Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Hailena Mari DC.

Gole Cruz

ANG TAGUBILIN : SA BABASA NITO


Ito ay nasa pahina 510-511 sa aklat na Pluma 8

Pagkatapos ng dalawampu’t dalawang saknong na inialay ni Balagtas kay Celia,


sumunod naman ang isang bahaging kanyang akda na kung saan nakasaan ang
kanyang BILIN/PAALALA sa mga taong babasa ng kanyang akda. Ito ay binubuo ng
anim na saknong. Nag-iwan siya ng mga habilin upang higit na mapahalagahan at
maunawaan ng mga mambabasa ang kabuoan ng akda. Inaasahan niyang kapag
nasunod ang mga habiling ito ay higit na mapahahalagahan ng mga mambabasa ang
mahahalagang mensaheng taglay ng kanyang obra maestra.

Pansinin: Ang bawat taludtod ay PALAGING may sukat na lalabindalawahin at


PALAGING may tugma ,na maaaring maging tugmang malakas na katinig, mahinang
katinig o kaya’y mga tugmang patinig na may impit at walang impit. Ang ganitong
SUKAT at TUGMA ay pinanatili ni Balagtas sa kabuoan ng kanyang akda, kaya’t ganoon
lamang kung bakit napakalaking paghanga sa kanya. Siya nga ay isang DAKILANG
MAKATA!.
ANG SIMULA NG AWIT (SAKNONG 1-83)
Ito ay nasapahina 512-527 saaklatnaPluma 8
Nilalaman: AngHinagpisniFlorante, Alaalani Laura, AngPag-ibig Kay
Flerida
Sa orihinal na akda, ito ang pangatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang
“Kay Celia”, Ikalawang bahagi naman ang “Sa Babasa Nito” at Ang ikatlong
bahagi ay ang mismong nilalaman ng awit o ang kuwento mismo. Sa orihinal ay
pinamagatan itong PUNO NG SALITA na maaaring mangahulugang full of words.
Ito ay dire-diretso lamang na saknong mula 1 hanggang 399, subalit hahatiin
natin ang pagtatalakay dito upang higit natin itong maunawaan.

Sa aklat na Pluma 8 ay naroon ang buong nilalaman ng saknong 1-83 na


minarapat kong ibuon na lamang sapagkat ito’y napakahaba. Kaya’y mabuting
sumangguni sa nasabing libro. Naroon din ang pagpapakahulugang sa ilang
matatalinghagang salita. Mahalagang basahin ito upang maranasan ang tamis ng
pananalita o pagpapahayag ni Balagtas.

Subalit ito nga ay sadyang malalim at mahaba kaya minarapat kong ilagay
buod nito nang pa-tuluyan. Ganunpaman ay BASAHIN pa rin ang kabuoang ng
mga saknong.

ANG BUOD NG SAKNONG 1-83

Sa simulang awit ay ipinakilala ang isa sa pangunahing tauhang si


Florante. Si Florante ay matikas, magiting, at matapang na heneral ng Albanya
subalit sa mababasang saknong ay ipakikita siya sa isang kalunos-lunos na
kalagayan: talunan at nakagapos sa isang punong higera sa gitna ng isang
madilim at mapanglaw na gubat. Maririnig mula sa binata ang mga hinagpis at
pagtangis dahil sa pagkagaping nangyari sa kanya at ang paghihirap ng kanyang
minamahal na kahariang Albanya dahil sa pananakop ng taksil at masamang si
Konde Adolfo. Nawawalan na siya ng pag-asa at maging sa Diyos ay
nakapagpahayag siya ng hinanakit sapag-aakalang siya’y pinabayaan na. Subalit
sa huli’y napag-isip-isip niyang idaan sa panalangin ang kaawa-awa niyang
kalagayan.
Sa mga saknong 26-68 naman ay inalala ni Florante ang pinakamamahal
niyang si Laura na siyang nagbibigay- lakas at pag-asa sa kanya. Ngunit ang
magagandang alaalang ito ay nasasalitan ng selos o paninibugho sa pag- iisip na
si Laura’y masaya na sa piling ni Adolfo habang siya’y nagdurusa. Subalit sa
muling pagpapaliwanag ng isipan ay nababatid niyang dakila ang pag-ibig ni
Laura para sa kanya kaya’t hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang
kalagayan. Gayunpama’y muli’t muling nagbabalik ang kawalang pag-asang
ipinakikita ng pagkayukayok niya habang nakagapos.

Samantala, sa mga saknong 69-83, ay ipakikilala naman si Aladin, isang


gererong Moro (mandirigmang Muslim) at prinsipeng Persiya na dumating sa
kagubatang kinaroroonan ni Florante dala rin ng isang problema. Inagaw ng
kanyang malupit na amang si Sultan Ali-Adab ang pinakamamahal niyang si
Flerida. Kahit masakit ay namayani pa rin kay Aladin ang paggalang sa ama
kaya’t sa halip na gantihan ang amang nang-agaw sa kanyang kasintahan ay
minabuti niyang magparaya at maglagalang nalang sa kagubatan kung saan
nakagapos si Florante.

Dito sa saknong 80 nakapaloob ang sikat na bersong iniuugnay sapag-ibig sa


kasalukuyan:
“O pagsinta ng labis ng kapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat masunod kalamang.”

GAWAIN: PAGSUSURI
Panuto: Suriin kung ang mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang
nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga saknong na ating binasa. Lagyan ng (√) tsek ang
patlang kung ang kaisipan ay bahaging binasa at ng ekis (×) kung hindi.

Mula sa“ Sa BabasaN ito”


Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang bersong awit
Ang pagsasabi ng kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti
Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensaheng awit
Ang pagnanais na maging mahusay rin sanang manunulat ang lahat ng
Makababasa sa akdang ito

Mula sa “Hinagpis ni Florante”


Ang pakikipag-usap ni Florante sa namayapang ina at sa pinakamamahal na ama
Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo
Ang pagbabalik-tanaw sa mga alaalang kanyang pagkabata
Ang kawalang pag-asa dahil sa pagkakatali niya at pag-iisa sa gitna ng madawag
At madilim na kagubatan

Mula sa “Alaala ni Laura”


Ang nadarama ng paninibugho ni Florante sa inaakalang pagtalikod ni Laura sa
Kanilang pagmamahalan
Ang pagtulong o pagliligtas sa kanya ng isang estranghero
Ang pagdating ng mga hayop na handa siyang silain at patayin anumangoras
Ang pagbabalik-tanaw sa matatamis na alaala nila ni Laura

Mulasa“ AngPag-ibig Kay Flerida”


Ang gutom at pagod na nadarama ni Aladin dahil sa mahabang paglalakbay
Ang pagluha ni Aladin dahil sa masaklap na sinapit ng kanyang pag-ibig kay Flerida
Ang pag-alaala sa amang umagaw sa kanyang kasintahan at naging sanhing
Mapait niyang kabiguan
Ang paghahanda para sa isang pagganti sa taong naging dahilan ng kanyang
kabiguan

You might also like