Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang ang Pagka-epektibo ng Paggamit ng Sosyal Midya


sa Pagpapakilala ng Ilang Produkto ng Ilang Panaderya sa Bayan ng Lemery , Batangas . Sa pagsisimula ng
aming pananaliksik sa pagkilala ng mga produkto sa bayan ng Lemery , nalaman namin na ginagawan
nila ng paraan kung paano nila mapapataas ang kita ng kanilang negosyo. Sa panahon ngayon
gingamitan nila ng sosyal midya ang kanilang negosyo tulad ng facebook,instagram,twitter at iba pa.
Kung mapapansin natin, marami ng negosyo ang gumagamit ng sosyal midya sa kanilang negosyo.
Inalam ng mga mananaliksik kung epektibo ba ang paggamit ng ng sosyal midya o ang paggawa ng
facebook page, at ayon sa resulta naging epektibo ito para sa mga panaderyang gumagamit ng nasabing
midya dahil nakilala ang kanilang panaderya.Sa panahon ngayon maraming negosyante na ang
gumagamit ng sosyal midya para makipagkomunikasyon sa mga mamimili na may positibong epekto na
naidulot sa kanila. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon ayon sa pamamaraang qualitative o
kuwalitatibo na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ang pag-aaral na ito ang pagka-epektibo ng
paggamit ng sosyal midya sa pagpapakilala ng ilang produkto ng ilang panaderya sa bayan ng Lemery, at
ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang may-ari o tauhan sa ilang panaderya na matatagpuan sa
bayan ng Lemery. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik, may tatlong panaderya ang
maykatagalan na sa ganitong negosyo na umabot na ng dalwamput-isa hangang tatlumpong taon at
nalaman ng mga mananaliksik na 64.24% ng mga respondente o maya-ari ang nagamit ng sosyal midya
at 35.71% naman ang hindi.Sa paggamit naman ng sosyal midya sa pagpapakilala ng produkto 35.71%
ang panaderyang gumagamit at 64.24% naman ang hindi. Naglahad ng maikling lagom ng pag-aaral ang
mga mananaliksik , na isinagawa upang matuklasan ang mga konklusyon at rekomendasyon.

Ang sosyal midya ay isa sa mga ginagamit ng mga tao upang makipagkomunikasyon sa mga
minamahal sa buhay. Ngunit ang sosyal midya ay hindi lamang ginagamit sa pakikipagkomunikayon sa
pamilya, ginagamit na ito ngayon ng mga tao sa napakaraming bagay na mapagkkakakitaan o sa
pagnenegosyo , ginagamit na rin ito upang ipakilala sa mga tao ang produkto at mapataas ang benta
nang isang negosyo at ang halimabawa nito ay panaderya. Kumalap ng impormasyon o datos ang mga
mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipanayan o interbyu sa mga respondente. Maingat na
ipinresenta , inalisa at binigyang interpretasyon ang mga nakalap na datos na walang halong pagkiling.
Maayos na ipinresenta ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng mga talahanayan at pigura.Sa
pamamaraang deskriptibo ipinahayag ng mga mananaliksik ang bawat nakalap na datos at ginamitan
ang mga ito ng mga porsyento o bahagdang pamamaraang istadistika.

You might also like