Professional Documents
Culture Documents
Pang Abay Arzola Aizon
Pang Abay Arzola Aizon
Aizon
Paksa: Pang-abay na kataga o Ingklitic hanggang Pang-abay na Pamanahon
Asignatura: Makabagong Balarila Fil. 109
Propesor: Gng. Ednalyn Cadapan
Panimula
Isang mapagpalang araw sa ating lahat. Masaya ako na muli tayong mag-aaral at maipagpatuloy ang
ating masigla at makabuluhang pagtatalakay sa iba’t ibang paksa na sakop ng asignaturang ito. Bago ko simulan
ang aking ulat, nais kong ipaalala sa lahat na bukas ako sa anumang karadagang ideya, katanungan, at maging
pagwawasto kung sakaling may mali sa aking pagpapaliwanag tungkol sa aking paksa.
Nilalaman
Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
Halimbawa:
Malayang namumuhay ang mga mamamayan.
Pandiwa
Halos kasintangkad ko na siya.
Pang-uri
Totoong lubhang nagulat sila sa iyong balita.
Pang-abay
Kataga o Ingklitik Salita o parirala
ba, kasi, kaya, na, sana, daw/raw, Pamanahon, panlunan, pamaraan,
din/rin, naman, yata, pala, tuloy, nga, pang-agam, kundisyunal, panang-ayon,
lamang/lang, man, muna, pa. pananggi, panggaano
Kataga o Ingklitik
-Katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap.
Halimbawa: Makikitan rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat.
1. PAMANAHON
Nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Napapangkat sa dalawa ang ganitong uri ng pang-abay:
a. Ang may pananda
- Ito ay yaong gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang
mga pananda ng pamanahon.