Script Huhu

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang umaga po. Ako si Ellaine Ilao, labing siyam na taong gulang.

Estudyante na nagmula sa
paaralang De La Salle University-Dasmarinas.

Pag-usapan natin ang isa sa mga kapansin- pansing problema hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na
rin sa ibang bansa.

Ito ay ang hindi pantay na pagtingin o maaari nating sabihing, hindi patas na pagtrato sa atin ng iba.

Isa sa mga natalakay sa klase ay ang iba’t ibang anyo ng paunang husga. Ito ay ang institusyonal na
kapootang-panlahi, diskriminasyon, klasismo at iba pa.

Sa panahon ngayon, hindi maipagkakaila na laganap pa rin ang mga ito, lalo na sa mga taong hindi
gaanong makaangat sa buhay dulot ng kahirapan.

Ang isa sa halimbawa ng paunang husga na laganap sa ating bansa ay ang institusyonal na kapootang
panlahi na kung saan, nararanasan ng ilan sa atin ang hindi patas na pagtingin ng ibang tao sa isang
lipunan.

Ang isa pang halimbawa ay ang klasismo na kung saan naman ay ang pagtingin sa antas ng pamumuhay
ng isang tao.

Katulad na lamang ng nangyayari ngayon,

Kung mapapansin natin, kadalasan, ang mga mayaman ay patuloy na yumayaman at ang mahirap ay
nananatiling mahirap. Bakit? Dahil karamihan sa atin ay minamaliit ang kakayahan ng mga mahihirap at
mas binibigyang halaga ang mayayaman lalong lalo na pag dating sa pagtanggap ng mga aplikante sa
trabaho.

Ang isa pa ay ang hindi patas na pagbibigay ng serbisyo gaya ng mas inuuna ang taong eleganteng
manamit at masasabi mong mayaman kaysa sa taong payak ang paraan ng pananamit at masasabi mo
namang may kaya lamang.

Ilan lamang ito sa mga sitwasyon na kinakaharap ng ilan sa atin. Masakit sa damdamin na makita ang
ating kapwa na nakararanas ng ganito lalo na ang mga taong lansangan na ang nagsilbing tahanan.

Bilang estudyante, gagawin ko ang aking makakaya upang mapigilan ang ganitong pagtrato sa ating
kapwa. Upang maisakatuparan ito, ipagpapatuloy ko ang pag gawa ng bidyo gaya nito at kung may oras
pa ay gagawa rin ako ng artikulo tungkol dito.

Pag dating sa reyalidad na pamumuhay, mas magiging maayos para sa lahat ng mamamayan kung hindi
tayo magbabase sa antas ng pamumuhay.

Kung magkakaroon tayo ng pantay-pantay na pagtingin o pagtrato sa bawat isa madaling uunlad, hindi
lamang ang mga mamamayan kundi pati na rin ang ating bansa. Para sa akin, mayaman man o mahirap,
nasa diskarte yan.

You might also like