Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MODULE: 1

LESSON: 1

TITULO NG KURSO: Retorika : Masining na Pagpapahayag

KUWD: Filipino 3

BILANG NG YUNIT: Tatlo(3)

DISKRIPSYON NG KURSO:
Sumasaklaw ang kurso sa pag-aaral ng mga batayan para sa malikhain at mabisang
pagpapahayag na pasulat at pasalita. Magkakaroon ng mga gawaing pasalita at pasulat na
nagsasangalang-alang sa mga pangunahing teorya sa proseso ng pagsulat at pagsasalita. Pag-
aaralan din ang apat na pangunahing anyo ng diskurso; paglalarawan,pagsasalaysay, paglalahad at
pangangatwiran, na tutuon sa malayang pagtuklas sa sariling kakayahan sa pagsulat at
pagsasalitang pagpapahayag ng mag-aaral ukol sa paksang pagkomunidad, pambana, at
pandaigdigan.

Layunin ng modyul na ito module na ito ang sumusunod:

1. Makilala depenisyon ng masining na pagpapahayag, kung bakit ito ginagamit, at kung paano ito
gagamitin
2. Magsisilbing introduksyon sa mas malalim pang talakayan tungkol sa masining na pagpapahayag
3. Masanay ang mga mag-aaral na maging kritikal sa mga pagkakataon ng masining na pagpapahayag sa
paligid.

Napapaligiran tayon ng napakaraming halimbawa ng masining na pagpapahayag?


Sa araw-araw nating pakikisalamuha sa iba, sa simpleng pagcommute o panonood ng TV, tiyak
na nakarinig o nakabasatayong mga halimbawa niyo. Siguradong ikaw mismo ay may nasambit
na ring mga opinyon o ekspresyon na malikhain. Dahil pangkaraniwan ito sa ating buhay madalas
hindi ito napapansin o nasisiyasat.

Pagpapahayag o masining na pagpapahayag?

Ano nga ba ang masining na pagpapahayag? Paano ito naiiba sa karaniwang pagpapahayag?

Si Dr. Venancio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa retorika na ginanap sa


PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod:

 Ayon kay Socrates (300 BC) “Ang retorika ay siyensya o agham ng paghinok o pagpapasang-
ayon.”

 Aristole: “ Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o
magagamit
na mga paraan ng paghimok."
Isa sa pinaka payak na yunit ng komunikasyon ang pagpapahayag. Sa pagpapahayag, may
naipapabatid tayo sa ating kausap. Kung ang layunin ng komunikasyon ay maging malinaw at
madaling maunawaan, sapat ang tahas o direktang pagpapahayag.

Ngunit sa wikang Filipino ay mayaman at dinamiko, may kakayahan itong maging bulaklakin. Dito
pumapasok ang pagpapahayag na malikhain o masining.

Pansinin ang mga halimbawa ng pagpapahayag:


1. Ang ganda mo.

2. Kamukha mo si Paraluma noong tayo ay bata pa.


(Buendia, 1996)

3. Damdamin sa’yo’y litaw


O paruparong ligaw;
Paraluma ko’y ikaw!

(David, 2008)

Kung susuriin ang tatlong pahayag, makikita na iisa ang nais ng mga itong ipabatid: Na kung sino
man ang kausap nila ay may pisikal na kagandahan ito.

Ngunit ang pagkakaiba ng tatlong pahayag ay nasa paraan ng pagkakasabi. Ang una ay direkta o
tahas, walang paligoy-ligoy. Ang ikalawa ay gumamit ng metapora at ikinumpara ang itsura sa
diwatang si Paraluma. Ang ikatlo ay ganoon din, ngunit ipinahayag sa pormang patula.

Sa tatlong pahayag na ito, alin ang mas kaakit-akit? Alin ang mas nanaisin mong masabi sa iyo
/sabihin sa sinisita mo?

Ano ang Retorika?

Marami ng pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang sariling
pananaw, karanasan at lawak ng tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan sa sinikap ng
mga manunulat na ihain sa bahaging ito ang mga baryasyon ng dipinisyon ng retorika.

Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “ rhetor” na kapwa nangangahulugang isang “guro” at “


mananalumpati” o tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na malaking papel ang
ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa pormal na
pananalumpati. Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang
maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.

Ito ay nakatuuon sa pagbibigay ng liwanag sa simbolo o lenggwaheng ginagamit sa likod ng mga


musika, pelikula, radio, pahayagan at telebisyon.

Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon
sa mensaheng ipinapahatid ng mga naturang simbolo. (Kenneth Buke.)

Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng


maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. ( Sebastian, 1967)
Pagsisiwalat ng tao sa kanyang mhga kaalaman paniniwala. Nasasaloob at mithiin sa kanyang
kapwa kinakausap o sa madlang publiko na kanyang kinakaharap sa pamamagitan ng paggamit ng
wika at iba pang representasyon nito ang pagpapahayag o diskurso.

Ayon kay Aristotle, sining ng epektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasa anyong
kumbersasyon. Ito ang pag-aaral ng iba’t-ibang mahuhusay na pamamaraan sa preparasyon at
presentasyon ng mga sasalitain.

Ito ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at


kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.

Gawain 1.1

Panuto: Sagutan at ipaliwanag mula sa sariling pananaw ang bawat katanungan.

1. Ano ang retorika?

2. Ano ang layunin ng pagpapahayag?

3. Saan ito ginagamit at nagagamit?

4. Paano ito nakakatulong sa pag-unlad ng isang tao o nang isang bansa?

5. Bakit kailangan pag-aralan ang retorika o ang masining na pagpapahayag?

Gawain 1.2

Panuto: Magsaliksik at gumawa ng sanaysay tungkol sa mga taong may malaking kaugnayan sa
retorika, tulad ng mga sumusunod:

- Socrates
- Plato
- Arestotle
LESSON 2

Retorika at mga katangian ng masining na pagpapahayag

Ang masining na pagpapahayag ay nakapaloob sa retorika. Ang retorika ay tumutukoy sa sining ng


diskurso o pagtatalumpati- pasalita man o pasulat.

Hindi lamang kalinawan ng mensahe ang binibigyang pansin ng retorika, kundi maski ang ibang
elemento ng wika tulad ng kasiningan ng tunog, kasanayan sa mga salita, pagkakaisa ng mga
metapora at emahe, at iba pa. Sa masining na pagpapahayag.

Bakit pa kailangan ng retorika sa pagpapahayag? Ginagamit ang retorika upang-


- Makuha ang interes ng audience
- Maipamalas ang kahusayan sa wika
- Pukawin ang damdamin ng audience
- Bigyang diin ang gustong sabihin

Mga larangan na ginagamit ng masining na pagpapahayag

Ang retorika ay gumagamit ng mga kawikaan, idioma, simbolo, tayutay sa masining na paraan.
Hindi dapat ito binabasa sa literal na anta. Sa halip, pinababayaan ang tagapakinig na lumipad ang
isip para maaninag ang totoong nais ipabatid ng tagapagsalita. Ito ang kagandahan ng masining na
pagpapahayag-- may aktibong partisipasyon ang tagapakinig.

Sinasabing epektibong paraan din ito ng komunikasyon dahil napupukaw nito ang atensyon ng
tagapakinig, maaaring maka-antig ng damdamin, at nanghihingi ito ng reakyon mula sa taga
pakinig.

Ngunit sa kabilang banda, may potensyal din ang retorika na manlinlang. Dahil nga hindi direkta
o tahas ang pagkakasabi kapag dinadaan sa masining na pagpapahayag, may mga pagkakataon ng
di-pagkakaintindihan, maling interpretasyon ng mga kawikaan, o kaya tahasang panloloko. Dahil
dito, nararapat lang na maging mapagbantay at kritikal sa mga pagkakataong nakaririnig o
nakatutunghay tayo ng retorika.

Gawain 2.1

Panuto: Gumawa ng halimbawa ng isang sanaysay tungkol sa isang pangyayaring may panghihikayat
at kapanipaniwala sa mga tagapakinig o tagabasa nito, gamit ang paraan ng masining na
pagpapahayag sa pasulat.

Saklaw ng retorika; Sining, Pilosopiya, Lipunan, Wika at iba pang larangan


Saklaw ng Sining:

Isang Kooperatibong Sining-- hindi ito maaaring gawin nang nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba
sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng kaganapan at napagbubuklod ang tagapagsalita at
tagapakinig o ang manunulat o mambabasa.

Isang Pantaong Sining-- Wika ang medyum ng retorika pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay
isang eksklusibong pag-aari ng tao at para sa tao.

Isang Temporal na Sining-- Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang gumagamit nito ay
nangungusap sa lengguwahe ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon kaya’t sa bawat pagbabago rin
ang retorika.

Isang May Kabiguang Sining-- Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika, kalimitan sa
tao ay kalimitan lamang ang kaalaman sa wika at kasanayan sa wika. Ang wika ay hindi nananatili
sa isang tuntunin at minsan ay nakakalito at nagiging kabiguan sa larangan ng retorika.

Isang May Kabiguang Sining-- Sa retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman sapagkat habang may
nagsusulat may nagbabasa na nagiging sanhi ng mga kaalaman.

Gawain 2.2

Panuto: Ibigay ang mga sumusunod na mga saklaw ng retorika mula sa pananaliksik.

1. Mga saklaw ng retorika mula sa Pilosopiya;

2. Ng retorika mula sa lipunan;

3. Ng retorika mula sa wika


MODULE 2
LESSON 3

Mga Elemento ng Masining na Pagpapahayag

Sa naunang mudole, natutunan natin ang kahulugan at halaga ng ng masining na pagpapahayag.


Nabigyan tayo ng ideya kung para saan ito ginagamit at kung gaano kadalas natin itong nakakatagpo
araw-araw. Sa module na ito, matutunan naman natin ang iba’t-ibang elemento na nakapaloob sa
masining na pagpapahaya.

layunin ng module na ito ang sumusunod:

1. Matutunan ng mga mag-aaral ang ib’t-ibang enstromento na bumubuo sa retorika


2. Magiging mas madali para sa mga mag-aaral makilala ang mga halimbawa ng masining na pagpapahayag
3. Magiging mas kumportable na ang mga mag-aaral na gumamit ng masining na pagpapahayag sa kanilang
pang-araw-araw na buhay.

Tayutay o Idiomatikong Pagpapahayag

Ang masining na pagpapahayag ay maaaring binubuo ng ilang mga elemento o kawikaan ( turn off
phrase kung sabihin sa Ingles). Ito ay ang mga kasabihan na lubhang makasining at bulaklakin sa
pandinig. Ngunit hindi ito dapat iniintindi sa literal na paraan. Sa halip, kailangan nating basahin ang
mga kawikaan na ito sa mapaglarong kahulugan na nais nitong ipabatid. Tiyak na narinig o nagamit
na ninyo ang mga ilan rito.

Karamihan, kung hindi lahat ng mga masining na kawikaan, ay pumapaloob sa idiomatikong


pahayag. Ito ang mga pahayag na hindi dapat binabasa sa literal na antas. May partikular na
kahulugan ang mga ito na mauunawaan lamang ng likas na tagapagsalita ng partikular na wika, o
kaya ng mag-aaral na matagal ng nakababad sa wikang pinag-aaralan.
.
Nagsisilbing umbrella term ang idiomatikong pahayag dahil marami sa mga talinhaga at tayutay na
ginagamit sa wikang Filipino ang nakapaoob din sa idiomatokong pagpahayag.

Hal. Huwag mong purihin lagi si Jose, baka lumaki ang ulo.

Sa halimbawang ito, tiyak na walang panganib na talagang lumaki ang ulo ni Jose at hindi na siya
mag kasya sa mga pinto. Sa halip, ang kawikaan na “ lumaki ang ulo” ay nangangahulugan ng
paglaki ng tingin sa sarili o pagiging mayabang.
Gawain 3.1

Ang kantang Laging Ikaw ni Jesus Manuel Santiago ay hitik sa mga idiomatikong pahayag.
Pakinggan ito at maglista ng sampung (10) pangungusap na gumagamit ng idiomatikong pahayag.
Ipaliwanag ang mga kahulugan ng mga ito na hindi sa literal na paraan.

Laging Ikaw
Ni Jesus Manuel Santiago

Laging ikaw sa aking puso


Laging ikaw sa aking isip
Dahil ikaw, tanging ikaw ang pag-ibig

Ikaw ang pook ng aking saan


Ikaw ang petsa ng aking kailan
Ikaw ang bilang ng aking ilan
Sa bawat paano, ikaw ang paraan
Sa bawat bakit ikaw ang dahilan

Dahil ikaw, tanging ikaw, laging ikaw ang pag-ibig

Sa ginaw ko, ikaw ang kumot


Sa kati ko, ikaw ang kamot
Sa pilay ko, ikaw ang hilot
Sa bawat sugat, ikaw ang gamot

Ikaw ang idlip sa aking antok


Sa aking hilik, ikaw ang yugyog
Ikaw ang ginhawa sa aking pagod
Ang ligaya sa aking lungkot

Dahil ikaw, tanging ikaw, ang pag-ibig

Ikaw ang talas ng aking purol


Ikaw ang tatas ng aking bulol
Ikaw ang niyog ng puto-bumbong
Sa kare-kare ikaw ang bagoong
Ikaw ang sagot sa bawat bugtong

Dahil ikaw, tanging ikaw, ang pag-ibig

Sa turing ko, ikaw ang tawad


Sa dagdag ko, ikaw ang bawas
Sa kulam ko, ikaw ang tawas
Sa kahinaan ko ikaw ang lakas

Ikaw ang abante ng aking atras


Ikaw ang preno ng aking paspas
Ikaw ang hinahon sa aking dahas
Ikaw ang simula at ikaw ang wakas

Dahil ikaw, tnging ikaw, ang pag-ibig

Ikaw ang larawan sa aking locket


Ikaw ang pera sa aking wallet
Ikaw ang susi sa bawat silid
Ng pag-ibig

Sa isip ko ikaw ang simcard


Ikaw ang charger pag puso’y low-bat
Ikaw ang text, ikaw ang tawag
Ng pagliyag

Dahil ikaw, tanging ikaw, laging ikaw


Lesson 2

Tayutay

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahyag.

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad ( simile)
Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Gumagamit ng
pagtutulad ng mga salitang tulad ng , katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.

Hal.
A. Ikaw ay kagayang ng ibong lumilipad.
B. Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.

2. Pagwawangis ( metaphor)
Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anino, kagaya ng atbp.

Hal.
A.Si Jon ay lumalakad na babae.
B.Malakas na lalaki si Ken.

3. Pagtatao ( personificastion)
Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bahay.

Hal.
A. Ang mga damo ay sumasayaw.
B. Tumatawa ng malakas ang mga puno.

4. Eksaherasyon (hyperbole)
Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari
atbp.

Hal.
A. Ang pagmamahal ko sayo ay singlayo ng buwan.
B. Parang nabiyak ang aking ulo sa kakaisip sa ginawa mo.

5. Paguyam ( sarcasm/irony)
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pang-aasar ito sa tao o bagay.

Hal.
A. Ang sipag mo naman Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong kwarto.
B. Sa kagandahan mo, nakikita ko ang butas-butas at mga tagihawat ng mukha mo.

6. Paglipat-wika
Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.

Hal.
A. Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita ng kanyang emosyon ngayon.
B. Ang ulilang bag na yan ay galing ka Celia.
7. Paglilipat-saklaw ( synedoche)
Pagbanggit ito sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.

Hal.
A. Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila.
B. Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.

8. Pagtawag ( apostrophe)
Ito ay ang pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.

Hal.
A. O pag-ibig, nasaan ka na?
B. Galit, layuan mo ako magpakailan man.

9. Tanong Retorikal ( rheorical question)


Mga tanong ito na hindi nangangailangan ng sagot.

Hal.
A. Kailangan ko bang tanggapin na hindi nya ako mapapansin at mamahalin?
B. Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga sunud-sunod na mga
problema natin?

10. Pagpapalit-tawag ( metonymy)


Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.

Hal.
A. Igalang dapat ang mga maputing buhok.
B. Mas magiting ang panulat kaysa espada.

11. Panramdam ( exclamatory)


Ito ay nag lalarawan sa mga karaniwang damdamin

Hal.
Noon, pagnakikita kita punong-puno ako ng kaligayahan at kilig pero ngayon, sa tuwing nakikita
kita na may ibang kasama, dumilim ang mundo ko at punong-puno ng pighati at kirot.

12. Tambisan (antithesis)


Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad ang mga
salita.

Hal.
A. Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
B. Marami ang tinawag ngunit kaunti ang napili.

13. Paghihimig ( onomatopoeia)


Ito ay pagpapahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

Hal.
A. Maririnig ko ang tiktok ng orasan.
B. Maingay ang aw-aw ng aso kong si Iggy.

14. Pag-uulit ( alliteration)


Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa mahigpit pang salitang
ginagamit sa isang pangungusap.
Hal.
A. Si Sam ay sumasayaw sa silid aralan.
B. Masipag maglaba ang mga magulang ko.

15. Pagtanggi ( litotes)


Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.

Hal.
A. Hindi niyo ako maluluko.
B. Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.

16. Salantunay (paradox)


Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y
di totoo sa biglang basa o dinig.

Hal.
A. Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
B. Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.

17. Pangitain ( vision imagery)


Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita.

Hal.
A. Naisip ko na maging mapayapa ang lahat.
B. Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.

18. Paghahalintulad ( analogy )


Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas.

Hal.
A. Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang isang bubuyog.
B. Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na sumisikat sa umaga.

Gawain 3.2

You might also like