Kingdom Quest Script Day2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DAY 2

QUEST 2
(Ang pagsisikap para sa Katapangan)

Narrator : Ang kuwentong ito ay galing sa Biblia. Mababasa ito sa Daniel 6.


Noong unang panahon, sa kaharian ng Babilonia, may isang lalaking ang pangalan ay Daniel. Galing siya sa
kaharian ng Juda; dinala siya sa Babilonia bilang bihag. Naglingkod siya sa palasyo ng hari ng Babilonia at hindi
nagtagal, naging isang mataas na opisyal ng palasyo.
Sa panahon n gating kuwento, ang Babilonia ay pinamumunuan ng hari ng Media na ang pangalan ay Dario.
Nagtalaga si Haring Dario ng 120 gobernador na namumuno sa buong kaharian at tatlong tagapamahala sa mga
gobernador. Isa si Daniel sa mga tagapamahalang ito.
Naging isang magaling na tagapamahala si Daniel dahil marami siyang mahuhusay na katangian. Nasiyahan ang
hari kay Daniel kaya binalak nitong gawin siyang tagapamahala sa nuong kaharian! Nainggit ang ibang mga
tagapamahala at gobernador ng malaman ito. Kaya humanap sila ng maibibintang kay Daniel pero wala silang
nakita! Mapagkakatiwalaan kasi si Daniel. Hindi siya nangungurakot at hindi rn siya nagpapabaya sa kanyang mga
tungkulin. Masunurin siya sa batas at magalang sa hari.
Hanggang ganito ang usap-usapan ng mga naiinggit na opisyal….

Mga Opisyal : Wala tayong maibibintang sa Daniel na iyan maliban na lang kung pipilitin natin siyang lumabag sa
kautusan ng kanyang Diyos.

Narrator : Kaya bumuo sila ng masamang plano para mabitag si Daniel. Nagkaisa silang humarap sa hari.

Mga Opisyal : Mabuhay ang Haring Dario!! Kami pong mga tagapamahala ng kaharian, mga gobernador, katulong
ng gobernador at mga tagapayo ay nagkakaisa ng palagay. Mabuti po’y ipag-utos ninyo na sa loob ng tatlumpung
araw ay walang sasamba o mananalangin sa ibang diyos o tao liban sa inyo. Sinumang hindi sumunod sa utos na
ito ay ihahagis sa kulungan ng mga leon. Kaya, mahal na hari, magpalabas po kayo ng gayong kautusan at inyong
lagdaan upang maging batas ng Media at Persia, batas na di mababago kailanman.

You might also like