Professional Documents
Culture Documents
MODYUL-5 Literato
MODYUL-5 Literato
Modyul 5
Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mag-aaral ay inaasahang…
A. Matukoy ang dalawang uri o paraan ng pangangatwiran;
B. Makapagbigay ng mga halimbawa ng pabuod at pasaklaw na pangangatwiran;
C. Makapgbigay ng sariling opinion hinggil sa kahalagahan ng lohika at mabisang pangangatwiran
sa pang-araw-araw na buhay sa pamayanan man o sa paaralan;
D. Makilala ang mga lihis at palisang pangangatwiran na ginagamit.
SubukinNatin
A. Magbigay ng mga kasingkahulugan ng salitang HIKAYAT.
Manghimok, yayain, akitin
B. Paano mo mahihikayat ang mga mambabasa o makikinig? Ano-ano ang mga katangian dapat
tagalayin ng isang manunulat o tagapagsalita? Magbigayng 5 katangian.
1.Obhetibo
2.Pormal
3.Maliwanag at Organisado
4.May paninindigan
5.May pananagutan
May ibang Hindi agad maniniwala sa mga Sabi Sabi Lalo na Kung Wala itong matibay na ebidensya
na makakapagpatunay na dapat paniwalan Ang kanyang sinasabi o sinusulat.
Alam mo ba?
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip. May dalawang panlahat nga
kategorya ang lohikal na pangangatwiran: pabuod o inductive na pangangatwiran-nagsisimula
sa maliit na halimbawa o kaya’y sa mga particular na bagay at nagtatapos sa panlahay na
tuntunin; at pasaklaw o deductive na pangangatwiran ay nagsisimula sa panlahat sa tuntunin
konsepto o ideya na sinusundan ng mga particular na bagay o sumusuporta sa inilalahad sa
una.
Lihis o Palasi na pangangatwiran
Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga lihi o palasi na
pangangatwuran dahil sa nagpapahina ang mga ito ng argumento.
a. Argumentum ad hominem- pag-atake sa personal na katangian at hindi sa paksa o
argumento.
b. Argumentum ad baculum- paggamit ng pwersa o awtoridad.
c. Argumentum ad misericordiam- pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran
d. Argumentum ad ignorantiam- nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi
napapatunayano kaya’y totoo ang anumang hindi napapasinungalingan.
e. Non-sequitor- paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does
not follow the premise.
f. Ignoratio elenchi- pagpapatotoo sa isang kongklusyon hindi naman siyang dapat patotohanan.
g. Maling paglalahat-pagbatay sa isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.
h. Maling analohiya- paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon
i. Maling saligan- paggamit ng maling batayan sa humahantong sa maling kongklusyon.
j. Maling awtoridad- paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa
k. Dilemma – pagbibigay ng dalwang opsyon lamang na para bang wala ng iba pang alternatib
l. Mapanlinlang na tanong - paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay
sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
GawinNatin
A. Sagutin ang mga katanungan.
1. Bakit mahalagang may mga patunay o ebidensya sa mga tesis o paksang nais pag-aaralan?
Mahalaga na may mapatunayan o ebidensya upang maisagawa Ang kakayahang manindigab kung
may kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na napili o paksang nais pag aralan upang
paniwalaan Ng magbabasa o nakikinig sa paksang iyon.
Pabuod
Hal.
May karinderya ang aking kapatid at malakas ang kita dun. Magtatayo rin ako.
Pasaklaw
Hal.
Lahat ng magaaral sa PUP ay matalino
Si Mark ay isang mag-aaral sa PUP
Si Mark ay matalino