Anak Ni Limocon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang  Mga  Anak  Ni  Limocon

Myth of Origin of the Mandayas, in Mindanao

Ang limokon, sa tingin ng mga Mandaya, ay ibon ng tadhana, ang tagapag-hatid mula 


sa ‘kabilang buhay’ (limbo, spirit world ) ng babala (aviso, warning) ng durating na
panganib, o ng pahiwatig ng napipintong tagumpay. Kapag narinig ang ‘ku-ku-ru’
ng limokon mula sa kanan, paniwala ng Mandaya, matutupad ang binabalak, subalit kung
nagmula sa kaliwa, mabibigo ang tangka...

Itong alamat ay lubhang kaiba sa mga alamat ng mga Bukidnon at Bagobo na nahaluan 


ng mga pangaral ng catholico at mga Amerkano. Bagaman at mga kalapit pangkat nila 
ang mga Bukidnon at Bagobo, itong alamat ng Mandaya ay likas na makaluma, at 
maniwaring galing pa sa panahon bago dumating ang mga dayuhan... 
-- Mabel Cook Cole,  Philippine Folk Tales, 1916 
NUONG pinaka-unang panahon, nuong wala pang tao sa daigdig,
naglipana ang mga limokon, isang uri ng kalapati (paloma, dove) na
malakas at marunong magsalita tulad ng tao bagaman at sila ay anyong
ibon. Minsan, isang limokonay nangitlog - isa sa bukana ng ilog Mayo, at
isa sa puno o simula ng ilog ding iyon. Pagkaraan ng
panahon, napisa(empollar, hatch) ang 2 itlog at, at sa halip na limokon,
ang lumabas ay 2 tao - lalaki sa bukana, at babae sa sibulan, ng ilog Mayo.

Lumaki at matagal na panahon namuhay ang 2 unang tao nang


bmagkahiwalay, at walang malay na ibang tao na buhay maliban sa sarili
nila. Lumbay na lumbay sila kapwa, at panay ang hangad na magkaruon
sila ng kasama.

Ang lalaki ang unang nawalan ng tiyaga at nagsigasig na maghanap ng


kapwa tao dahil isang araw, may pumatid sa kanya habang tumatawid siya sa ilog. Malakas ang
patid sa kanya, tumumba siya at muntik nang malunod. Nang maka-ahon siya, natuklas niyang
makapal na buhok ang pumatid sa kanya, at ipinasiya niyang hanapin kung kangino nagmula ito.

Malayo ang narating paakyat sa pinagmulan ng ilog Mayo, inusisa ng lalaki ang magkabilang
pampang hanggang sa wakas, natagpuan niya ang babae sa sibulan ng ilog. Tuwang-tuwa sila
kapwa at nakakita na ng makakasama. Nag-asawa sila at maraming naging anak - mga tao na
tinatawag pang Mandaya hanggang ngayon, at namumuhay pa rin sa tuntunin ng ilog Mayo.

ANG  PINAGKUNAN 
‘The Children of Limokon,’ a Mandaya myth, Philippine Folk Tales, compiled and annotated by Mabel Cook
Cole, 
A. C. McClurg and Company, Chicago, 1916,   re-published on The Project Gutenberg EBook, produced by 
Jeroen Hellingman and the PG Distributed Proofreaders Team from scans made available by the 
University of Michigan, http://www.gutenberg.org/files/12814/12814-8.txt

You might also like