Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 2/Division of Cagayan
SANCHEZ MIRA SCHOOL OF ARTS AND TRADES

PAUNANG PAGSUSULIT
Filipino sa Piling Larang
PANGALAN: __________________________________ PETSA: _____________ SEKSYON: ___________ ISKOR:__________
A. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Bawal Magbura (malay mo yung inaakala mong mali, yun pala ang tama)
1. Ito ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
a. Wika c. Kultura
b. Pananaliksik d. Filipino
2. Ayon kay Gleason, ang wika ay ______ upang maging mabisa ang paggamit nito.
a. Pinipili c. Isinasaayos
b. Pinipili o isinasaayos d. Pinipili at isinasaayos
3. Upang manatiling buhay ang isang wika, kinakailangang ito’y patuloy na ___________.
a. Sinasaliksik c. Isinasaaklat
b. Ginagamit d. Itinuturo
4. Ang pagkakaiba-iba ng katangian ng mga wika ay bunga ng pagkakaiba-iba ng _________ ng mga bansa at
pangkat.
a. Panitikan c. Kultura
b. Lahi d. Edukasyon
5. Ang wika ay hindi nangangailangan mahalaga.
a. Tama c. Pwede
b. Mali d. Lahat ng nabanggit
6. Pag-iinterpret ng mga simbolismo ng isang tula.
a. Pag-iimbak ng Kaalaman c. Instrumento ng Komunikasyon
b. Lumilinang ng Malikhaing Kaisipan d. Bumibigkis ng isang lipunan
7. Pagtuturo ng guro ng mga aralin sa klase
a. Pag-iimbak ng Kaalaman c. Instrumento ng Komunikasyon
b. Lumilinang ng Malikhaing Kaisipan d. Bumibigkis ng isang lipunan
8. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa pormalidad,bigkas at iba pa
a. Register ng Wika c.Anyo ng Wika
b. Varayti ng Wika d.Lahat ng nabanggit
9. Ang mga sumusunod ay varayti ng wika maliban sa isa:
a. Sosyolek c.Ezolek
b. Pidgin d.Jargon
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa sariling wika?
a. Paggamit ng opisyal na wika sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan
b. Pagpapaunlad sa iba’t ibang Panitikan sa Pilipinas
c. Pagbibigay galang sa mga ating pambansang bayani
d. Patuloy na pagtangkilik sa sariling kultura’t tradisyon
11-14 Tukuyin kung anong katangian ng wika ang mga sumusunod.
a. May Sistema b. arbitraryo c. Dinamiko d. Ginagamit e. nakabatay sa kultura
11. Ang pahayag na “Excuse me po” ay mas karaniwan nang naririnig na ginagamit ngayon kaysa “Makikiraan po”
12. Sa Filipino, ang horse na salitang Ingles ay kabayo at sa Ruso ay loshad.
13. Ang –um- ay puwedeng ikabit sa takbo at sayaw pero hindi puwede sa bulaklak at piso
14. Bawat wika ay may sariling istruktura: Ponema-Morpema-Sintaksis
15. Ito ay tawag sa barayti ng wika na naayon sa social relationship.
a. Idyolek c. Dayalek
b. Sosyolek d. Jargon
16. Maayos na pinagsama-sama ang mga tunog upang makabuo ng iba pang tunog.
a. Arbitraryo c. Nakabatay sa kultura
b. Simbolikong tunog d. Dinamiko
17. Ayon kay _______ tinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan at kaalaman.
a. Henry Gleason c.Thomas Caryle
b. Pamela Constantino d. Archibald Hill
18. Ang salitang toyo na nangangahulugang may problema sa pag-iisip ay isang halimbawa ng __________.
a. Panghihiram sa mga salitang katutubo c. Pagpapalit ng wika
b. Pagbibigay ng bagong kahulugan d. Pagbabaligtad
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng wika?
a. Pagpapalaganap ng kultura c. Pagpapaunlad ng ekonomiya
b. Humahasa ng malikhaing isipan d. wala sa nabanggit
20. Lahat ay katangian ng wika maliban sa isa.
a. Ang wika ay buhay c. Ang wika ay masistema
b. Ang wika ay di-nagbabago d. Ang wika ay arbitraryo
21. Ang __________ ay umusbong na bagong wika na hindi pag-aari ninuman.
a. Pidgin c. Etnolek
b. Creole d. Ekolek
22. Ito ay personal na paggamit ng wika gaya ng kakanyahan ng tagapagsalita na gumagamit ng isang wika.
a. Idyolek c.Speech Community
b. Dayalek d.Register
23. Midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pagsalita o pagsulat.
a. Estilo c.Dayalek
b. Mode d.Idyolek
24. Ang mga sumusunod ay bahagi ng manwal maliban sa isa:
a. Talaan ng Nilalaman c.Apendise
b. Panimula d.Tema
25. Tumatalakay sa katawan ng manwal. Dito makikita ang mahahalagang ideya hinggil sa paksa
a. Talaan ng Nilalaman c. Katawan
b. Panimula d. Pamitagang Pangwakas
26. Ito ay kilala bilang instruction manual o owners manual.
a. Employees Manual c. Instructional Materials
b. User Manual d. Lahat ng nabanggit
27. Maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na resulta kapalit ang particular na presyo.
a. Areglo c.Backer
b. Ayos d.Lagay
28. Pagsasaayos sa isang usapan o transaksyon,particular sa pagkuha ng permit o lisensya.
a. Barya-Barya c.Lagay
b. Kumisyon d.Lakad
29. Ilegal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mang-impluwensya sa mapipiling bigyan ng
isang kotrata o transaksyon.
a. Pangingikil c.State Capture
b. Kickbacks d.Panunuhol
30. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pangingikil na paraan ng korupsyon maliban sa isa:
a. Pananakot c.Pagbabanta
b. Paninira d.Pang-aaliw
31. Kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm ng kumpanya upang hindi na nila mapansin ang
ilang iregularidad.
a. Pautang c.Audits
b. Pagbibigay Promosyon d.Pag-eempleyo
32. Alin sa mga sumsunod ang kabilang sa liham pangnegosyo?
a. Paghahanap ng Trabaho c.Pagtugon sa mga sagot
b. Paghingi ng Impormasyon d.Paglakap ng Pondo
33. Ang mga sumusunod ay bahagi ng liham pangnegosyo maliban sa isa:
a. Pamuhatan c.Bating Pangwakas
b. Patunguhan d.Pamitagang Pangwakas
34. Paggamit ng “Mahal na”, G, Gng, Bb. At iba pa.
a. Pamuhatan c. Bating Pambungad
b. Patunguhan d. Pamitagang Pangwakas
35. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan sa pagbuo ng katawan ng liham?
a. Maging magalang c.gumamit ng ikalawang panauhan
b. Iwasan ang paggamit ng po at opo d.magmungkahi ng negatibong pahayag
B. BARAYTI NG WIKA
Panuto: Tukuyin kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod na pahayag at kahulugan. (Nariyan ang sagot sa
ibaba. Huwag ka nang tumingin sa iba kung alam mong nandiyan na)

a. Dayalek e. Idyolek
b. Jargon f. Sosyolek
c. Argot g. Etnolek
d.
36. Uy pre! Arat dun sa tabi ng tsekot. Polyglot h. Pidgin
37. Si Jose Rizal ay nakapagsasalita ng dalawampu’t tatlong wika.
38. Intayu agbuya ti agsalsala jay banger.
39. Excuse me po mga kapuso! Ni Mike Enriquez
40. Objection your honor sa korte.
41. Barayti ng wika na nag-iiba sa heograpikal na aspeto.
42. Pinakamababanag uri ng wika.
43. Tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language.
44. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
45. Indibidwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.Piliin ang titik ng tamang sagot. (Piliin ang tama, minsan ka nang nagkamali
kaya huwag nang ulitin)

1. Nang sumunod na araw, si Joseph ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa


pamamagitan ng paglatigo sa kanyang katawan. 2. Matindi ang sakit ng bawat latay ng
latigo na umuukit sa kaniyang katawan. 3. Iniisip niya ang dahilan ng kanyang
pagdurusa. 4. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na
kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na
nadarama ng kanyang katawan ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat
panghahamak sa kanya ng mga taong naroroon.
46. Ano ang pinakitang kalagayang panlipunan sa unang pangungusap.

a. Nakatatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.


b. Lantad at matindi ang parusang ipinataw sa mga nagkasala.
c. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.
d. Katanggap-tanggap ang parusang natanggap ng mga nagkasala.
47. Ano ang katangiang ipinakita ng tauhan sa binasa?
a. Malakas b. mahina ang loob c. mayabang d. duwag
48. Ano ang damdaming nangibabaw sa teksto?
a. Panghihinayang b. malungkot c. pagkasawi d. pagmamahal sa bayan
49. Malimit sa pagmamasid ang ginawa ___ sa babaeng katulong.
a. Niya b. nito c. sila d. siya
50. Ang pagmamahal sa bayan ang ugat ng ____pagkamatay.
a. Siya b. kaniyang c. niya d. upang

You might also like