Professional Documents
Culture Documents
Pan1 Final Script
Pan1 Final Script
Natasha Liv Uy
Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay. Dahil dito kailangan din
niyang lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema sa kanya ang pakikihalubilo sa
iba dahil sadyang pala-kaibigan ang binata. Sa unang markahan ay isa siya sa mga top students
ng kanilang klase.
Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga prioridad.
Valerian (Raffney): Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman.
Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na siyang ibang
nagawa kundi sumama.
Evren (Daoang): Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.
Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni Evren ay
nasundan pa ng isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang pag-aaral para sa kanilang
pasulit ay nawaglit na sa kanyang isipan.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot sa kanilang
pasulit. Sa puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Evren at ang pagka-adik niya sa
dota. Napansin ito ng kaniyang guro kaya kina-usap siya nito pagkatapos ng klase.
Guro (Raffney): Evren, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at hindi ka na
nakakakuha ng mataas na iskor sa mga pasulit ko.
Evren (Daoang): Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng maayos sa gabi.
Evren (Daoang): Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at minsan naaabutan
na kami ng gabi.
Guro (Raffney): Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan ang pag-aaral
niyo. Kaya simula ngayon unahin mo muna ang iyong pag-aaral kesa diyan sa dota.
Evren (Daoang): Opo sir
Guro (Raffney): Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na sa aklatan
tutulungan ka ng isa mong kaklase.
Faith (Nova): Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.
Evren (Daoang): Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala kita.
Faith (Nova): Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi hindi ka mag-
aaral at pupunta ka lang sa kompyuter shop para magdota.
Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Evren at ang pagiging
magkaibigan nila ni Faith. Isang araw hindi na talaga kaya ni Evren na hindi siya nakakapaglaro
ng dota kaya inilabas niya ang kaniyang frustrasyon sa kaibigan.
Evren (Daoang): Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na importante
ang pag-aaral pero tao din naman ako may karapatan din akong sumaya.
Faith (Nova): Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa tamang oras.
Maglaan ka ng oras sa pag-aaral at paglalaro.
Tagapagsalaysay: Natutunan ni Evren ang pagdisiplina sa sarili at kung paano ibalanse ang
kanyang oras sa pag-aaral at paglalaro. Natapos niya ang High School bilang salutatorian at si
Faith naman ang valedictorian. Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok nasa iyo lang kung
haharapin mo ito o magpapatalo ka lang. Magtiwala ka sa iyong sarili. Malalampasan mo ito
kung ikaw ay pursigido at may tiwala sa Diyos.