ang kinabukasan, nagsidating ang mga mag-anak ng mga
manunuyong napaslang ni Odiseo upang makapaghiganti, sapagkat
dalawang salinlahi ng mga kalalakihan ng Ithaca ang nawalan ng buhay
dahil kay Odiseo. Subalit napigil sila ng diyosang si Atena. Pagkaraan
nito, sa utos ng diyos na si Zeus,muling nagkaroon ng kapayapaan sa
Ithaca. Dito nagtatapos ang Odisea.

Awit ni Rolando
Ang hukbo ni Charlemagne ay nakikipaglaban sa mga Muslim sa
Espanya. Ang huling siyudad na hindi pa natatalo ay ang Saragossa na
pinamumunuan ni Marsilla. Dahil sa takot ni Marsilla sa pagsalakay ng
hukbo,nagpadala siya ng mensahe kay Charlemagne na bibigyan sila ng
kayamanan at magpapabinyag ito bilang Kristyano kung babalik ang mga
Franks sa Pransya. Si Charlemagne,kasama ng kanyang mga tauhan, ay
napapagod na rin sa pakikidigma kaya’t pumayag na din ang mga ito.
Kinakailangan na nilang magpadala ng mensahero kay Marsilla. Ang
matapang na mandirigmang si Roland ay iminungkahi ang kanyang
tiyuhin na si Ganelon.Si Ganelon ay galit na galit.Takot siyang mamatay
sa mga kamay ng mga uhaw sa dugong pagano at
sinususpetsa nito na ito ay sadyang layunin ni Rolando.Matagal na niyang
kinapopootan at kinaiinggitan ang kanyang lalaking anak na panguman.
Pagsakay pabalik sa Saragossa,kasama ang mga sugong Sarasen, siya
ay nakahanap ng isang pagkakataon para sa paghihiganti. . Siya ay
nagmungkahi sa mga Saracens kung paano nila maaaring salakayin ang
huling hukbo ni Charlemagne na kung saan ay tiyak na si Rolando ang
mamumuno sa pagbabalik ng mga Franks sa Espanya sa pamamagitan
ng bundok.Gaya ng prediksyon ni Rolando,nagtraydor nga si Ganelon
kaya’t nagpresinta itongpamunuan ang hukbo. Napili niya sina Olivier at
Turpin upang sumama sa kanya.Sinalakay sila ng mga pagano sa
Roncevals. Ang mga Kristyano ay nagulat sa dami nila.Inutusan ni Olivier
si Rolando na hipan ang sungay ng elepante upang makahingi ng
tulong.Ngunit hindi ito sumunod at sinabing hindi nila kailangan ng
tulong..Ngunit unti-unting natalo sina Rolando at sila ay nangamatay.
Nang dumating si Charlemagne at ang kanyang hukbo sa labanan,tanging
mga bangkay na lamang ang kanilang nadatnan.Dumating si
Balignant,pinuno ng Babylonia, sa Espanya upang tulungan si Marsilla.
Kasama niya ang maraming Muslim at sinalakay nila ang hukbo ni
Charlemagne.Nang mapatay ni Charlemagne si Balignant,nagsitakas ang
kanyang mga tauhan. At ngayon,ang Saragossa ay wala ng
tagapagtanggol at ito ay sa mga Franks na. Nadiskubre ng mga Franks
ang ginawang pagtatraydor ni Ganelon hanggang dumating ang araw ng
paglilitis.Sinabi niya na hindi siya naging matapat sa kanyang bansa kung
iyon a ypaghihiganti. Sa huli,naparusahan siya ng kamatayan.

Koran
Ang Koran ay ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Naniniwala ang mga
Muslim na ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan,at
isinaalang-alang ang orihinalna tekstong Arabic,na salita ni Allah,diyos ng
mga Muslim na ipinakita kay Muhammad sa panahon ng dalawampu’t
tatlong taon at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa
sangkatauhan. Sinasabing si Muhammad ang nagbunyag ng Koran sa
pamamagitan ni Jibril. Ang Koran ay isinulat ng mga kasamahan ni
Muhammad noong siya ay nabubuhay.Noong 633 A.D.,pinagsama-sama
ang mga ito at noong 653 A.D. ay ikinalat na ito sa Emperyong Islam at
nagkaroon pa ng marami nito.Ang kasalukuyang Koran ngayon ay ang
rebelasyon ng Diyos kay Muhammad ng mga iskolar. Ang Koran ay
naglalaman ng isandaan at labing apat na artikulo na iba-iba ang haba.
Ang bawat isang kabanata ay tinatawag na sura.Ito ay hinahati pa sa
dalawang kategorya na Meccan at Medinan,depende kung anong mga
berso ang maipakita. Ang pamagat ng mga kabanata ay hinango sa mga
pangalang tinukoy sa teksto o sa unang letra o salita ng sura.Naniniwala
ang mga Muslim na si Muhammad ang nagbigay ng pamagat sa bawat
kabanata.Ang mahahabang kabanata ang nauuna samantalang ang
maiikli ang nasa huli.Ang pagkakaayos ng mga ito ay walang kinalaman
sa pagkakasunod-sunod ng mga rebelasyon. Ang mga sura ay
naglalaman ng mga ayat na ang ibig sabihin ay senyales na ipinadala ng
Diyos.Iba’t-iba ang dami ng ayat ang makikita sa bawat sura.Ang isang
ayat ay maaaring kontingletra lamang o kaya linya.Iba ang ayat o berso sa
mga matataas na uri ng tula ng mga Arabo sa nilalaman at sa mga
pagkakatugma. Meron ding paghahati sa tatlumpung parte na tinatawag
na ajza. Ang bawat isa any naglalaman ng dalawang yunit na tinatawag
na ahzab na nahahati pa rin sa apat na bahagi(rub’alahzab). Nahahati rin
ito sa pitong istasyon(manazil). Ang Koran ay walng simula,gitna at
katapusan.Ang instraktura nito ay hindi pantaypantay. Ang mga nakasulat
ditto ay hindi tapos,walang pinakatema at pag-uulit.Labing apat na letrang
Arabic ang bumubuo sa labing apat na magkakaibang grupo ng Qur’anic
Initials” at panlaping dalawampu’t siyam na surah sa Koran. Ang ibig
sabihin ng mga ito ay hindi alam ng mga Muslim. Noong 1974,Si Rashad
Khalifa ay nagsasabing nakadiskubre siya ng koda ng matematika base
sa numerong 19,na hindi naman napapaloob sa sura ng Koran. Ang mga
Muslim ay naniniwalang ang Koran ay gabay nila sa pamumuhay at
kinokonsidera nila ang mga nakasulat ditto ay siyang sinabi ng Diyos sa
kanila.Ang konsepto ng mga Kristyano sa rebelasyon ay ito’y
nangangahulugan na ang Diyos ay naging tao at namuhay sa mundo pero
ito ay kakaiba sa Islam.Sa Islam,ang kanilang konsepto ay ang Diyos ay
tumatawag ng indibidwal na siyang maglalahad ng kanyang mga
mensahe.Ang tawag sa prosesong ito ay tanzil o nuzul.

Uncle Tom's Cabin


Ang Uncle Tom's Cabin ay nagsimula sa usapan sa pagitan nina G.Shelby
at G. Haley na nagbebenta ng alipin.Tinatalakay nila kung ilang alipin pa
ang kailangan ni G. Shelby para mapawi ang kanyang
utang.Napagdesisyunan niya na ibenta si Tom,ang kanyang matapat na
alalay at si Harry, ang anak ng paboritong katulong ng kanyang asawa,si
Eliza. Narinig ni Eliza na ang kaniyang anak ay naipagbili
napagdesisyunan ng kumuha sa kanya dalhin siya sa Canada nang
gabing iyon. Mas maaga sa araw na iyon, ang kanyang asawang si
George Harris ay ipinaalam sa ang kanyang plano na tatakas siya sa
kanyang amo at magkikita sila sa Canada. Nang makatakas si
Eliza,sinundan siya ni G.Haley at muntik na siyang mahuli.Nakatakas siya
sa Ohio sa pamamagitan ng pagtawid sa ilog sa tulong ng isang bloke ng
yelo.Pinasundan siya ni G.Haley sa mga tagahuli at bumalik siya para kay
Tom.Hindi tumakas si Tom para sa kanyang among si G.Shelby. Umalis
sina Tom at G.Haley patungong Timog.At sa kanilang paglalakbay,iniligtas
ni Tom ang isang batang babae mula sa pagkalunod.Nagpasiya ang ama
ng bata na bilhin si Tom para maging alalay ng kanyang anak.Maswerte si
Tom dahil ang nakabili sa kanya ay ang ama ngbata,Augustine St. Clare,
ay itinatrato ng maasyos ang kanyang mga alagad.Ang batang babae na
si Eva ay mabait din sa kanyang mga alagad.Kabaligtaran naman ito ng
kanyang ina na si Marie St Clare na mga luho lamang niya ang iniisip.
Lumaki si Tom na kinagigiliwan ang batang si Eva.Pinaguusapan nila ang
kanilang pananampalatayang Kristyanismo.Nabago ni Eva ang buhay ng
isang batang alipin na nagngangalang Topsy. Naturuan din niyang
bumasa ang isa pang alipin na si Mammy. Nang malapit ng mamatay si
Eva,ipinatawag niya ang lahat ng kanyang mga alipin upang pangaralan
ng mga salita ng Diyos.Binigyan niya ang mga ito ng hibla ng kanyang
kulot na buhok upang maalala nila si Eva. Namatay si Eva sa sakit na
tuberculosis. Samantala, Si Eliza at ang kanyang asawang si George ay
nagtagpo sa isang kampo Kweiker. Mula doon,matagumpay silang
nakatakas papuntang Canada. Sa bahay ng mga St Clare,si Augustine St
Clare ay nalulungkot sa pagkamatay ng kanyang anak na si Eva gayun
din lahat ng kanyang mga alipin.Ipinangako ni St Clare ang kalayaan ni
Tom.Ngunit bago pa amn matapos ni St Clare ang mga papeles,siya ay
napatay.Naipagbili si Tom kasama pa ng iba pang mga alipin. Nabili si
Tom ni Simon Legree, isang masama at marahas na tao na
pinagtatrabaho ang kanyang mga alipin hanggang sila ay
mamatay,pagkataposn ay bumibili ng bagong alipin.Sa kabila ng ugali ni
Legree,nanatiling matapat sa kanya si Tom.Pilit binabago ni Legree ang
ugali niTom upang gamitin siya bilang isang tagapamahala sa mga
plantasyon, ngunit si Tom ay tumangging baguhin ang kanyang ugali kahit
gaano kahirap o kung gaano kadalas siya pinapahirapan. Hinikayat ni
Tom ang dalawang babaeng alipin na tumakas .Sa kanilang
pagtakas,pinarusahan ni Legree si Tom hanggang siya ay
mamatay.Pagkalipas ng ilang araw,dumating ang anak ng dating amo ni
Tom.Pumunta doon si George Shelby upang tubusin ang kalayaan ni
Tom.Ngunit huli na siya.Inilibing na lamang niya si Tom. Ang dalawang
babaeng alipin na nakatakas sa bahay ni Legree,sina Cassy at Emmeline,
ay nakasakay sa parehong barko na sinasakyan ni George
Shelby.Isinalaysay ni Cassy ang kanyang kuwento sa kaniya,sa
paniniwalang ang puso ni George ay malambot sa kalagayan ng tumakas
na alipin. Isa pang babae sa barko sa lalong madaling panahon ay
nagsalaysay ng kanyang kuwento kay George , at napagtanto na siya ay
kapatid ni George Harris, nabili siya sa timog sa pangaalipin maraming
mga taon na ang nakalipas . Isinalaysay ni George Shelby na si George
Harris at ang kanyang asawang si Eliza ay parehong nakatakas sa
Canada. Si Cassy pagkarinig ng kuwento,ay napagtanto na anak niya si
Eliza. Ang dalawang babae ay naglakbay patungo sa Canada na
magkasama at napasamang muli sakanilang mga pamilya. Kahit na ang
buhay ni Tom ay natapos sa trahedya, maraming alipin angnagtamo ng
kaligayahan sa gitna ng mga alipin na mga nakaligtas at nakatakas sa
mga pagsubok at hirap ng pang-aalipin, alinman sa pamamagitan ng
palayain o sa pamamagitan ng pagtakas sa Canada.

Divina Comedia
Ang Divina Comedia na sinulat ni Dante Alighieri noong kalagitnaan ng
1308 at 1321,itoang sinasabing pinakasentral na epiko ng panitikan ng
Italya.Ito ay binubuo ng 14,233 linya.Ang mga linyang ito ay nahahati sa
tatlong canticas-ang inferno,purgatorio at paraiso.Ang bawat isa ay
naglalaman ng 33 cantos.Ang unang canto ay nagsisilbing panimula ng
tula na dumagdag sa mga cantos kaya naging 100. Ang tula ay nasa
unang panauhan at nagsasaad ng paglalakbay ni Dante sa tatlong estado
na patutunguhan ng mga patay.Si Virgil ay ang taong kasama niya sa
impyerno ay purgatoryo at si Beatrice naman sa paraiso.Si Beatrice ay
ang pinangarap na babae ni Dante. Ang Divine Comedy ay isa sa mga
pinakadakilang tula sa kasaysayan.Dito,napagsamasamani Dante ang
temang relihiyoso,politikal at pilosopikal.Sa Italy,ang komedya ay isang
simpleng kwento na tumatalakay sa malungkot na panimula at masayang
katapusan.Ito ay may mas mababang kaanyuhan kaysa trahedya.Sa
tulang ito,talagang lumabas ang galing ni Dante sa paglalarawan ng
bawat canto.Ang pag-iisa sa iba’t-ibang uri ng tema at istilong gumawa sa
komedya na walang pinipiling panahon na obra maestra.

Isang Libo’t Isang Gabi


Ang pinakapaksa ng kwentong ito ay ang isang hari at ang kanyang
mapapangasawa.Ang hari na si Sharyar ay nagpapakasal at pagkatapos
ay kanyang pinapatay ang kanyang asawa.Dumating ang pagkakataon na
wala ng mahanap na maaaring mapangasawa ng hari ang
vizier.Napagdesisyunan ng anak ng vizier na siya na lamang ang
magpapakasal sa hari.Ngunit ayaw pumayag ng vizier.Sa sumunod na
araw ay nagpakasal na nga ang hari at ang anak ng vizier.Ang babaeng
ito ay nagngangalang Scheherazade.Gumawa ng paraan si
Scheherazade upang hindi siya patayin ng hari.Tuwing gabi,nagkukwento
siya sa hari ngunit hindi niya ito tinatapos.Napilitan tuloy ang hari na hindi
siya patayin upang matapos ang kwento. Sa sumunod na gabi ay natapos
na ang kwento kaya’t nagsalaysay na naman siya ng bagong kwento.Sa
sumunodna gabi ay hindi pa rin mapatay ng hari ang kanyang asawa sa
kagustuhang marinig ang buongkwento.Patuloy ang ganitong pangyayari
hanggang abutin siya ng isang libo't isang gabi. . Mga tradisyonal ang
mga kuwento at nagmula sa maraming bahagi ng Gitnang Silangan at
Dulong Silangan. Nasa Arabe ang unang nakasulat na kopya na nagawa
noong mga 1000 AD. Kabilang samga kuwento ang Sindbad ang
Mandaragat atAladdin.

Mahabharata
Ang Mahabharata ay ginawa sa pagitan ng 300 B.C at 300 A.D. Ito ang
pinakamahabang epiko sa mundo ng panitikan.Binubuo ito ng 100,000
dalawang linyang taludtod.Maikukumpara ito sa walong beses na haba ng
Iliad at Odyssey ni Homer at tatlong beses ng sa bibliya.Ayon sa bersyon
ng Narasimhan,apat na libong linya lamang ang may kaugnay sa
kwento.Sa madaling salita,Ang Mahabharata ay kaparehas ng mahabang
paglalakbay na maraming daan. Ang salitang Mahabharata ay
nangangahulugang dakilang Bharata.Si Bharata ay ninuno nina Pandavas
at Kuaravas na naglaban.Ang salitang Mahabharata ay tumutukoy rin sa
mga Indian.Kaya minsan ay iniuugnay ang Mahabharata sa “ang Dakilang
Istorya ng Indya”.Ang epikong ito ay nahahati sa 18 libro.
Maraming paksang tinatalakay ang Mahabharata sa loob ng labinwalong
mga bahagi nito. Sumasakop ang mga paksang ito sa ilang bilang ng mga
aspeto ng Hinduismo, mitolohiyangHindu, mga etika, at gawi ng
pamumuhay ng Hindu. Isang bahagi pa nito ang tinatawag naHarvamsha.
Ilan sa mga nasa ibaba ang ilang mga pananalita hinggil sa labinwalong
mga bahagi ng Mahabharata. Sa Mahabharata, tinatawag na mga parvan
o mga parva - mga aklat - ang mga bahaging ito. Nakatala sa ibaba ang
lahat ng mga parva ng Mahabharata: Isang pangyayaring may
pagsusuyuan saMahabharata, sa pagitan nina Ravi Varma-Shantanu at
Satyavati. Parva (Aklat) Pamagat Mga nilalaman
1 Adi-parva Pagpapakilala, pagsilang, pagaalaga, at pagpapalaki sa mga
prinsipe.

2 Sabha-parva Buhay sa korte, ang larong betu-beto o dais, at


pagpapalayas sa mga Pandava. Itinayo ni Maya Danava ang palasyo at
korte (ang sabha), at Indraprastha.

3 Aranyaka-parva (o Vanaparva, Aranyaparva) Labindalawang taong


pagtigil (na hindi nakababalik pagkaraang mapaalis) sa gubat (sa aranya).

4 Virata-parva Isang taon makalipas ang pagkapalayas, pagtigil o paghintil


sakorte ng Virata.
5 Udyoga-parva Mga paghahanda para sa digmaan.

6 Bhishma-parva Ang unang bahagi ng dakilang digmaan, gumanap na


komandante ng mga Kaurava si Bhishma.

7 Drona-parva Nagpatuloy ang digmaan, si Drona ang komandante.

8 Karna-parva Muli, sa digmaan, si Karna ang komandante.

9 Shalya-parva Ang huling bahagi ng digmaan, si Shalya ang


komandante.

10 Sauptika-parva Naglalahad kung paano pinaslang nina Ashvattama at


ng mga nalalabing mga Kaurava ang hukbong Pandava habang natutulog
(Sauptika).

11 Stri-parva Ipinagdadalamhatini Gandhari at ng iba pang mga


kababaihan (mga stri) ang mga yumao.

12 Shanti-parva Ang pagpuputong ng korona kay Yudhisthira, at ang mga


utos sa kaniya mula kay Bhishma

13 Anusasana-parva Ang mga huling tagubilin (anusasana) mula kay


Bhishma.

14 Ashvamedhika-parva Ang maharlikang seremonya ng ashvamedha, na


isinagawa ni Yudhisthira.

15 Ashramavasika-parva Lumisan sina Dhritarashtra, Gandhari at Kunti


para saisang ashram, at ang pagkamatay sa gubat.

16 Mausala-parva Ang panloob na pag-aalitan sa pagitan ng mga Yadava


na may gamit na mga pamalo(mga mausala).

17 Mahaprasthanika-parva Unang bahagi ng daan patungong kamatayan


(mahaprasthana,"dakilang paglalakbay") ni Yudhisthira at ng mga kapatid
niyang lalaki

18 Svargarohana-parva Nagsibalik ang mga Pandava sa daigdig ng mga


kaluluwa(svarga).
19 Harivamsha Buhay ni Krishna. Narito ang ilan sa mga tauhan ng
Mahabharata: Vyasa Tagapaglahad ng kwento at ama nina Pandu at
Dhritarasha. Gandhari Asawa ni Dhristarasha. Dhristarasha Isang bulag
na hari:ama nina Duryodhana at Kauravas. Kunti Asawa ni Pandu.
Yudhishthira Pinuno ng mga Pandavas.Bhima Pinakamalakas sa mga
Pandava.

Aklat ng mga Patay


Ang Aklat ng mga patay ay mas kilala sa tawag na Spells of Coming.Ito ay
ang paglalarawan sa konsepto ng mga Ehipsyo sa buhay pagkatapos
mamatay.Ang aklat na ito ay nakasulat sa papiro at nilalagay sa mga
kabaong. Ang titulong Aklat ng mga Patay ay ginawa ni Karl Richard
Lepsius.Nang una itong madiskubre,napagkamalan itong bibliya ng mga
Ehipsyo.Kaiba sa bibliya,ang librong ito ay walang rebelasyon at walang
mga kaugnayan sa mga rebelasyon ng Diyos. Ang librong ito ay produkto
ng mahabang proseso ng ebolusyon mula sa pyramid text ng Old
Kingdom hanggang sa coffin text ng New Kingdom.Ang isang katlo ng
mga kabanatabay hinango sa coffin texts. Ang Aklat ng mga Patay ay
hinango sa The Book of Breathings ngunit ang librong ito ay nananatiling
popular hanggang sa panahon ng mga Romano.

El Cid Campeador
Simula noong labindalawang siglo,ang alamat ni El Cid ay napalathala
na.Ang librong ito ay naglalaman ng tungkol sa buhay ni El Cid at ng
pagsakop niya sa Pransya.Ang totoong pangalan ni El Cid ay Rodrigo
Diaz.Ipinanganak siya sa Vivar sa lumang Kristyanong kaharian ng
Castilla. Naging tanyag siya sa kanyang mga taktika ng pamumuno.Mas
kilala siya ng mga kaaway niya sa ngalang El Cid na nangangahulugang
“aking panginoon”. Ang kabataan ni El Cid at ang kanyanf pagmamahal sa
babaeng si Jimena ang naging paksa ng Romanceros.Ang maikling tulang
ito ay base sa El Cid Campeador.Ang librong El Cid Campeador ay
tumutukoy sa naging buhay ni El Cid at ang naging karanasan niya sa
pagsalakay sa Pransya.
Canterbury Tales
Ang Canterbury Tales ay koleksyon ng mga kwentong isinulat ni Geoffrey
Chaucher noong ikalabing-apat na siglo.Ang mga kwento,na ang iba ay
orihinal at ang iba ay hindi,ay ikinwento ng mga naglalakbay sa
relihiyosong paglalakbay simula Southwark hanggang Canterbury para
bisitahin ang dambana ni Saint Thomas Becket at ang Canterbury
Cathedral.Sinasabi ng iba na hinango ito sa The Decameron na nabasa ni
Chaucer noong una siyang bumisita sa Italya. Noong Abril,isang grupo ng
dalawampu’t siyam na manlalakbay ay nagkaroon ng relihiyosong
paglalakbay mula London hanggang Canterbury upang magbigay respeto
sa dambana ni Saint Thomas Becket at Canterbury Cathedral.Ang grupo
ay binibuo ng mga taong may iba’t ibang disposisyon sa buhay.Kapag
tumitigil ang mga manlalakbay tuwing gabi,magtatalaga ang kanilang
pinuno ng magsasalaysay ng kwento kinabukasan sa paglalakbay.Ang
manlalakbay na ito ay kinakailangang magsalaysay ng apat na
kwento,dalawa papuntang Canterbury at dalawa ulit pabalik.Ang may
pinakamagandang kwento na mapipili ng pinuno ay ililibre ng mga
kasamahan ng hapunan.Ang bawat istorya ay maaaring maging
repleksyon ng posisyon nila sa buhay at ang ilan naman ay gusto lamang
magpatawa.Walang napili ang pinuno sa huli dahil kakaunting
manlalakbay pa lamang ang nakapagsasalaysay nang mamatay si
Chaucer. Nais sana ni Chaucer na makasulat ng 124 na kwento pero
namatay siya na 22 lang ang kanyang nagawa.Dalawa pang kwento ang
nasimulan ngunit hindi natapos.Narito ang iulan sa mga kwento: The
Knights Tale Ito ang pinakaunang kwento sa Canterbury TalesTungkol sa
dalawang magpinsan na parehas umibig sa isang dalaga at sila ay
naglaban para makuha ang pag-ibig ng dalaga. The Miller’s Tale Tungkol
sa isang mag-aaral na si Nicholas at si Alison.Nais ni Nicholas na
makasamang matulog si Alison The Reeve’s Tale Tungkol sa
karahasan,kabastusan at panggagahasa sa anak at asawa ni Symkyn.Ito
ang pang-insulto sa kwento ng maggigiling. The Cook’s Tale Hindi ito
natapos at binubuo lamang ng 58 na linya.Tungkol sa katulong na si
Perkyn na mahilig mag-inom. The Man of Law’s Tale Tungkol sa babaeng
Kristyano na ipakakasal sa isang sultan kung ang sultan ay magigiong
Kristyano.Hindi pumayag ang ina nito kaya’t binigyan nito ng mga
pagsubok ang babae. The Wife of Bath’s Tale Ito ang isa sa
pinakamagandang kwento sa Canterbury Tales na nagbibigay halaga sa
mga babae noong Middle Ages. The Friar’s Tale Isinalaysay ni Hubert na
nagsasaad ng tungkol sa pagsira sa isang opisyal sa korte na pinipilit ang
mga taong pumunta doon. The Summoner’s Tale Sumasalungat sa The
Friar’s Tale.The Clerk’s Tale Ito ay kaparehas ng The Story of
Griselda.Tungkol sa katapatan ni Griselda sa asawa sa kabila ng mga
pagsubok. The Merchant’s Tale Sinasabing meron itong impluwensya ng
The Decameron.Tungkol samag-asawang May at Januarie at Damyan.
The Squire’s Tale Ito ay isa rin sa mga kwentong hindi tapos.Romantikong
epiko na kung natapos ay mas mahaba pa sa pinagsama-samang kwento.
The Franklin’s Tale Tungkol sa pag-iibigan ni Arveragus na isang
kabalyero at Dorigen. The Physician’s Tale Tungkol sa relasyon ng anak
sa ama.The Romance of the Rose ang naging inspirasyon ni Chaucer sa
pagsulat nito. The Pardoner’s Tale Tungkol sa isang grupo ng lasinggero
na nais patayin si Kamatayan na sinisisi dahil sa pagkamatay ng kanilang
kaibigan. The Shipman’s Tale Tungkol sa mag-asawa at isang monghe
The Prioress’s Tale Sumunod ito sa The Shipman’s Tale.Ito ay istorya ng
isang batang martir na pinatay ng mga Jews. The Tale of Melibee
Pangalawang kwentong isinalaysay ni Chaucer.Mahaba ito kaya’t
sinasabing nakakabagot pakinggan. The Monk’s Tale Koleksyon ito ng
labinwalong maiikling kwento.Ang pinakapaksa nito ay trahedya.The
Nun’s Priest’s Tale Ito’y isang pabula na gumagamit ng iba’t ibang uri ng
hayop na nagpapakita ng iba’t ibang ugali ng tao. The Second Nun’s Tale
Ito ay nagsasalaysay tungkol kay Saint Cecilia.The Canon’s Yeoman’s
Tale The Manciple’s Tale Tumatalakay kay Phoebus na mahal na mahal
ang asawa kaya’t nagawa nitong ikulong ito sa bahay. The Parson’s Tale
Ito ang pinakahuli sa lahat.Ito rin ang pinakamahaba sa lahat.Hindi
maikukunsiderang isang tula o kwento dahil ito ay isang prosa.
ANG MGA
AKDANG
PAMPANITIKANG
NAGDALA NG
MALAKING
IMPLUWENSIYA
SA
BUONG DAIGDIG
Inihanda ni: Radie R. Colendra IV-A Inihanda
para kay: Gng.Violeta Huerto

You might also like