Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

214.

Buod ng kabanata 15 ng El Fili

SI GINOONG PASTA
KABANATA 15

Isa sa mga may pinakamatalas na pag-iisip sa Maynila na sinasangguni ng mga pari kung ang mga ito’y sa
gipit na kalagayan kaya’t ang manananggol na si Senyor pasta ay Sinadya ni Isagani sa Opisina nito. Pinakiusapan
niya ang Senyor na kung sakaling sumangguni na sila kay Don Custodio ay mamagitan upang mapapayag nila ito.
Nakinig ng mabuti ang Senyor na kunwari’y wala siyang pakialam sa gawain ng mga kabataan at tila ba walang
alam. Habang si Isagani naman ay nakikiramdam kung naging mabisa ang kanyang mga salita sa abogado.

Nagpasya ang abugado na huwag mangialam dahil maselan ang usapin at mas mabuting hayaan na
lamang ang gobyerno ang kumilos bagkus ay nagpasya na lamang siyang payuhan si Isagani ng mga bagay-bagay
para sa ikabubuti ng mga mag-aaral na sa halip na umisip ng mga problema o kung papaano mapabubuti ang
bayan ay ituon na lamang ang kanilang isip sa medisina nabanggit rin nito na “ maalala ninyo ako at masasabing
may katwiran ako sakaling kayo ay ubanin na.” ngunit tinugon naman ni Isagani ang tinuran nito “ kung sakaling
ang aking buhok ay may uban naring gaya ng sa inyo at kung aalalahanin ko angaking buhay na walang ginawa
kundi para lamang sa aking sarili, ang bawat uban sa ulo ko ay magiging tinik at hindi ko ipagmamalaki bagkus
ikahihiya ko ng labis.” kaya’t naisin man ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang Akademya ng
wikang Kastila ngunit wala na siyang magagawa.

Samantalang isip ni Ginoong Pasta ay kahabag-habag ang binata sapagkat ang anumang tagumpay ay
hindi nangangahulugan ng kapanatagan ng isip. Ang anumang bansa ay may sariling moral at pagpapahalaga gaya
ng pagkakaroon ng kanya-kanyang klima at sakit. Kaya’t pagiging matuwid man ang nais ng samahan nina Isagani,
ay hindi ito matuwid sa paningin ng iba sapagkat ito ay bagay na laban sa pamahalaan.

You might also like