Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX (Zamboanga Peninsula)
Zamboanga del Sur Division
Tukuran Technical Vocational High School
MALASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 8
GURO: Bb. SHEILA MAE E. CATEQUISTA Unang Linggo: Prep.3
Petsa: October 2,3 & 4
October 5-6 Buwan ng Araw ng mg Guro
I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga nag-aaral ay inaasahang:
a. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
b. Nalalaman kung ano ang pagkakaiba ng modero at tradisyunal na tula
II. Paksa:
Pag-ibig ni Teodoro Gener At Alejandro g. Abadilla
Sanggunian: LM pahina 80-81
Kagamitan: laptop, pentel pen, at larawan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Maari bang pumaharap si Bb./G. _______________sa ating panalangin.
b. Pagtala ng Lumiban
Maari ko bang makuha ang mga lumiban sa klase ngayon Bb. Kalihim?
c. Pagbabalik-aral
Ano ang nakaraang leksyon?
d. Pagganyak
Mga kalalakihan, Paano ka manligaw?
Ano ang gagawin mo pag ika’ y hinahandugan ng tula sa iyong iniirog?
B. Paglalahad
Pag-ibig
Teodoro Gener
1 Umiibig ako, at ang iniibig
ay hindi ang dilag na kaakit-akit
pagkat kung talagang ganda lang ang nais,
hindi ba’t nariyan ang nanungong langit?
2 Lumiliyag ako, at ang nililiyag
ay hindi ang yamang pagkarilag-rilag
pagkat kung totoong perlas lang ang hangad...
di ba’t masisisid sa pusod ng dagat?
3 Umiibig ako’t sumisintang tunay,
di sa ganda’t hindi sa ginto at yaman...
Ako’y umiibig, sapagkat may buhay
na di nagtitikim ng kaligayahan...
4 Ang kaligayahan ay wala sa langit
wala rin sa dagat ng hiwa(ga)ng tubig...
ang kaligayaha’y nasa iyong dibdib
na inaawitan ng aking pag-ibig...
Erotika 4
Alejandro G. Abadilla (1965)
1 Ang salitang ganda’y di para sa iyo,
Beybi Peys mong iya’y mahahalikan ko.
2 Lagi kang may ngiti: ang ibig ko sana
Kahit sasandali ay maangkin kita.
3 Ngiti sa mata mo ay muslak na ngiti,
Ang musmos mong tawa ay lilindi-lindi.
4 Bakit ka ba ganyan, O, mutyang Musa ko,
Talaga bang ako’y iyong tinutukso?
5 Sa guniguni ko’y kekendeng-kendeng ka,
O, aking Beybi Peys: mahal kaya kita?
6 Manika kang tila ma’ring kalaruin,
Kaya itong puso ay bumabata rin.
7 Kaysarap-sarap mong pagkaing masarap,
Ibig kitang kani’y di kita malasap.
8 Ang salitang ganda’y di para sa iyo,
Beybi Peys mong iya’y mahahalikan ko.

Indibidwal a Gawain: Ikumpara ang dalawang tula at suriin ang pagkakaiba nito. Sasagutan ng bawat isa
ang mga tanong sa ibaba.
Sagutan ang mga sumusunod:
1. Alin ang tradisyonal? Alin ang modernista?
2. Ano ang pagkakaiba sa pagtrato nila sa parehong paksa?
3. Sino ang nagsasalita at kausap sa bawat tula?
4. Ano ang pagkakaiba sa porma, sukat, at tugma? Ano naman ang pagkakapareho?
5. Ano ang pagkakaiba sa mismong sinasabi?
6. Ano naman ang bawal na ginawa/sinabi ng pangalawang tula?
7. Aling tula ang ipagmamalaki mo kung ikaw ang nagsulat? Bakit?

You might also like