Panalangin NG Pagtatalaga Kay Maria

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN NG PAGTATALAGA KAY MARIA

Mahal naming Ina,


ipinagkakatiwala kami sa iyong pagkalinga
ng iyong Anak sa mga huling sandali ng kanyang buhay sa krus.
Salamat sa iyong pananatilisa buhay ni Hesus at ng Simbahan. Dahil sa
iyong maka-inang pagmamahal
batid mo ang aming pangangailangan
tulad ng pagkabahala mo sa pangangailangan
sa kasalan sa Cana.
Ibig mo na maipagpatuloy ang sigla at galak
sa buhay katulad ng iyong Anak
na naglayon ng kaganapan ng buhay para sa amin.
Sa panahon ngayon ng krisis na nagbabago
ng takbo ng aming buhay, kumakapit kami sa iyo
at isinasalalay ang aming buhay sa iyong pagkalinga.
Ikaw na inugnay ang sarili sa pagpapakasakit ni Hesus
sa paanan ng kanyang krus, ipadama mo sa amin ngayon
ang iyong pagmamahal at pagkalinga.
Kumakapit kami sa iyo
at itinatalaga naming ang aming sarili, ang aming pamilya,
ang aming mga lungsod, at ang aming Arkidiyosesis
sa iyong mapagmahal at kalinis-linisang Puso.
Patnubayan mo kami, iligtas sa lahat ng kasamaan,
lalung-lalo na sa kasalanan, at ipadama mo sa amin
ang init ng iyong pag-ibig.
Sa anumang hapis at hirap na daratal sa amin, tulungan mo kaming
magpunyagi sa panalangin, magsikap sa pagbabagong buhay,
at lumago sa pagmamalasakit sa aming kapwa.
Sa pagtatalaga naming sa iyo, nangangako kaming magiging tapat
sa aming mga pangako sa Binyag na tatalikuran ang kasamaan
at sisikaping lumago sa pananampalatayang Kristiyano
na kaloob sa amin ng iyong Anak.
Katulad mo, hahangarin naming, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
na magkatawang tao sa aming buhay ang Salita ng Diyos,
ang iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon. Amen

You might also like