Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Jean-Rose Pamittan Alan Paaralan: Sanchez Mira School of Arts and Trades

Baitang: Ikalabing-isang Baitang Petsa: Pebrero 05, 2020


I. Layunin
Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang ibat’ ibang uri ng binasang teksto
ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kalikasan, katangian at anyo ng iba’t
ibang teksto
Kasanayang Pampagkatuto Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa
binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, basa
at daigdig. (F11PB-IIId-99)
II. Paksa/Nilalaman Ang Hatol ng Kuneho ni Vilma Ambat
(Tekstong Naratibo)
Sanggunian Pagbasa at Pagsusuri ng teksto tungo sa
Pananaliksik
Kagamitan Mga larawan, Powerpoint presentation

III.Pamamaraan
A. Aktibidad -Pagbabalik-aral sa nakaraang talakayan hinggil sa
kahulugan at kalikasan ng Tekstong Naratibo.
-Magsasalaysay ang mga piling mag-aaral sa
kanilang sariling karanasan sa mga pangyayaring
naganap sa kanilang buhay bago sila nakarating sa
paaralan.
-Ibabahagi ito sa loob ng klase at pagbibigay-
reaksyon o puna ng kapwa mag-aaral.
B. Analisis -Pag-uugnay ng guro sa ginawang aktibidad sa
paksang tatalakayin sa araw na ito.
-Magpapabasa ang guro hinggil sa isang kwentong
pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho” ni Vilma C.
Ambat sa mga mag-aaral.
-Magbibigay rin ang guro ng mga gabay na
katanungan sa mga mag-aaral upang higit na
maunawaan ang kwento.
-Pagpapabasa sa kwento.
C. Abstraksyon -Matapos mabasa ang kwento ay hahatiin ng guro
ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay
may nakatalagang gawain.
-Pagbibigay ng pamantayan

Unang Pangkat- Ilarawan ang mga tauhan sa


kwento
Ikalawang Pangkat- Ibigay ang mga
mahahalagang pangyayari sa kwento sa
pamamagitan ng story ladder.
Ikatlong Pangkat- Ibigay ang suliranin at solusyon
sa kwento.
Ikaapat na Pangkat- Ilahad sa malikhaing paraan
ang pagpapahalagang pangkatauhan sa kwento.
-Presentasyon ng bawat pangkat
D. Aplikasyon Gawain 1 (Malayang Talakayan)
Mga Katanungan:
1. Bakit kaya “Ang hatol ng Kuneho” ang
naging pamagat ng kwento?
2. Sa anong paraan masasabing tanging si
kuneho lamang ang may matalinong
desisyon?
3. Paano maipapakita ang pagkakaroon ng
mataling desisyon sa mga sumusunod:
a. Sarili
b. Pamilya
c. Komunidad
d. Bansa at daigdig

Gawain 2 (Larawang-Kwento)
-Sa dating pangkat, magbibigay ang guro ng ibat
ibang larawan. Bawat pangkat ay bubuo ng sariling
kwento gamit ang mga larawang naibigay.
-Pagbibigay ng guro ng pamantayan
-Presentasyon ng bawat pangkat.
IV. Kasunduan -Basahin at suriin ang kwentong “Isang Dipang
Langit” ni Amado V. Hernandez
-Ibigay ang katangian ng mga tauhan, suliranin at
solusyon at ang aral na napulot sa kwento.
-Ilagay sa kalahating papel.

You might also like