Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ba ang halaga ng isang bayani?

Ano ba ang nasa likod ng

kadakilakaan? Bakit pirmi tayong nakatingala? Sumasamba ng walang

pagdududa? Bakit lagi tayong bulag na umaasa sa mga tagapagligtas?

Ayon kay Joven Hernando (ginampanan ni Aaron Villaflor). Ang paksa ng

pananaliksik ay patuloy na pagtangkilik ng henerasyon ngayon. Ang mga

pelikulang nakatutulong upang lalong mapag bigyan ng pansin ang

kasaysayan ay higit na nakatutulong lalo na sa mga mag-aaral.

Sa kasalukuyan ang internet ay napapabilis ang pag-aaral at pagtatrabaho

ng isang tao. Sa paggamit ng internet madaming opsiyon ang pwedeng

gawin. Dito pumapasok ang panunuod ng pelikula, pagbabasa ng libro ng

studyante na hindi na pumupunta sa library at pwede rin manuod ng mga

palabas na nag bibigay aliw gamit ang internet.

 Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makapag-ambag sa pag-aaral ukol

sa piling pelikula bilang pampagkatuto ng mga mag-aaral sa panitikan tulad

ng pelikulang “Goyo”. Nais ng mga mananaliksik na magbigay ng patnubay

sa mga nagnanais, nag-aaral o kaya ay nagtatrabaho sa industriya ng

pelikula. Ang pag-aaral ng mga pelikula ay isa ring paraan upang malinang

ang kaalaman ng isang tao. Sa pananaliksik na ito ang mga Pilipino ay

nabibigyan ng pagkakataon bilang isang mamamayan ng Pilipinas, na

magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga nagawang kontribusyon ng mga

pelikula sa ating bansa. Ang pelikulang Goyo ay makatutulong sa mga

taong naghahangad ng dagdag kaalaman pagdating sa lumang


henerasyon. Dito inilahad ang kwento ng isang Filipino-Heneral ng

Republika ng Pilipinas sa panahon ng Philippine-American War. Ito ay

nagsasalaysay ng buhay, pamahalaan, lipunan at iba’t ibang uri ng

emosyon. Isa din ito sa dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng

literature sa mga paaralan.

Ang Pilipinas bilang isa sa kauna-unahang nagpasimula ng industriya ng

pelikula sa Asya, ay nananatiling matatag sa aspeto ng pinakamaraming

nanunuod.

You might also like