Reaction Paper

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Mindanao State University-Iligan Institute of Technology


SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City
___________________________________________________________________________
JENELIN S. ENERO PHDFIL1
Filipino 303 Mga Kontemporaryong Isyu Nobyembre 9, 2019
sa Wika at Literatura

KRITIKAL NA SANAYSAY HINGGIL SA BATHALAD CONVENTION

Noong ika-9 ng Nobyembre, 2019, idinaos ang Ika-23 nga Tinuig nga

Kumbensyon ng Bathalan-ong Halad sa Dagang (BATHALAD) Mindanao na

may temang: “Binisayang Sinugbohanon, Buhing Pinulongan sa Kabisay-an

ug Mindanao” sa bulwagan ng College of Arts and Sciences. Ang nasabing

pagtitipon ay dinaluhan ng iba’t ibang mga manunulat na nagmula sa

Mindanao na kadalasan ay mga columnista sa Manila Bulletin.

Sinimulan ang pagtitipon sa alas 8:00 ng umaga at natapos ito sa alas

5:30 ng hapon. Hindi ko natapos ang pagtitipon na ito dala ng may klase pa

ako sa hapon. Ngunit sa pagdalo ko at sa pakikinig ko sa mga

nagsisipagsalita, marami akong natutunan at namulat din ako sa

katotohanan tungkol sa sitwasyong pangwika sa Bisaya or Binisaya.

Ang unang tagapagsalita ay si Atty. Leo Zaragosa bilang pambukas na

pananalita. Ang naintindihan ko sa kanyang mensahe ay dapat nating

mahalin at ipagmalaki an gating wikang Binisaya. Nagbigay siya ng

halimbawa na nagpapakita ng kahinaan ng wikang Ingles dahil sa

pagtangkilik ng mga Bisaya. Ayon sa kanya, noong minsan daw na dumalo

sa sa isang kasal napansin niya na puro naman daw mga Bisaya ang mga

tao pati ang ikinasal pero ang buong seremonya ay inilahad sa Ingles.

1
Nang ibinigay na ang pagkakataon sa magsalita ang ina ng ikinasal para

magbigay ng mensahe sa mga ikinasal, dahil nga wikang Ingles ang buong

seremonya, ang nasabi lang ng ina ay “Well, to the newly wed,

congratulations!”. Para sa kanya, kung ang seremonya ay inilahad sa wikang

Binisaya, siguradong marami pa sanang masabi na makahulugang mensahe

ang ina para sa bagong ikinasal.

Sa halimbawang ito ni Atty. Zaragosa, ako ay sang-ayon sa kanyang

obserbasyon. Totoo ngang isang sagabal ang paggamit ng banyagang wika

sa paglalahad at pagbabahagi n gating mga ideya tungo sa ibang tao. Ito rin

ay kapansin-pansin sa loob ng klase sa tuwing tinatawag ang mga

estudyante para sumagot sa tanong, napipigilan ng mga mag-aaral ang

pagbabahagi ng kanilang mga ideya dahil sa wikang ipinapatupad na

gamitin sa loob ng silid-aralan. Kaya laging maririnig ang mga estudyante

na humihingi ng pabor na kung maaaring magsalita sila ng dayalek o

binisaya. Hindi naman kasi lingid sa ating kaalaman na ang wika ay

sumisimbolo ng ating pagkatao. Kaya komportable an gating pagsasalita

kung wikang vernakyular ang gamit sa pagbabahagi ng mga ideya at

pakikipagtalastasan sa kapwa.

Pangalawang nagbahagi ng mensahe ay si Ms. Marina Quilab at

ibinahagi niya ang mensahe I Dr. Rosarion Dizon. Ipinaaabot ni Dr. Dizon

na ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ay sumusuporta sa

Bathalad. Ang mensahe sa bahaging ito ay nagbigay ng inspirasyon sa mga

manunulat at mga tagapakinig na pahahalagahan ang wikang natin dahil

ito ay sumisimbolo sa kulturang mayroon tayo.

2
Sa bahaging ito, namulat din ako sa katotohanang hindi dapat

ikahiya ang sariling atin, Na kung tutuusin ay mas mayaman pa ang

wikang Binisaya kung ihahambing sa ibang dayalek na wika sa buong

Pilipinas. Pero naniniwala din ako na walang wikang superior at walang

wikang inperyor dahil lahat ng wika ay pantay-pantay. Ngunit batay sa

aking obserbasyon ay mayaman ang mga bokabolaryo ng wikang Binisaya.

Ang panghuling tagapagsalita sa umaga ay si Ginoong Richel Dorotan.

Pokus ng kanyang pananalita ay ang Akademyang Binisaya. Laman ng

kanyang talumpati ang gramatikal na istruktura sa wikang Binisaya. Bilang

isang guro sa Filipino, marami din akong natutunan sa kanyang

ibinahaging kaalaman. Kung papaano nabubuo ang mga salita sa wikang

Binisayang Sinugbuanon. Kagaya na lamang ng mga salitang himoan,

binuhatan at iba pa.

Ang Alpabetong sa Binisayang Sinugbuanon ay may limang patingog o

patinig: a, e, I, o, at u. Binubuo din ng 15 na mga katingog o katinig. Ito ang

mga sumusunod: B, K, D, G, H, L, M, N, Nang, P, R, S, T, W at Y.

Mayroon ding mga panuntunan sa paggamit ng O at U bilang mga

panlapi. Ang salitang nakagawian na nating ginagamit na salitang molupyo,

ang tamang pagsulat nito sa panuntunan ay mulupyo.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang naging pagtitipon na ito.

Marami ding natutunan ang mga tagapakinig sa iba’t ibang nagsipagsalita.

May panghihinayang ako dahil hindi ako nakadalo sa hapon dahil nga sa

iskedyul ng klase. Sana;y marami pang pagtitipon na kagaya nito para sa

mga guro ng Filipino.

You might also like