Activity Filipino Pananaliksik

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Pananaliksik

ACTIVITY # 2

Pangalan: Merlinros G. Quipao Taon/Kurso: BSEE II-3 Petsa: March 23-28, 2020 Marka: ______

Panuto: Sagutin at gawing komprehensibo ang pagtalakay sa bawat katanungan. Gumamit


ibang papel para sa inyong mga sagot.

1. Bakit kailangang magsagawa ng pananaliksik? Bigyang-katwiran ang iyong paniniwala.

Sagot:

Bilang isang mag-aaral, maraming kahalagahan ang pagsasagawa ng pananaliksik kung


iisipin hindi lamang para sa amin kung hindi para na rin sa iba’t ibang uri ng mga tao. Saklaw
nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba’t ibang
larangan. Ginagamit ang pananaliksik upang:

Magkaroon ng solusyon sa bawat suliranin – maraming suliranin ang kinakaharap ng


bawat tao at sa bawat problema ay paniguradong mayroong solusyon. Sa pamamagitan
ng pananaliksik nagkakaroon nang pag-aaral kung papaano ito masosolusyonan sa tulong
ng mga impormasyong nalakap ng mananaliksik.

Makadiskubre ng bagong kaalaman, konsepto at impormasyon – sa paggawa ng


pananaliksik kinakailangang mangngalap

Mapaunlad at mapalawak ang sariling kaalaman ng mga mag-aaral


- Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang kritikal at analitikal
na pag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging matatag sa buhay. Nakakaya
niyang tumayong mag-isa, at masanay sa paghahanap mng mga datos bilang tugon sa
paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.
2. Ano-ano ang maaari mong matutuhan sa pagsasagawa ng pananaliksik? Isa-isahin.

Sagot:

Sa pagsasagawa ng pananaliksik maraming pupuwedeng matutunan ang isang


mag-aaral na tulad ko. May mga dapat isaalang-alang para maging matagumpay ang
pananaliksik at dahil dito natutunan ko na:

Napapayaman ang kaisipan – dahil sa pananaliksik lumalawak ang kaisipan ng isang


indibidwal dahil sa patuloy na pagbabasa, pag-iisip, panunuri at paglalahad o paglalapat
ng interpretasyon. Gayundin, sa pagsasagawa ng pananaliksik o sa nakababasa ng mga
resulta ng mga isinagawang pananaliksik, naisasabuhay ang mga natutunang konsepto at
nahahasa ang kasanayan sa paglutas ng suliranin dahil ang pananaliksik ay pawang
paghahanap ng solusyon sa mga suliranin.

Napapalawak ang karanasan – napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa


mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa paglakap ng
mahahalagang datos, pagbabasa, at paggalugad sa kaugnay na literatura.

Nalilinang ang tiwala sa sarili – tumataas ang respeto at tiwala sa sarili kung maisagawa
ng maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.

Nadaragdagan ang kaalaman – ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman sa


bawat tao dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.
Nadaragdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal at nahahasa ang kanyang
kaisipan dahil sa natitipon niyang mga ideya at pananaw mula sa iba’t ibang nabasa at
karanasan.

3. Bakit sinasabing ang pananaliksik ay isang gawaing kapaki-pakinabang?

Sagot:

Ang pananaliksik ay kapaki-pakinabang dahil sa pamamagitan nito nakatutuklas ng mga


panibagong impormasyon, ideya, at konsepto na maaaring makaambag sa lipunan. Maari rin
itong makapagbigay ng panibagong solusyon sa mga suliranin sa kasalukuyang panahon o kahit
sa mga problem na hindi pa nareresolbahan sa nagdaang panahon. Sa bawat pag-aaral ay
maaaring matagumpay o hindi, kaya naman mahalagang maglagay ng rekomendasyon para
magkaroon ng kaalaman ang mga susunod na gagawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa
paksa. Sa pamamagitan nito mas mapapaunlad at maaaring makadiskubre ng panibagonng ideya
at solusyon sa problema.
Dapat tandaan ng bawat indibidwal na isang proseso ang pananaliksik. Hindi ito
minamadali, dahil sa bawat salita ay impormasyon sa mambabasa na magbibigay kaalaman at
ideya. Hinding hindi mahihinto ang pagsasaliksik kung walang pag-iisip na nagtatanong dahil sa
kuryusidad.

4. Para sa iyo, alin sa mga uri ng pananaliksik ang nais mong gawin? Bakit?

Sagot:

Sa mga uri ng pananaliksik nais kong gawin ang Aksiyong Pananaliksik o Action
Research sa Ingles, dahil ito ang pananaliksik na may mabilisang solusyon ng problema. Hindi
na kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon.
Ginagawa ito sa isang maliit lamang na aspekto dahil nais mabigyan ng agarang solusyon ang
kasalukuyang kalagayan o sitwasyon.

Halimbawa:

Digitized Lesson sa Filipino: Tugon sa Tawag ng Pangangailangan ng ika-21 Siglong


Kasanayan, Pagsipat sa Epekto nito sa Pedagohiya ng mga Guro at Pagkatuto ng mga
Mag-aaral

5. Maglista ng limang pamagat na maaaring gawan ng pananaliksik na ayon sa iyong interes at


isaalang-alang ang mga katangian ng mabuting pamagat. . Ilahad ang magiging awtput at bakit
ito kailangang saliksikin.

Sagot:

Paggamit ng Wikang Filipino vs Paggamit ng Wikang Ingles sa larangan ng


Pagtuturo at Pagkatuto: Isang Komprehensibong Pag-aaral
 Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pananaliksik nito, magakakaroon ng
kaalaman kung alin nga ba ang mas mabisang paraan ng pagtuturo ng mga guro at
siya naming pagkatuto ng mga mag-aaral.

Epekto ng Pagpupuyat sa Katawan at Isip ng Isang Tao


 Malalaman dito kung ano ang mga masasamang epekto ng pagpupuyat, ano ang
mga dahilan kung bakit puyat ang isang indibidwal. At ang mga bagay na dapat
iwasan para mapigilan ang pagpupuyat.
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
 Tutukuyin ang kahalagahan ng asignaturang Komunikasyon at pananaliksik sa
pag-aaral ng mga estudyante. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon ng
karagadagang kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang paggawa ng pananaliksik.

Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga mag-aaral


 Susuriin kung magiging epektibo ba ang paggamut ng computer o hindi.
Titimbangin kung ano ang mas nakahihigit, ang positibong epekto ba o a ng
nakasasama.

Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon


 Paghahambingin ang wikang Filipino sa makabagong Filipino. May mga salik na
dapat isaalang-alang para mapaghambing ito, na naaayon sa kanilang
deskripsyon.

6. Paano maiiwasan ang plagyarismo sa pananaliksik?

Sagot:

Isulat ang mga “notes” habang ginagawa ang pananaliksik. Gumawa ng listang mga
pangunahing ideya at sumusuporta sa detalye. Gamitin ang pagtatala para sa pagsulat ng
gawain. Gumamit ng direktang “quotes” para sa pagsuporta ng mga ideya.

Magtago ng rekord ng lahat ng libro,mga pahina,at maykatha na iyongginamit. Kabilang


dito ang impormasyon na galing sa libro, artikulo,internet, diagrams, charts, at iba pa.
Mas mabuting sumulat ng mas higit pasa iyong kailangan.

Magtanong sa guro kung papano kilalanin ang mga pinagmulan ng


iyongimpormasyon.Kadalasan ito ay ang paggamit ng footnotes - paraan ng pagkilala ng
direktang “quotes” galing sa gawa ng iba at bibliographiya - alpabetikong listahan ng
libro, artikulo, magazines, websites, at iba pa, na ginagamit sa pagkolekta ng mga
impormasyon.
7. Ano-ano ang mahahalagang puntos na dapat tandaan sa pagsasagawa ng layunin?

Sagot:

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing


ito. Narito ang mga mahahalagang puntos na dapat tandaan para sa mabisang paglalahad ng
layunin:

Ang makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto


Makapagbigay ng bagong pagkakahulugan o interpretasyon sa dati ng ideya
Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa
Maipakita ang kabisaaan ng ginamit na pamamaraan ng estratehiya
Maging solusyon sa suliranin
Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay

Sa pamamagitan ng paglalahad ng layunin, mas mapapadali para sa mambabasa


ang pag-intindi kung ano ang nais iparating ng mga mananaliksik ayon sa paksang napili.

8. Bakit kailangang maglahad ng suliranin (Statement of the Problem)?

Sagot:

Ang suliranin o Statement of the Problem sa salitang Ingles, ay isang importanteng


bahagi ng pananaliksik. Sa paglalahad ng suliranin nabibigyang pokus o sentro ang isang pag-
aaral. Bukod dito, nailalarawan ang isang issue na kasalukuyang nangyayari na dapat matugunan
sa pamamagitan ng pananaliksik. Inilalahad din sa bahaging ito ang suliraning nais bigyan ng
mahalagang pokus sa suliranin. Dito rin nakikita ang mga suliranin sa pamamagitan ng anyong
patanong.

Sa paglalahad ng suliranin nagsisimula ang lahat ng mga katanungan na dapat masagot sa


kabanata apat ng pananaliksik.

9. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng rebyu sa pag-aaral bago malaman ang halaga ng
pananaliksik?

Sagot:

Kailangan ng rebyu sa pag-aaral bago malaman ang halaga ng pananaliksik dahil dito
makikita kung naging nagawa ba ng maayos ang isinagawang pananaliksik. Bukod dito,
magkakaroon ng ideya ang mga susunod na mananaliksik kung ano ang dapat isaalang-alang
para maging matagumpay ang paggawa nito.
10. Ano ang konseptwal at teoretikal na balangkas? Bakit ito binansagang pumapagitnang
teorya?

Sagot:

 Ang dalawang bahaging ito sa pananaliksik ay napakahalaga sapagkat ito ang


magsisilbing gabay sa pagtuklas ng mga mahahalagang ideya at obserbasyon tungo sa
malawak at katanggaptanggap na impormasyon.

Teoretikal na Gabay o Theoretical Framework

 Ang teoretikal na gabay ay mga teoryang nabuo na; ito ang magsisilbing gabay o batayan
upang mapatibay ang isang pananaliksik. Mahalagang maglahad ng mga teorya bilang
suporta sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.

Ang mga teoryang ito ang magpapatunay kung bakit napapanahon ang isang pag-aaral.
Mahalagang ang mga nakalap na teorya ay may kaugnayan sa ginagawang pananaliksik.

Konseptuwal na Balangkas

Ang konseptuwal na balangkas ay pagbuo ng teorya batay sa ginagawang pag-aaral; ito


ay naglalaman ng ideya ng isang mananaliksik. Ang paglalahad ng konsepto ay may
malinaw na pagpapaliwanag ng nagawang paradaym o paradigm. Ito ay naglalaman ng
input o paghahanda, process o proseso, at output o kinalabasan.

Ang konseptuwal na balangkas ang magsisilbing gabay o batayan sa pagbubuo ng


pananaliksik.

Intermediate theory

Ito ang tinatawag na pumapagitnang teorya sa konseptwal o theoretical na balangkas


sapagkat ito ang nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa kaugnay na metodolohiya
sa pagkuha ng mga datos at pangkalahatang pagsusuri. Mabisang kasangkapan sa
pananaliksik ang pilosopiya, mlawakang teorya at idelohiya.
11. Ano-ano ang mga pangunahing elemento at hakbangin sa pagbubuo ng konseptwal o
teoretikal na balangkas?

Sagot:

Ang pagbabalangkas ay isang mahalagang kahingian sa pagsasagawa ng pananaliksik ang


paggawa ng balangkas. Ang pangunahing layunin ng balangkas ay gabayan ng mananaliksik.

Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa
inisyal na paghahanap ng datos sa aklatan. Malaki ang maitutulong ng balangkas para mabigyang
gabay at direksyon ang pananaliksik sa simula pa lamang. Makatitipid sa oras at makababawas
sa pagod ang sistematikong pagbuo ng pananaliksik.

MGA ELEMENTO AT HAKBANG SA PAGAGAWA NG BALANGKAS TEORETIKAL

 Tukuyin ang paksa.


 Tukuyin ang/ ang mga teoryang gagamitin.
 Tukuyin ang mga konseptong nakapaloob sa pag-aaral na may kinalaman sa teoryang
gagamitin.
 Alamin ang mga ugnayan ng mga konsepto batay sa teorya.
 Ilarawan kung ano ang tamang hitsura ng balangkas gaya ng sumusunod:
 Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon
 Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas
 Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon
 Gamitin ang Roman Numerals ( I, II, III,…) sa pagsulat ng mga pangunahing
diwa o paksa
 Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng mahahalagang
salita ng bawat pangunahing diwa
 Maglagay ng tuldok pagkatapos ng Roman Numerals at malaking letra
 Isulat ng may “indention” ng pangunahing diwa ang mga kaugnay na paksa.
 Gamitin ang malaking letra (A, B, C,…) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic).
 Gamitin ang mga Arabic numbers (1, 2, 3,…) sa unahan ng mga detalye na
sumusuporta sa kaugnay na paksa. Lagyan ng “indention” sa pagagawa nito.

12. Bakit mahalagang tukuyin ang sakop at delimitasyon ng isang pananaliksik?

Sagot:

Mahalagang tukuyin ang sakop at delimitasyon ng isang pananaliksik dahil sa


pamamagitan nito natutukoy ang dapat lamang pag-aralan at mayroong mga limitasyon para
magkaroon ng pokus ang saliksik. Narito ang iba pang dahilan kung bakit mahalaga ang
pagtukoy sa saklaw at delimitasyon:

Naipapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang taga tugon na gagamitin
sa pag-aaral saan at kailan ito gagawin.
Nakatutulong ang paglalagay ng limitasyon at hangganan ng pag-aaral para maging
kapani-paniwala ito sa mga mambabasa.
Ipinaliwanag nina Sevilla at iba pa (1992) na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto na
pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa resulta ng pag-aaral na maaaring makasama subalit
hindi na ito kontrolado ng mga mananaliksik.

13. Ano ang konseptwal at operasyonal na depinisyon? Magbigay ng mga halimbawa.

Sagot:

Konseptwal- ito ang istandard na kahulugan na matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang
akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.

Halimbawa:

Ang tinapay ay pinaghalong harina, asukal, at itlog na minsan ay may palaman.

Operasyonal- dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa
pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng
pangungusap.

Halimbawa:

Si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay.

14. Nararapat bang muling patunayan ng pananaliksik ang isang matagal nang pag-aaral?

Sagot:

Bilang isang mag-aaral, mas makabubuti kung muling patunayan ng pananaliksik ang
isang matagal nang pag-aaral. Sa pamamagitan nito maaaring magkaroon ng ibang ideya at
impormasyon na wala sa dating pag-aaral o kaya naman ay mas mapaunlad pa ito.

Halimbawa:

Hindi uunlad ang teknolohiya ngayon kung wala ang mga mananaliksik na nag-aral sa
mga dating pananaliksik. Sa bawat ulit ay paniguradong may madidiskubre at may maidadagdag
na impormasyon, na maaring magamit sa kasalukuyan o kaya naman ay maging daan sa patuloy
na pag-unlad sa hinaaharap

You might also like