Professional Documents
Culture Documents
Daluyong Buod
Daluyong Buod
Daluyong Buod
PADRE AMANDO- nagpanukala upang mawala ang tenancy system. Tumulong kay Lino at sa anak
nito.
DON TITO- isa sa mga gahamang asyendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system
BUOD
Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong
kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na
siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na
loob sa mga taong tumulong sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na
anyong siya ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang huli ay
may pagtingin sa kanya.
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na nililigawan ni Bidong. Ayaw ng
mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang kaibigan
si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin siyang
katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito.
Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre
Amando.
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti
naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin ang
nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre Amando sa
kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Ang bagay na ito ay lubos na
nakaligalig kay Don Tito.
Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing maging
handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang nakuhang salapi
ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay niya
si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at
naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat
mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang
si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na tumakas sa asyenda ni
Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa
simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At Kanilang
nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Kanilang tinugis ang mga ito.
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na lumisan na lamang.
Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita.
Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil ditto,
hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino.
PAGSUSURI
ISTRUKTURA
TEORYA
REALISMO
pinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at pahlalarawan ng mga bagay, tao at lipunan.
Halimbawa ay ang paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.
KLASISMO
sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa damdamin ng kanyang pinasyang iwasan
si Ms. Sachez dahil sa naisip niyang alangan siya dito.
SIMBOLISMO
Gumamit ang may akda ng mga simbolismo tulad ng daluyong o malaking alon para magbigay
katanungan sa mambabasa kung paano magkakaugnay ang isang daluyong na ginamit bilang pamagat ng
nobela sa kwento ng nobela
Pinapakita ng isang daluyong ang isang patuloy na pag agos ng alon sa buhay ng isang tao. Hindi
kailanman humihinto o tumitigil ang pag alon nito, minsa’y mapanganib minsa’y hindi, minsa’y mahina
at minsa’y napakalakas
TAYUTAY
PAGTUTULAD/SIMILI
“Ang kanyang mga ngiti ay tulad ng isang makinang na bituin sa isang malalim na gabi”
-Lino-
“Animo’y bulkang pumutok sa galit si Lino ng kanyang nalaman ang pagpatay sa kanyang matalik na
kaibigan na si Bidong ng siya’y tumakas sa asyenda ni Don Tito”
-Padre Amando-
PAGWAWANGIS/METAPOR
-Didang-
“Ang mga payo ni Padre Amando ay siyang tulay sa aking maliwanag na isipan”
-Lino-
PERSONIPIKESYON
-Bidong-
PAGMAMALABIS
-Aling Barang-
IDYOMA
namanhid ang buong katawan ni Lino sa nalamang niya sa kanyang matalik na kaibigan
Dadaan ka sa butas ng karayom kung patuloy mo siyang mamahalin
Hindi malikot ang kamay ko! Ginamit ko ang ninakawa ko para sa mga mahihirap
MGA BISA
BISA SA ISIP:
Maraming bagay ang naging bago sa aking isipan o mga nalalaman ko na ngunit hindi ko pa
maintindihan. Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga
mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na
tao. Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung
ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang
asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito Hindi tamang sabihin o gawin na para
makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan
ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.
BISA SA DAMDAMIN
ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay halu-halong damdamin mula sa umpisa
ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa mga tauhang nagsiganap sa nobelang ito. Paghanga kay
Padre Amando sa kanyang pinakitang kabaitang loob na pagtulong sa mga magsasaka, pagkainis kay Lino
sa kanyang pagpili ng kanyang isipan kaysa sa kanyang nadaramang pagmamahal kay Ms. Sachez,
pagkagalit kay Don Tito dahil sa pagkagahaman nito at kasamaang loob nito at malungkot sa nangyaring
pagmamahal ni Ms. Sachez kay Lino.
BISA SA KAASALAN
tunay ngang ang nobelang ito ay may magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa at
naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na nais
ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga problema
na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan. Ang
problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-
pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan.
KONGKLUSYON
Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman, ito ay
dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao
Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung
ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang
asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito
Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo
ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para
lamang pagbigyan si Koronel Roda.
REAKSYON
Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang mga kuwento
niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang tagpo nang sa gayo’y
ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin ng mga mambabasa at ito
rin ang nagustuhan ko sa nobela.
Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao.
Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at
ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.
Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga
problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito lulusutan.
Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng tao ay
pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan.
Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. “Walang lihim na hindi nabubunyag.”
“Habang may Buhay ay may Pag-asa”.