Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

MELC : Natutukoy ang mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

ARALIN TITLE : Likas na Batas Moral, Ano nga Ba?

Mga kalahok : Mga Mag-aaral

Tagal ng Aralin : 60 minutos

MGA LAYUNIN : Pagkatapos ng sesyon, inaasahang ipamamalas ng mga guro ang mga Kasanayang Pampagkatuto:

a. Naipaliliwanag ang mga kahulugan, katangian, elemento at Prinsipyo ng Likas na Batas Moral;
b. Napatutunayan na ang Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos;
c. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa
d. Nakabubuo ng mga konsepto ukol sa Likas na Batas Moral sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing Web Strand.

Batayang Konsepto : Ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at
pagkilos.

Mahalagang Tanong : Bakit mayroong batas?

MGA INAASAHANG OUTPUT:

a. Sagot Web Strand


b. Nalalaman ang wastong konsepto

Balangkas ng Nilalaman ng paksa na nasa MELC.

1. Ano ang Likas na Batas Moral?

2. Katangian ng Likas na Batas Moral


 Obhektibo
 Pangkalahatan (Unibersal
 Walang Hanggan (Eternal)
 Di-nagbabago (Immutable)
1
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

3. Saan nakaugat ang Batas Moral


 Batas ng Diyos (Divine Law)
 Batas Kalikasan (Natural Law)
 Batas ng Kalikasan (Law of Nature)
 Batas Kalikasang Moral (Natural Moral Law)

4. Mga Elemento ng Likas na Batas Moral ayon kay Sto. Tomas


 Pagsusukat ng kilos (Ito ay pagbabawal, pag-uutos at pagpapahintulot.)
 Pinag-isipan (Ito ay makatwiran.)
 Pinapalaganap (Ito ay pinaalam sa kinauukulan at may awtoridad o may pwersa na ipatupad.)
 Para sa kabutihang panlahat (Ito ang layunin ng batas.)

5. Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral


 Gawin ang mabuti at iwasan ang masama
 Nakasalalay sa mga pangyayari

MGA SANGGUNIAN
Mga Modyul ng Mag-aaral at Gabay sa Pagtuturo sa EsP 10
Inputs mula sa lectures ng mga tagapagsalita na sina Mark Joseph Calano, Ph.D.
2018 National Survey Least Mastered LC’s
Retrieved May 8, 2019 from https://www.slideshare.net/AmieEugenio/modyul-5-mga-batas-na-nakabatay-sa-likas-na-batas-moral?
next_slideshow=1

PLANO NG ARALIN

2
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

Layunin Mga Konseptong Pamamaraan/Gawain Mga Kagamitan/ Oras/


Dapat Matutuhan (Methodology/Activity) Bilang ng Slide Tagal ng
(Key Learning sesyon
Points)
Bago ang Lecturette

1. Tiyaking maayos ang mga silya, mesa, at mga Laptop


gagamitin tulad ng LCD projector (kung mayroon man), LCD Projector
white screen, manila papers at pentel pen. Clicker
2. Tiyakin ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral at Pentel pens
alamin kung lahat ba ay present o ilan ang absent. Manila paper
3. Tiyakin na nakaupo ang mga mag-aaral sa kanilang White board
tamang puwesto. Marker
4. Batiin ang mga mag-aaral
5. Banggitin ang Activity Norms bilang kasunduan ng mga
mag-aaral.
6. Ipaalala ang ang mechanics o panuto ng gawain.
7.
8. Sabihin:Panimula-10 minuto
Paano mo malalaman kung ang isang bagay ay mabuti o
masama? Ano ang sukatan o pamantayan sa pagkilala kung
ano ang makabubuti o makasasama? Higit sa ano pa mang
bagay na kailangang sukatin ay ang mismong kilos ng tao.
Kailangan ito, sapagkat ang mabuti o masamang kilos ang
nagpapabuti o nagpapasama sa tao. Ang tao ay
nangangailangan ng gabay na makatulong sa kanya sa pang-
araw-araw na pagpapasya. Ito ang kanyang kakapitan upang
makatiyak na ang kanyang gagawing kilos ay wasto at mabuti.
Ayon kay Quito (2008), ang pamantayang gagamitin ay
kailangnang simple at totoo para sa lahat (obhektibo) upang
madaling maunawaan ng lahat. Ang gabay o pamantayan na
ito ay tinatawag na batas.

MOTIBASYON: Pagsagot sa Web Strand

3
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

Sabihin: Upang malalaman natin ang ating sariling opinion


kung ano ang ibig sabihin ng batas, mayroon kayong template
na sasagutan, ito ay tinatawag nating Web Strand.

Gawain:
1. Ibigay ang template ng Web Strand sa mga guro at
pasagutan,
2. Pagkakaroon ng pagbabahagi sa bawat isa.
.
Pagpapalalim:

1. Ano ang Likas na Batas Moral?


- Salitang Latin na lex –bigkis, tali o buklod.
Naipaliliwanag ang mga - Nagpapakita ng direksiyon ng pantaong kilos para
kahulugan, katangian, makarating sa tamang patutunguhan
elemento at Prinsipyo ng - Ito ay totoo sa lahat ng tao kahit ano pa ang
Likas na Batas Moral; kanilang pananampalataya o relihiyon
- Ito ay angkop sa lahat ng kultura o lahi dahil ang
pagpapahalagang nakapaloob sa Batas Moral ay
likas sa lahat ng tao,gaya ng pagmamahalan at
paggalang sa dignidad ng tao.
- Ang Batas Moral ang batayan ng pagkilos ng tao
upang ito ay maging tama at mabuti.
- Ito ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain

2. Katangian ng Likas na Batas Moral

Napatutunayan na ang a. Obhektibo- Ang batas na namamahala sa tao ay


Likas na Batas Moral ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa
nagsisilbing gabay sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang
tamang pagpapasiya at katotohanan ay hindi nililikha; kaya hindi ito
pagkilos; imbensyon ng tao. tao o hindi.

b. Pangkalahatan (Unibersal)- Dahil ang Likas na


Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang
lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi,
4
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat at ito ay


katanggap-tanggap sa lahat ng tao at kahit
kailan.

c. Walang Hanggan (Eternal)- Ito ay umiiral at


mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang
hanggan, walang katapusan at walang
kamatayan dahil ito ay permanente. Ang
kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas
na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin.

d. Di-nagbabago (Immutable)- Hindi nagbabago ang


Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang
pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang
layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa
kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na
Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito
rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para
sa lahat.

3. Saan nakaugat ang Batas Moral

a. Batas ng Diyos (Divine Law)- Ang Batas ng Diyos


ay nagpapakita ng Kanyang mabuting kalooban.
Naglalaman ito ng lahat ng batas ng kaayusan para
sa sandaigdigan at upang magabayan ang lahat ng
tao at nilikha sa kanilang dapat patunguhan.
b. Batas Kalikasan (Natural Law)- Ang tao ay may
kalikasang materyal at espiritwal. Ang mga
kalikasang ito ang humuhubog ng mga batas para
magabayan siyang mamuhay nang mabuti at tama.
c. Batas ng Kalikasan (Law of Nature)- para sa mga
nilalang na walang isip at kilos-loob

5
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

d. Ang Likas ng Batas Moral (Natural Moral Law) ay


nababatay sa Diyos na gumagabay sa tao kung
paano siya makipag-ugnayan sa Diyos at kapwa.
Isinasaad nito ang mga pamantayan ng mga
gawang dapat at hindi dapat. Ito ay para sa tao na
may isip at kilos-loob.

4. Mga Elemento ng Likas na Batas Moral ayon kay Sto.


Tomas

a. Pagsusukat ng kilos -Ito ay pagbabawal, pag-uutos


at pagpapahintulot.
b. Pinag-isipan- Ito ay makatwiran
c. Pinapalaganap- Ito ay pinaalam sa kinauukulan at
may awtoridad o may pwersa na ipatupad.
d. Para sa kabutihang panlahat- Ito ang layunin ng
batas.

5. Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

a. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama- ayon kay


Sto. Tomas Aquinas, ang tao ay may likas na
kakayahang umunawa sa mga pangunahing prinsipyo
ng Batas Kalikasan o Batas Moral na tinukoy ding mga
“batas na nakaukit sa ating puso”, sapagkat ang
prinsipyong ito ay nananahan sa lahat ng tao, hindi
nagbabago at kailanman ay hindi maaalis sa puso ng
tao, anuman ang kanyang relihiyon o kahit hindi siya
naniniwala sa Diyos. Ang pangunahing prinsipyo ayon
sa kanya, ay: Ang mabuti ay dapat gawin at kamtin;
ang masama ay dapat iwasan.
Bawat tao ay sumasang-ayon sa prinsipyong ito kahit
pa hindi lahat ay may iisa o parehong
pagpapakahulugan o pamantayan sa kung anong
talagang mabuti at kung ano talaga ang masama.
6
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

Kagaya na lamang ng isang taong mapagduda, na


hindi naniniwalang may mga bagay na talagang mabuti
o masama. Ito ang mga prinsipyong gumaganyak sa
tao upang kumilos.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mabubuting
likas na kahiligan (inclinations)
- Buhay
- Katotohanan
- Kagandahan
- Kasanayan
- Pakikipagkapwa
- Relihiyon
- Katapatan

b. Ang mga pangalawang prinsipyo at nakasalalay sa mga


pangyayari at ang mga ito ay maaaring magbago. Hindi
ito tiyak at kadalasan ay hindi alam ng lahat.
- Hindi dapat sinisira ang isang mabuti upang gumawa
ng mabuti.
- Hindi dapat tratuhin ang tao bilang paraan para sa
isang layunin.
- Hindi dapat kinikilingan ang ilan, maliban kung ito ay
kinakailangan para sa kabutihang lahat.
- Hindi dapat nagsasarili na kumilos para sa kabutihan
ng tao
- Hindi dapat kumilos na nababatay lamang sa bugso ng
damdamin, takot, galit o pagnanasa.

CLINCHER:

KAYA, SA IYO KABATAAN, MAY PAGGALANG KA BA


SA BATAS KAHIT PA MINSAN ITO AY HADLANG SA MGA
Nakagagawa ng mga BAGAY NA NAIS MONG GAWIN?
angkop na kilos upang
itama ang mga maling
pasyang ginawa
7
MELC Q1-W3-2.1 EsP 10 Writer: Peter B. Pama, Jr.

Nakasasagot sa Web
Strand

PREPARED BY:

PETER B. PAMA, JR.


GUADALUPE NHS

You might also like