Teorya NG Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Courseware 4/4/20, 12:14 AM

Go to Dashboard

Pagbasa: Mga Teorya at Pag-aaral Sa Paglinang ng Kasanayan Sa Mga


Gurong Nagtuturo ng Panitikan

Module 1 : Bal…
Balik-tanaw sa mga Teorya sa Pagbabasa
Module 2 : Kali…
Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pag-unawa sa proseso ng pagbabasa. Mapag-
Module 3 : Pro… aaralan sa modyul na ito ang mga teorya sa pagbabasa. Ang mga teoryang ito ang
magbibigay-linaw at paliwanag kung paano nagsisimulang magbasa ang isang indibidwal.
Module 4 : Me…

Mga Teorya at Praktika sa Pagbabasa

1. Teoryang Bottom-up

Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa teksto patungo sa mambabasa na kung saan


ang teksto ay ang “bottom” at ang mambabasa ay ang “up”.

Ayon sa teoryang bottom-up, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo upang maibigay ang kaakibat nitong tunog. Ang pagkatuto ng
pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik o letra hanggang sa salita,
parirala, o pangungusap patungo sa talata ng buong teksto bago pa man ang
pagpapakahulugan ng teksto.

2. Teoryang Top Down

https://courseware.vsmart.ph/v2/course-player/29/section/320 Page 1 of 5
Courseware 4/4/20, 12:14 AM

Ang pang-unawa sa binabasang akda ang nagbibigay-diin sa teoryang ito. Ang mambabasa
ay nagtataglay ng dating kaalaman (prior knowledge) at nagsisimula sa iniisip ng
mambabasa (top) ang pagkaunawa patungo sa tekstong babasahin (down). Sinasabi sa
teoryang ito na nagagawang makipagtalastasan sa may-akda ang mambabasa sa
pamamagitan ng tekstong nasa akda, at nagiging aktibong tagabasa dahil sa paggamit niya
ng dating kaalaman habang nagbabasa.

Ang teoryang top down ay nagsisimula sa kaisipan ng mambabasa (top) patungo sa teksto
(down) sapagkat ang dating kaalaman (prior knowledge) ang nagpapasimula ng pagkilala
sa teksto.

Habang nagbabasa ang isang indibidwal, ito ay nakikipag-usap sa may akda sa


pamamagitan ng teksto kung kaya masasabing ang tagabasa ay isang aktibong indibidwal
sapagkat gamit niya ang dating kaalaman.

Taglay ng prosesong ito ang tatlong mahahalagang uri ng impormasyon:

1. Impormasyong Semantiko → Pagpapakahulugan sa Salita → Pagpapakahulugan sa


pangungusap

2. Impormasyong Sintaktiko → Pagkakaayos sa wika → pagkakaayos sa istruktura ng wika

3. Impormasyong Grapo – Ponetiko → Pag-uugnayan ng letra at tunog → Pagbaybay ng


salita

Paghahambing ng Modelong Top Down at Modelong Bottom-up

Upang maunawaan ang pagkakaiba ng Modelong Top Down sa Modelong Bottom Up, suriin
ang ginawang paghahambing ni Grove (1983).

https://courseware.vsmart.ph/v2/course-player/29/section/320 Page 2 of 5
Courseware 4/4/20, 12:14 AM

3. Teoryang Interaktibo

Ang teoryang ito ay kombinasyon ng teoryang bottom-up at top down. Ang teksto ang
kumakatawan sa wika at kaisipan. Ang interaksyon ay may dalawang direksyon (bi-
directional) kung saan nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-
awtor.

Ginagamit ng mambabasa ang kaniyang kaalaman sa wika at kaisipan ng awtor at pag-


unawa nito at ginagamit ng mambabasa ang kaniyang kaalaman sa wika at sariling
kaisipan. Mahalaga ang metakognisyon sa teoryang ito. Ang metakognisyon ay tungkol sa
kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.

Ang Modelong Interactive-compensatory (Stanovich,1980)

Ang pagbasa ayon kay Stanovich ay kinasasangkutan ng maraming bilang ng interaksiyon


sa teksto. Dahil dito, mahalagang mahanap ng mambabasa ang kaniyang kakayahan sa
pagproseso ng teksto. Kung komprehensyon ang tunguhin ng mahusay bumasa, sa mga

https://courseware.vsmart.ph/v2/course-player/29/section/320 Page 3 of 5
Courseware 4/4/20, 12:14 AM

hindi mahusay bumasa ay mahalagang malinang muna ang kaniyang kakayahan sa


pagkilala ng mga salita.

Dahil nakita ni Stanovich ang kahinaan sa pagdedetalye ng modelo sa proseso ng pagbasa


ni Goodman, gumamit si Stanovich ng pinagsamang top down at bottom up upang
mapalawak ang aspeto ng pagbasa. Sa modelong ito, ginagamit ng mambabasa ang (1)
pamilyariti sa paksa, (2) ang dating karanasan sa materyal na nakasulat/nababasa, (3)
kaalaman sa pagbasa at (4) inaasahan sa pagbibigay-kahulugan sa isasagawang
paghinuha o prediksiyon.

Ang Modelong Interactive-Theoretical (Anderson and Pearson, 1984)

Ang modelong ito ay nagpapakita na ang pagbasa ay kombinasyon ng dalawang uri ng


pagproseso – ang prosesong top down na nakabatay sa mambabasa at ang bottom up na
nakabatay sa teksto.

Ang Modelong Interactive-Activation (McClelland at Romelhart, 1981)

Ang modelong ito ay naglalarawan kung paanong ang pananaw ng mag-aaral ay


naiimpluwensyahan ng mga impormasyong leksikal, ortograpikal, semantikal at sintaktikal.

1. 4. Teoryang Iskima

Ang dating kaalaman (schema) ng mambabasa ay may mahalagang tungkuling


ginagampanan sa pagbabasa ng teksto. Ayon sa teoryang ito, lahat ng impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dating kaalaman.

Bago pa man basahin ng mambabasa ang teksto ay may taglay na itong ideya ukol sa
nilalaman ng teksto mula sa dating kaalaman. Maaaring binabasa na lamang ng isang
mambabasa ang teksto upang mapatunayan o mapangatuwiranan ang mga ideya na
nalalaman niya tungkol sa teksto kung ito ba ay tama o kinakailangang baguhin.

https://courseware.vsmart.ph/v2/course-player/29/section/320 Page 4 of 5
Courseware 4/4/20, 12:14 AM

Resources
References_Module
1.pdf

Mark As Complete Next

https://courseware.vsmart.ph/v2/course-player/29/section/320 Page 5 of 5

You might also like