Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ABNKKBSNPLAko?!

Unang araw nang pasukan. Lahat bago ang gamit liban nalang kung pamana pa ito ng
nakakatandang kapatid. Hindi mawawala ang mga pasiklaban ng mga kapwa mong estudyante.
Grade 1, dito ako natutong magbasa , nagsulat , magdrawing, tumula, kumanta at magbilang.
“Mga Unang Hakbang Sa Pagbasa” ay ang immortal na libro ng Abakada. Hindi ko alam kung
ilang henerasyon na ng Pilipino ang napagsilbihan ng nasabing libro. Kaya lang sa paglipas ng
panahon may pagbabago ang alpabetong Filipino na kung dati ay 20 ngayon ay 28 na.
Noong elementarya hindi mawawala ang paboritong subject ng pinoy na halos kalahati
ang sasagot ng “ recess”. Kung paborito lang ang pag uusapan walang tatalo sa uwian. Kultura
na ng mga estudyante ang mamili paglabas ng eskwelahan. Sa Junior Divisoria ang harap nga
mga public elementary.
Tuwing pagsapit ng uwian darating ang sundo namin subalit isang beses ay sumablay at
nakita namin ang naghihintay samin. Isang malakas at galit na galit na ulan. Sa hindi
maipaliwanag na kadahilanan kami ay naglakad palabas ng eskwelahan. May payong ngunit para
lang kaming sumilong sa maliit na mushroom. Sa kalayuan na nilakad namin bumbunan lang
yata namin ang tuyo. Minsang nakita kami ng aming sundo sa ibabaw ng tulay, sermon ang
aking inabot.
Grade 3 sa elementary sikat ang batang madalas utusan at ako ang napili. Hindi maipinta
ang mukha ko nang dumating ang kaklase ko dala ang aking bag. Uwian na! dumating ako sa
bahay nang nakahikbi at galit sa mundo. Nag-backfire ang teacher’s pet theory ko.
Pag batong -bato na sa klase dito mo na ipagdarasal na sana may dumating na bisita. Pero
may bisita man o wala, regular man ang classes o hindi alam ng lahat ang pwedeng gawin tuwing
nababato na sila. Narito ang SOS,Spin-a-Win, Ballpen at Papel, FLAMES, Giyera, Spirit of the
Coin at Ballpen at marami pang pang iba.
Hindi ko alam kung bakit asar na asar ako sa math. Nakaranas ako ng matinding delubyo
noong Grade 6, star section kaya pinili ng isang teacher na nagde-demo. Natawag ang pangalan
ko! Pinitas ko ang orange na pentagon ayun isang math problem na hindi ko kayang sagutan.
Pinagpawisan ako ng malamig at nanuyo ang lalamunan ko. Bumalik lang ang kamalayan ko
nang marinig ko ang boses ng teacher na nagbigay ng sobrang pagsakit sa dignidad ko .“ Okay,
so who would like to help Roberto?”. Na hanggang ngayon hindi ko nakakalimutan ang sagot sa
nabunot kong math problem. 8x7=56!!
Isang araw dumating classmate ko sa bahay namin dala ang sulat galing sa teacher ko.
Pinapapunta ako ng teacher ko sa eskwelahan. Naka complete uniform. Andaming kong kasabay
na estudyante sa daan at may kasamang magulang na bihis na bihis din. Recognition day pala.
May award ako, section na namin ang aakyat sa stage ang nanay ng classmate ko ang nagsabit ng
ribbon sa akin. Natapos ang programa hindi dumating ang nanay ko. Bago pa maubus ang tao sa
school ground dumating ang nanay ko , may nakita syang photographer , nagpakuha kami ng
litrato ,siya nakangiti ako nakapikit.
“My first day in high school”
Ibang iba ang high school kumpara sa elementarya. Iba-iba ang itsura ng mga nasa high
school. Merong saunang tingin mo palang ay alam mo agad na bobo, geek, magaganda na
mukhang model, tambak ng tigidig at mga palangiti na mukhang tatakbo sa Student Council.
Sa elementarya may subject na Good Manners and Right Conduct. Sa High School may
Social Regulations and Rules of Conduct.
Kasama ko noon si “Ulo” kung tawagin ng iba naming kaklase dahil medyo pandak at
may kalakihan ang ulo. Sabay lagi kaming umuuwi. Isang beses naisip naming dumaan sa
department store pero sa kasamaang palad bumagsak yung laruang truck sa likuran namin.
Dinala kami ng manager sa basement. Doon alam ko isa lang ang nasa isip ko sa mga nakakita sa
amin, shoplifter.
Tahimik lang ako, habang sila Ulo at ang manager ay nagkasundo. Babayaran ang
nasirang truck. Pero dahil wala kaming pera pinuntahan namin ang ang adviser namin at
ipinagtanggol kami. Nagkabayaran at natapos din ang lahat. Tapos na sana ang sakuna kaso
pumutok din ang balita sa eskwelahan ,inilahad ng adviser namin sa buong kalse ang nagyari
saamin ni Ulo na may Pamagat na “ huwag tularan”.
Matindi ang high school, hari ng asaran. Hindi maiiwasan ang bansagan at pag papares
ng dalawang tao.
Minsan naring mawala ang pagka-japorms ng section namin. Kahiya-hiyang nagpulot ng
notebook na inihagis ng aming guro sa Filipino mula bintana ng third floor. Magaling ang
teacher ko pag dating ng history at literature. Isang speaker at philosopher. Papaikut-ikutin ka sa
discussion pero hindi ko alam bakit ko naisipan syang barahin minsan. Pero magaling ang
pilosopong guro kaya nyang paikut ikutin ang buong klase. Ganito kami buong taon. Pero
nagkasawaan rin hindi na nya binabalahura ang klase namin.
Maganda ang mga project kong parol noong Grade 6 at first year high dahil sa nanay ko.
Kaya binalak kung sumali sa lantern-making contest noong second year. Balak kung ipakita ang
“mundo na nababalot ng pagmamahalan kung kapaskuhan” kaya lang hating gabi na hindi paring
mukhang parol ang project ko. Sinabi ng nanay ko na bumili na lang ako ng parol sa palengke
kinabukasan at iyon ang ipasa sa eskwelahan. Maraming namangha sa dala kung parol. Tinanung
ng aking guro kung magkano? 35 pesos po maam. Anong nangyari sa gawa kung parol ayun
hindi ko pinasa.
Isa sa naging requirement sa practical arts ay ang pagluluto noong first year.
Napagkasunduang menudo ang lulutuin. At naulit ulit sa second year. Ilang ulit kaming tinanong
ng teacher ko kung tapos na ang ‘afritada’ namin. napakunot na ang noo pero tulad ng dati
tumango lang ang guro. Parepareho kami ng mga ka grupo ko na simpling ulam lang ang kayang
lutuin. Nang maluto ang ulam ay nagsalo-salo kami maya-maya may dumating na teacher at
tinanong kung anong putahe ang aming niluto . Sabay- sabay na sumagot ang ka-group ko at
mga teacher, isang beses lng kami nang luto pero dalawang putahe ang nagawa namin.
Sila Tigang, Waway , Mcdo, Bungo, Guchiria, at Baby Tsina ang alias ng mga high
school teachers namin . Na-hold ako sa discipline committee dahil nahuli ako ng first period
teacher na nagtatago sa gym habang iniiwasan namin ang discipline committee at CAT officers
dahil late kami sa flag ceremony.
Kanya-kanyang gimik noong graduation.
Naghanap ako ng papasukang kolehiyo sa maynila. Ilang university narin ang napuntahan
sa awa ng diyos nakapasa parin at sa wakas college na ako!
Noong seventeenth birthday ko una akong nakatikim ng mabigat na reaction. Dahil sa
heavy traffic na late ako sa first period at hindi pinayagan ng instructor ng economics para
kumuha ng prelims. Nag apply ako for special exam at isasabay nyaako sa ibang section. Pero
pag dating sa dean’s office hindi daw valid ang rason ko. Hindi ko alam kung bakit ako nag
pauto sa instructor ko. Aminado akong kasalanan ko ang nangyari sa araw nayun.
First year, first semester . first time . Bagsak ako sa general science 101. Disente pa rin
naman ang score ko sa mga quiz at exam . Kaya lang hindi maiwasang maglaro sa 75 ang grades
ko dahil sa mga missed quiz, missed recitation, missed project, missed exam. Nagkasakit ako
pagdating ng finals isang lingo ang finals, isang lingo rin akong absent. Mas madali pang umulit
ng subject kesa mag-hunt ng instructor at mag-compile ng requirement.
Nagsummer class ako, isang hakbang yun sa pagbangon. Binalikan ang back subject at
kumuha ng advanced subject. Tagumpay naging isang magandang karanasan sakin ang summer.
Kaso sa second year bumalik sa eskwelahan. Bumabalik din ako sa dati kong pagkatao.
Unti-unti nang bumibigay ang interes sa pagaaral. Magulo na ang schedule ko. Kailangang ko
nang humiwalay sa barkada at mag-free section.
Dati uma-absent ako kung kailan ko gusto ngayon pumapasok nalang kung kailan gusto.
Second year, second sem. Secong life. Patay na siguro ang college ko kung hindi ako
inenroll ng utol ko . Suko na kasi ako. Sa pag-aakalang babalik ang dati kung interes sa pag aaral
, nagsummer class na naman ako.
Pagdating ng pasukan, balik pasok din ako sa eskuwela kahit hindi enroll . umaalis ng
bahay at pinapatay ang oras sa pagikot-ikot ng manila.
Habang nagsasalo sa hapunan ang pamilya at ilang bisita nagkaroon ng gulo sa bahay. Gawa ko
pero hindi ko sinasadiya pero nagawa ko dahil gusto ko rin malaman nila na meron pa ‘kong mas
malalang kapalpakan. Isinulat ko sa lahat ng gusto kung sabihin. Sinabi ko ang problema ko sa
eskuwelahan, sinabi ko ang simpleng pangarap, takot, tuwa, galit, lungkot, at panghihinayang.
Nag kasabaysabay kasi sa problema ng pamilya noon. Nawalan ng interest sa pag-aaral,nalito,
napagod. Nawalan ako ng tiyaga ng pag-asa ng pangarap at ng minamahal. Naisulat ko ang lahat
ng hindi ko kayang sabihin.

Natapos narin ang unos pero iba na ang tingin ko sa mundo. Nakadalawang taon ako sa
college isang semester sa ipang college at muling tumatakbo para sa two-year course sa isa na
namang eskuwelahan. Sa kabila ng paglunok ko ng pride, pag-amin sa pagkatalo at pagtanggap
sa katotohanang “vocational lang” ang binagsak ko. Kinakailangan kong kumbinsihin ang sarili
ko na hindi na ko ulit magluloko. Itinali ko ang isipan ko sa isang pangarap na magbibigay sakin
ng pag-asa.
Nakapagtapos din ako ng pagaaral.
Naging teacher ako sa isang eskwelahan. Natuto akong humarap sa lahat ng uri ng tao.
Unang araw ng pagtuturo. Nung high school, madalas akong late sa flag ceremony, lagi akong
humahabol sa pila, minsan nag-cutting pa para matakasan ang mga bantay na CAT officers
ngayon eto balik na naman ako ng high school bilang teacher. Sa pagiging high school teacher
isa lang ang masasabi ko “it’s a different world at the teacher’s table” mahirap iwasan ang
favouritism. Ang mga matatalino,masisipag , mga sipsip, at mga teacher pet na isinusumpa ko
noong estudyante pa ko, ay mga angel na nagpapadali ng trabaho ko ngayon bilang teacher.
Sa mata ng guro may isang dosenang klase lang ng high school students :
Clowns,Greeks, Hollow man, Spice girl, Da gwapings, Celebrities, Guinness, Leathergoods,
Weirdos , mga anak ni Rizal, Bob ong at Commoners.
Noon ko lang din naranasan matulog sa jeep sa sobrang pagod,matulog at gumising ng
maaga araw-araw. Mahirap pala talagang maging teacher. Problema ang lesson plan. Ikaw ang
nagsisilbing magulang. Ang problema ng bawat estudyante, problema mo.
Palagay ko ang pagtuturo na ang pinakasagradong trabaho sa mundo.
“A teacher affects eternity.” sabi ni Henry Adams. “No one can tell where his influence
stops.”
Paano kaya kung naging guro mo rin ang nagingguro ng labindalawang disipulo sa bible?
A teacher affects eternity. Naging mag-aaral ni Socrates si Plato. Tinuruan ni Plato si
Aristotle. Naging mag-aaral naman ni Aristotle si Alexander the Great.
Natapos rin ang pagiging substitute teacher ko makalipas ang dalawang lingo at tuluyang
iniwan ang pagtuturo pagkalipas ng tatlong taon. Hindi ako ipinanganak para maging guro.
Matagal ko nang balak bumalik sa eskuwelahan ko ng high school.Pero ng isang beses
akong napadaan dito, hindi na nagpipigil na pumasok ang mga paa ko papasok ng gate. Dahil
hindi ko parin nakukuha ang aking diploma , naisip kung gawing dahilan ito para ako ay
makapasok .
Habang tinatahak ko ang papuntang high school building, bumibilis ang tibok ng puso
ko. Naalala ko kung paano ko lakarin ang daan pasan ang mabigat na backpack na naghahabol
ng flag ceremony at ang mga barkada ko nung 2 nd year nang madaanan ko ang canteen “baon
gang” kung tawagin kami.
Inikot ko ang buong building, habang iniikot ng buog building ang isipan ko. Pumunta
ako sa lobby para kunin ang diploma. Tuwang-tuwa ang registrar, ikinuwento ang lahat ng
nagnyari sa eskuwelahan simula nang umalis ang batch namin.
Halong saya at lungkot ang baon ko pauwi dahil nakuha ko na ang diploma posibleng
yun na ang huling dalaw ko sa lugar na kumupkop sa mapangarap kong kabataan.
Nakabalik ako sa lugar pero di ko na naibalik ang panahon.

Goodbye and thank you.

Maraming bagay ang naituturo ng mga teacher sa estudyante nang hindi sinasadya.
Maraming bagay ang natututunan ng mga estudyante sa teacher nang hindi nila alam.

You might also like