Mangyan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mangyan, Mga Iyan.

Tula ni Angelica P. Mirabete, II-A2

“Mangyan! Mangyan! Mangyan!”

Sigaw ng mga iyan.

Bumababa na naman

Ang mga taga-bundok sa bayan.

Lakad dito, lakad doon

Saan ang tungo ng pilang

Sa daan ay sunod-sunod

Walang hihiwalay, nauuna si Itay

Bunsoy bilisan mo

Aabutin na naman tayo

Ng ulang tila bagyo

Saglit lang Inay, nahulog ang barya ko.

Mama, para! Manong, pasakay!

Boss!, sa Poblasyon lang.

Kay dami nilang kulay

Ngunit, miski isa’y walang magpasakay.

Ambango, antamis, ansarap

Paglinga ko’y si ateng nagpupulbos

Biglang tumigil isang dyip na kakaiba ang tunog


Brup, Brup, Brup!

Basa na ang mga walis

Sa bubong, si Itay nakasabit

Sa loob, lahat nakatakip ang ilong

Bunsoy, ika’y umayos nang kalong

“Kulang ng limampiso,” bulyaw ng konduktor

“Itay, ito po,” ngiwit na sabi ko.

“Tabi, tabi!” sigaw ng kargador

“Te, anong hanap, tsinelas?” ani ng tinderang nakataas ang kilay

“Mang Kulas, sisenta ang isa.”

Pagbebenta ni Itay kay Tandang Mandurugas

“Anong kamahal naman niyan!

Singkwenta na laang.”

Patawad anak, kung kami”y mapagpatawad

Halika na’t tayo’y lilibot

Sa ating bayang mukhang nakalimot

Sa mga katutubo’y iwas at takot.

Angara, anlalaki, ang gaganda

Sa harapa’y may mga duwendeng suot ay pula

Ngunit, sila’y magkakamukha, iba’t ibang hugis

Pasan- pasan, mga sakong walis din kaya ang laman.


Tao po! Tao po!

“Tawad, disperas pa lang!”

Tao po! Tao po!

Namamasko po!

You might also like