Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

MARTIN, Hannah U.

1BFM

PAKSA: Filipino Cultural Heritage

1. RPH Question 3: Magbigay ng isang lugar sa iyong lungsod o/at komunidad na naging
bahagi ng pagbuo ng identidad ng iyong lungsod o/at komunidad ngunit napabayaan
o hindi nabigyan ng tamang atensyon. Ipaliwanag ang nais mong proyekto para rito.

Ang lungsod namin ay malapit sa mga bundok kung kaya’t madaming hikers at bikers
ang dumadayo sa amin. May dalawang trail ang maaaring akyatin, ang tinatawag na shotgun
trail at ang timberland trail. Mas madaling umakyat sa timberland trail sapagkat ang daan dito
ay hindi masyadong matarik kumpara sa shutgun trail na mapapasabak talaga ang sinumang
umakyat. Kapag nasa tuktok ka na, ay makikita mo ang iba’t iba pang mga tanawin gaya ng
Manila Bay at Bataan Peninsula, Mt. Arayat, Tagaytay Ridge, at Sierra Madre. Ang dalawang
bundok kung saan matatagpuang ang mga trail ay nanganganib sapagkat may tinatayong
mga village na madadaanan sa timberland trail at ginagawa namang dump site ang isang
bahagi ng shotgun trail. Madaming lungsod ang nag tatapon sa dump site na ito, at madami
ang nangangamba na baka tuluyang masira ang ganda ng bundok dahil dito.

Ang proyekto na aking naiisip ay dapat hindi na payagan ang sinuman na mag tayo
pa ng mga village sa bundok. Dapat ay ipatigil na lang din ang pag payag ng local ng
pamahalaan na itapon ang mga basura sa bundok. Ang kita na mawawala na nakukuha sa
dumpsite ay maaaring kuhanin sa iba pang proyekto. Gaya na lamang ng pagtatayo ng mga
farm sa ibang bahagi ng bundok na pag mamay-ari ng lungsod.

2. Reci Points: Sa iyong palagay, ano ang pagkakaiba ng “culture” at “heritage” sa isa’t
isa? Ipaliwanag.

Sa aking palagay, ang culture ay ang mga paniniwala ng mga tao sa isang lugar. Ito
ay maaaring sumalamin sa kanilang values sa buhay. Ito ang nakapagiimpluwensya sa ugali
ng isang tao sapagkat ang culture ang mga kinagawian na gawain ng mga tao sa kaniyang
lugar. Samantalang ang heritage naman ay ang mga lugar na malaki ang ambag sa ating
bansa. Ito ang mga lugar na itinayo noong mga unang panahon na nagbibigay kakilanlan sa
lugar kung saan ito matatagpuan.

3. Quick Quiz

1. C. Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary

2. A. Tubbataha Reef National Marine Park

3. F. Rice Terraces of the Philippines

4. E. Baroque Church

5. D. Historic Town of Vigan

6. B. Puerto Princesa Subterranean River National Park

You might also like