Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa
Pagbasa
Ayon kay Hank (1983): “Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at
pagbibigay ng interpretasyon dito.”
proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasa ng kanyang sinulat
uri ng pag –alam, paghahanap, pagsasabi ng isang salita o talata na nakikita sa isang materyal na
bagay na nagbibigay anyaya na basahin ito.
Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya,
kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina upang
maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao
sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung
baga ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
Ang Pagbabasa ay isa sa mga kasanayan na siyang kailangan ng tao para mabuhay, tulad ng
isang pagkain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang impormasyon. Ito ay proseso ng pag-
unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may-akda sa babasahing kanyang isinulat. Ito ay
bahagi ng komunikasyon. Ito ay haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang nais ipahayag
ng nagsulat. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng mga salitang binubuo ng
mga salitang nakalimbag. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga
konseptong inihatid ng mga nakalimbag na salita. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay hindi
lamang sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa mga titik, salita at pangungusap at bumubuo
sa tekstong binabasa kundi sumasaklaw din sa pag-unawa sa mensaheng nakapaloob sa
teksto s atulong ng dating kaalaman at karanasan ng bumabasa. Ang pagbasa ay walang iba
kundi ang pag-unawa. Kung hindi nauwaan ang binasa ay walang naganap na pagbasa. Dahil
sa impormasyong ito napapaunlad nila ang kanilang sarili at mas nalalaman nila ang mga
bagay-bagay sa mundo.
Ang pelikulang Matilda para sa akin ay parehong nakakatawa at nakakagambala.
Maraming mga eksena na nasobrahan sa karahasan katulad nung: matabang bata na
napilitang ubusin yung chocolate cake; hinagis yung cute na bata dahil lang sa kanyang
buhok; at tinatawag yung mga bata ng mga nakakayamot na pangalan. Ang mga bata ay takot
na takot at walang matanda na makakapagtanggol sa kanila kasi takot o wala silang mga pake
sa kanila. May nakakatawa namang mga eksena gaya ng mga tricks ng mga bata kay
Trenchbull. Nakakaaliw din naman yung mga expresyon nila pagdating sa mga parusa ni
Trenchbul sa kania.