Nakaharap ako sa salamin habang inaayos ko ang aking
kasuotan. Tinitignan kung maganda na ba ang aking porma.
"Ding!" tumunog ang aking cellphone. Bigla kong naalala na may kasintahan nga pala ako. Nakalimutan ko siyang batiin ng goodmorning. Puro tadtad ng kulay asul na parihaba ang aking cellphone. "Sorry, abala kasi ako sa pag-aayos para sa family reunion namin mamaya. Ikaw ba? Anong oras ba ang family reunion niyo?" aking reply sa kaniya. "Mamaya na rin. Nag-aayos na rin ako. Baka hindi kita masyadong ma- chat mamaya dahil ngayon ko lang sila makikita" tugon niya. "Okay lang. Mamaya na ulit. I love you, babe" ang sabi ko sa kaniya. "I love you, too, babe"
Mahal na mahal ko ang aking kasintahan bukod sa mabait
siya ay sobrang maalaga rin niya. Isang buwan pa lang kami magkakilala. Isang linggo lang niya rin ako nilagawan. Bakit ba? Mahal ko na eh! Hindi na dapat patagalin ang panliligaw. Nakarating na kami sa family reunion. Maraming mukha ang hindi pamilyar sa akin sapagkat sa buong buhay ko ngayon ko lang sila nakita. Nakita ko rin ang mga kamag- anak ko na pa minsan-minsan ay aking nakakasama. Gusto ko nang makilala ang iba kong kamag-anak na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. "Ding! Ding!" Kanina pa tumutunog ang aking cellphone. Hinayaan ko na lang baka na-mimiss lang ako ng aking jowa.
"Anak, ito si Tita Jocelyn mo. Ito yung kapatid ko na hindi ko
na nakita simula nang magpakasal sa kaniyang asawa" sabi ng aking ina nang humarang siya sa aking dinadaanan. "Hi po, Tita Jo!" tugon ko. "Ayun pala ang anak ko" sabi ng aking tita habang tinuturo ang isang lalaki na may sampung metrong layo sa amin. "Puntahan mo para makilala mo" Hindi ko siya makita nang maayos sapagkat maraming nakaharang na tao. Habang palapit ako nang palapit, tumunog ulit ang aking cellphone. Magkakasunod na “Ding!” ang aking naririnig. Nakukulitan na ako kaya binuksan ko na ang aking cellphone. Sabi ko na nga ba miss lang ako ng baby ko nang makita ko ang chat head niya. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga katagang "Bakit nandito ka sa family reunion namin?" Nabitawan ko ang aking cellphone at pinulot ito ng aking boyfriend. WORD COUNT: 376