MARTIN, Hannah. Japanese and Republic Era PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

MARTIN, Hannah U.

1BFM
Ikalawang Gawain

PAKSA : Japanese and Republic Era Primary Source

Revision of Phil Independence by Pres. Diosdado Macapagal

1. Ito ay inilimbag ng Official Gazette. Samantalang ang nakasulat sa batis ay ipinahayag ni


Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-12 ng Mayo 1962 sa Manila.
2. Ang primaryang batis na aking sinuri ay tumalakay sa Proklamasyon bilang 28, ito ay ang
paglipat ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa petsang ika-12 ng Hunyo 1962. Idineklara ito
ni Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-12 ng Mayo 1962. Ito ay inilipat sa nasabing
petsa sapagkat iyon ang araw kung kalian idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pag
kakaroon ng Pilipinas ng pagkakataong mag pasiya para sa sarili, kalayaan, at pagsasarili.
Isinaad din sa Proklamasyon na ang petsa ay magiging opisyal na selebrasyon at holiday.
3. Ang batis na sinuri ay ang nag silbing katunayan na ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay
inilipat sa ika-12 ng Hunyo 1962. Ito ay nagbigay ng impormasyon sa bawat Pilipino na ang
pag deklara ng Amerika ng kalayaan ng Pilipinas ay pinagsawalang bisa.
4. Sa panahon ngayon,ma-iuugnay natin sa batis na sinuri ang pag gunita kada taon ng Araw
ng Kalayaan sa itinakdang petsa ni Pang. Diosdado Macapagal.

Corazon Aquino’s Speech before the U.S. Congress Sept. 18, 1986

1. Ito ay inilimbag ng Official Gazette. Ang nakasulat sa batis ay pahayag ni ay Pangulong


Corazon C. Aquino noong ika-18 ng Setyembre 1986 sa Washington, D.C.
2. Ipinahayag ni Pang. Corazon Aquino ang mga nangyari sa kaniyang asawa na si Ninoy
Aquino noong panahon ng pamumuno ng diktador na president ng Pilipinas. Isinaad niya na
hindi lamang nawala si Ninoy ng isang besses sakanila, kundi nawala rin ang kaniyang
asawa noong panahon na siya ay ikinulong ng mga militar sa utos ng diktador na
presidente. Si Ninoy ay nag hanggad lamang ng demokrasya ngunit ito ay hindi nagustuhan
ng administrasyon kung kaya’t siya ay pinarusahan at pinahirapan. Sa talumpati, ipnakita
muli ni Cory ang hangarin ni Ninoy na magkaroon ng demokrasya noong panahon na iyon.
Ngunit dumating din ang panahon na namatay si Ninoy, at dito napagpasiyahan ni Cory na
mamuno sa sambayanang Pilipino at ituloy ang hangarin ng kaniyang asawa – ang muling
pagkamit ng demokrasya. Ipinahayag din sa talumpati ang kaniyang mga nakaharap na
hamon noong tumakbo bilang Presidente ng Pilipinas sa halalan. Nagkaroon ng snap
election sa pagitan ng diktador at ni Cory. Nagkaroon ng pandaraya sa eleksyon at ang
diktador ang idineklarang panalo ngunit nagawan ito ng aksyon ni Cory at ng kaniyang mga
taga-suporta. Kalaunan ay siya na rin ang idineklarang presidente. Dito nag simulang
tuparin ni Pangulong Cory Aquino ang kaniyang sinumpaang tungkulin na pagkamit muli ng
demokrasya. Alam niyang mahirap ang kaniyang pinasok ngunit para sa bawat Pilipino na
sumama sakanila ng kaniyang asawa sa laban, siya ay mas naging diterminadong muling
tulungan ang bansang Pilipinas at ang sambayanan na maranasan muli ang kasiglahan.
Upang maka-ahon sa naransan sa kamay ng diktador, humingi ng tulong si Cory sa
Amerika, na isa sa pinakamaunlad na bansa noong panahong iyon.
3. Ang batis na sinuri ay naging batayan ng mga tao, Pilipino man o hindi, ng kung ano nga ba
talaga ang nangyari sa pagitan ni Ninoy at ng diktador na si Marcos. Ito ay nagsilbing tulay
upang maipahayag ng mga Pilipino sa pamumuno ni Pang. Cory sa Amerika ang
pangangailangan ng bansang Pilipinas ng kanilang tulong sapagkat puno ng kurapsyon at
pandaraya ang sinundang administrasyon nito.
4. Maiuugnay ko ang batis na sinuri sa nangyayari ngayon na pandemic. Kasalukuyang
kumakalat ang COVID19 sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Ang bansang Pilipinas ay
isinailalim ni Pangulong Duterte sa quarantine at lockdown. Ang mga military ang na-atasan
na mag bantay sa mga checkpoints. Sa isang pahayag ng Pangulo, siya ay nag sabing ang
mga lalabag sa quarantine protocol ay babaralin na lamang sapagkat hindi sila marunong
sumunod sa mga patakaran. Nag karoon ng isyu na sinumang mag hahayag ng saloobin
laban sa administrasyon sa social media platforms ay iimbestigahan ng NBI. Unti-onting
nabalot ng takot ang iilan sa mga Pilipino sapagkat parang bumabalik ang Martial Law na
unang ginawa ng diktador na si Marcos.

You might also like