Professional Documents
Culture Documents
Haze Fil
Haze Fil
Ang isyu hinggil sa pangangalaga ng kalikasan ay hindi na bago saatin ngunit patuloy
paring minumungkahi lalo na ng may-akda upang masaylusyonan ang mga
kasalukuyang problema at maiwasan ang potensyal na problema. Dahil sa
modernisasyon at paglobo ng populasyon napapalitan ang mga sakahan at pinapatag
ang kabundukan upang gawing high end na subdibisyon na kung saan pawang mga
mayayaman at may kaya lamang ang mga nakabili dito. Sa "Luntiang Pamayanan"
itinataguyod nito ang pagkakaroon ng taniman ng gulay o prutas na karaniwan sa
lugar na iyon sa bawat dinedebelop na subdibisyon, dapat ring magtayo ang isang
subdibisyon ng "istasyong pangkapaligiran" at pagtanim ng isang puno sa bawat lote.
Isa itong paraan upang mapanatiling malinis, maipreserba at malinisan ang kalikasan
habang ang modernisasyon ay nangyayari. Ang modernisasyon ay kayang makamit
kasabay ng maingat na pangangalaga sa kalikasan, kung hindi lang natin kakalimutan
ang mga ilang simpleng pamamaraan. Sa huli, ang pagunlad ay maaring bigyan ng
panibagong kahulugan na hindi kumakatawan sa kanluraning kultura na mapanira sa
kalikasan at kung ang mga pilipino ay matutong maging sensitibo sa kanilang paligid
at hindi lamang sa pansariling interes.