Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Division of Surigao City


Surigao City

First Quarter Examination


MAPEH 5

Name:_________________________ Grade & Section:____________________ Score:___________

School:________________________ District: ______ Teacher:______________ Date:_________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng inyong sagot.

MUSIKA

1. Alin sa mga sumusunod ang simbolo ng whole note o buong nota?

A. B. C. D.

2. Alin sa mga ito ang may isang kumpas?

A. B. C. D.
B.
3. Ano ang halaga ng tuldok na sumusunod sa isang nota o “note” ?
A. Kalahati ng notang sinundan
B. Katulad ng notang sinundan
C. Higit sa notang sinundan
D. Doble sa notang sinundan

4. Ilang half note o half rest mayroon ang isang sukat sa palakumpasang 2/4 ?
A. Dalawa B. Tatlo C. Apat D. Isa

5. Ibigay ang halaga ng hulwarang ritmo na ito.

A. ½, ½ ,1 B. ½ , 1, ½ C. 1, 1, ½ D. 1, ½ ,1

6. Sa anong palakumpasan ang mayroong apat na quarter note o apating nota sa bawat sukat?

A. 2/2 B. ¾ C. 2/4 D. 4/4

7. Ang hulwarang himig sa ibaba ay may ritmong________.

A. 2/4 B. ¾ C. 4/4 D. 6/8

8. Aling pahinga ang dapat ilagay sa kahon upang mabuo ang hulwarang ritmo ¾?

A. B. C. D.
1
9. Aling hulwarang himig ang may ritmong apatan o 4/4?

A.

B. . . .

C. .

D.

10. Alin dito ang tamang ilustrasyon ng palakumpasang ¾?

A. B. C. D

SINING

11. Ang mga sumusunod ay mga produktong dala ng mga dayuhan sa ating bansa maliban sa isa. Ano ito?
A. Seramika B. Porselana C. Bulak D. Seda

12. Ang_____ ay larawang nakapinta sa pader.


A. Shading B. Mosaic C. Cross hatching D. Mural

13. Anu-ano ang mga katangian ng mga antigong gusali ng Pilipinas na tunay ngang maipagmalaki?
A. May katatagan at kakaibang disenyo
B. Matataas at malalaking gusali
C. Matataas at makukulay na mga disenyo.
D. Maliliit at may nakakatuwang disenyo

14. Ito ang dalanginan o simbahan ng mga kapatid nating Muslim.


A. Cathedral B. Mosque C. Museum D. Chapel

15. Ano ang tawag sa sistemang kalakalan ng sinaunang panahon?


A. Barter B. Balangay C. Kalakal D. Merchandising

16. Bakit dapat pahalagahan ang mga antigong gusali, simbahan at tahanan?
A. Ito’y mga lumang gusali na pinamahayan ng mga anito.
B. Nakatutulong ito sa paglinang ng ating pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.
C. Nakatutulong ito sa pagpapayaman ng ating bansa.
D. Nakapagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa sumakop sa ating bansa.

17. Ano ang tawag sa sinaunang sasakyang pandagat ng mga Pilipino?


A. Balangay B. Banga C. Manunggal Jar D. Banig

18. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng sinaunang disenyo ng bahay ng mga Pilipino?

B. C. D.
A.

19.

Pagkatapos ng inyong gawain sa sining, sinabi ng inyong guro na ipakita sa klase ang mga nagawang disenyo ng
sinaunang gusali na makikita sa inyong lugar. Ikaw ay nahiya sapagkat sa tingin mo ay hindi maganda ang iyong
guhit. Ano ang gagawin mo?
A. Agad akong lalabas sa silid-aralan.
B. Magtatago ako para hindi ako makita ng aking guro.
C. Tatayo ako ngunit tatakpan ko ang aking guhit.
2
D. Buong puso kong ipagmamalaki ang aking gawa.

20. Buong pusong ipinagmalaki ng mga mag-aaral ang kanilang mga likha tungkol sa magagandang gusali na
matatagpuan sa kanilang lugar. Ang mga mag-aaral ay______________.
A. Mahiyain at walang pakialam sa kanilang komunidad.
B. May pagmamahal at ipinagmalaki nila kung anong mayroon sa kanilang komunidad.
C. Walang pakialam sa kanilang gawain.
D. Ikinahiya nila ang kanilang komunidad.

PHYSICAL EDUCATION

21. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging mas aktibo ang mga bata?
A. Physical Activity Pyramid Guide
B. Physical Activity Guide
C. Physical Fitness Guide
D. Physical Pyramid Guide

22. Ang gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang pagkilos ng katawan na nangangailangan ng ___________.
A. Dalas ng paggawa B. kasiglahan C. pagkundisyon sa kalamnan D. enerhiya

23. Bakit mahalaga na iayon sa rekumendasyon ng Physical Activity Pyramid guide ang iyong physical activities?
A. Upang maisaalang-alang ang kalusugan
B. Upang mapanatiling malakas ang kalamnan.
C. Upang maging maliksi.
D. Upang maging masaya.
24. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa sa mga pagsubok o sangkap ng Physical fitness test maliban sa isa, ano ito?
A. Cardiovascular Endurance
B. Muscular Strength
C. Muscular Endurance
D. Mental Stage
25. Paano mo malaman na ang isang bata ay malusog o physical fit?
A. Kung madalas mawalan ng malay.
B. Kung hindi kaagad napapagod o nanghihina.
C. Kung hindi nahihilo kapag umikot ng matagal.
D. Kung mataba at matangkad.
26. Ito ay isang larong pinoy na hango sa larong baseball at softball.
A. Syato B. juggling C. Kickball D. Batuhang Bola
27. Ito ay isang larong nangangailangan ng mga kasanayang pagpukol o pagpalo, pagtakbo at pagsalo.
A. Syato B. Juggling C. Kickball D. Batuhang bola
28. Ito ay isang larong pinoy na hango sa Amerikanong laro na Dodgeball.
A. Syato B. Juggling C. Kickball D. Batuhang Bola
29. Anong kasanayan ang nalinang sa paglalaro ng Tumbang Preso?
A. Flexibility B. Cardiovascular Endurance C. Body Mass Index D. Strength
30. Ang mga sumusunod na gawain ay nagpapalinang o nagpapaunlad ng ating cardiovascular endurance maliban sa isa.
Ano ito?
A. Aerobics B. pagsasayaw C. paghagis ng bola D. paglalaro ng tumbang preso

3
31. Bakit mahalaga ang paggawa ng mga pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness?
A. Nakatutulong ito upang malaman ang estado ng physical fitness.
B. Upang madaling dapuan ng sakit.
C. Nakadagdag ng taba sa katawan.
D. Paglalaro ng tumbang preso.
32. Naglalaro kayo ng iyong kaklase nang makita mong nandadaya ang isa mong kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsasabihan ko siya sa paraang hindi siya magagalit.
B. Ipagsigawan kong siya ay nandaya.
C. Hindi ko na siya isasali sa aming laro.
D. Pabayaan na lamang siya.
33. Ang dami ng taba at parte na walang taba ( kalamnan, buto ) sa katawan ay tinatawag na_________.
A. Balance B. Agility C. Body Composition D. Endurance
34. Ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan ay
tinatawag na___________.
A. Agility B. Flexibility C. Cardiovascular Endurance D. Body Composition
35. Ang kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang mabilisan at paayon sa pagkilos ay tinatawag
na_____________.
A. Balance B. Agility C. Flexibility D. Endurance
HEALTH

36. Anu-anong mga aspeto ng isang tao maliban sa pisikal na katayuan ang isinasaalang-alang upang masabi na ang isang
tao ay malusog?
A. Pisikal B. Mental C. Sosyal D. Emosyonal
37. Alin dito ang abilidad ng isang tao na makapagpasya sa buhay at magkaroon ng katuparan sa mga relasyon sa ibang
tao, umangkop sa mga pagbabago at malampasan ang mga panahon ng kahirapan.
A. Pisikal B. Mental C. Sosyal D. Emosyonal
38. Paano natin mapanatili ang ating maayos na relasyon sa kapwa?
A. Makipag-away palagi sa kaklase.
B. Huwag makisalamuha sa iba.
C. Makipag-usap at makipagkaibigan sa iba.
D. Huwag pansinin ang ibang tao.
39. Ang taong mahusay makipagkapwa- tao ay may________.
A. siradong kaisipan
B. galit na kaisipan
C. bukas na kaisipan
D. malungkot na kaisipan.

4
40. Si Jess ay hindi sumusuko sa mga pagsubok sa dumadating sa kanyang buhay. Siya ay may positibong pananaw sa
buhay. Siya ay may_____________.
A. kalusugang pisikal
B. kalusugang emosyonal
C. kalusugang sosyal
D. kalusugang mental
41. Tinaggap ni Ruth ng maluwag sa kalooban ang mga payong ibinigay sa kanya ng kanyang guro. Siya ay
may_________.
A. kalusugang pisikal
B. kalusugang emosyonal
C. kalusugang sosyal
D. kalusugang mental
42. Kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba, ikaw ay______.
A. hindi makakilos ng normal
B. galit sa mga tao.
C. may kalusugang sosyal
D. may kalusugang emosyonal
43. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa iba maliban sa isa. Ano ito?
A. Iginagalang mo ang opinion ng iyong kaklase.
B. Pinipilit mo ang iyong kaibigan na sumama sa iyo.
C. Masaya kang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
D. May tiwala ka sa ginagawa ng iyong kapwa.
44. Masaya kayong nagkukuwentuhan sa harap ng bahay nang biglang may isang batang maitim na gustong sumali sa
usapan. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan siyang magsalita pero hindi ka makikinig.
B. Ipagtabuyan siya.
C. Isali siya sa usapan.
D. Dali-daling pumasok sa bahay.
45. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng mabuting pakikipag-ugnayan sa iba maliban sa isa. Ano ito?
A. Tapat B. pakikisalamuha C. komunikasyon D. mapanghusga
46. Bakit kailangang magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Para magkaroon ng magandang pakiramdam kapag nasa paligid mo ang ibang tao.
B. Para maipagpilitan mo ang iyong opinion.
C. Para hindi makakilos ng normal.
D. Para makontrol mo ang isip ng iba.
47. Ito ang paggawa ng hindi kaaya-ayang gawain sa ibang tao sa pamamagitan ng pamimilit o paggamit ng dahas.
A. Bullying B. Teasing C. Harassment D. Mood swings
48. Ito ay nagpapahiwatig ng matinding self-consciousness at takot na nagdudulot ng pagkamahiyain ng isang bata.
A. Social anxiety B. Mood swings C. Bullying D. Teasing
49. Sila ang mga taong makatutulong upang mapabuti ang ating mental, emosyonal at sosyal na kalusugan.
A. magulang B. guro C. guidance counselor D. lahat ng nabanggit

5
50. Kapag naramdaman ko sa aking sarili na ako ay nalulungkot, agad akong_________.
A. nagdadasal B.pupunta sa barkada C. nakipag inuman D. nakipag-awa

You might also like