Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Dibisyon ng Albay
DARAGA NATIONAL HIGH SCHOOL
Daraga, Albay
=====================================================================================
MALA – MASUSING BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 9
ni : OLIVIA O. DEL PILAR

PAMANTAYANG PAGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng
Pilipinas

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o story board tungkol sa
ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangiaan (dekunstruksiyon)

I --A.MGA KASANAYANG PAMPAGKATATUTO:


Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, kasintahan, sa
pamilya at sa bayan F9FP-IVd-58

B. MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. Naibabalik sa kanilang alaala ang mahahalagang bagay/pangyayari sa kanilang bayang
sinilangan
2. Natatalakay ang mga kadahilanan ng mabagal na pag-unlad ng bansa
3. Naisasagawa sa pamamagitan ng awit,tula, pagguhit, slogan , liham , spoken words ang
kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, kasintahan,pamilya at sa bayan

II – PAKSA: Aralin 8 - Mga Alaala ng Lumipas


KAGAMITAN: Noli Me Tangere
Ph. 45 -48
Projector, laptop,lapis,kartolina, pangkulay at iba pa
III - PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:
Panalangin
Pagbati
Pagpuna ng mga liban sa klase

B. Pagganyak:
Pagtalakay sa itinakdang katanungan:
Simula noong grade one ka pa hanggang ngayon, ano-anong lugar o bagay sa
nadaraanan nyo ang nananariwa pa sa iyong isipan? Ibahagi sa klase.

C. Paglalahad ng Aralin:

1. Pagpapabasa sa aralin 8 at pagtalakay sa mahahalagang bahagi nito:

a. Paano inilarawan ni Crisostomo Ibarra ang Escolta? Bakit nasabi niyang


pangit na ito?

b. Sa iyong palagay ,ano-ano ang nadama at naisip ni Crisostomo Ibarra sa kan-


yang paglalakbay habang nakikita niya ang iba’t ibang uri ng mga tao at sa
bayang matagal niyang hindi nasilayan?
c Mayroon din bang lugar na nagdulot sa iyo ng maraming alaala na nais
balikan?

d . Kung mayroon bakit gusto mo itong balikan?

e. Bakit nasabi ni Ibarra na ibang-iba ang Matandang Maynila sa mga tanawing


nakita niya sa Europa?

f. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong makapaglakbay, aling bansa ang nais


mong puntahan? Bakit?

2. Paglalahat
Nasisiyahan ka ba sa kalagayan ng Pilipinas sa ngayon? Patunayan

3. Paglalapat: (pagpapangkat ng klase)(15 minutos)

Paano mo maipamamalas ang pag-ibig na dapat iukol ng kabataang katulad


mo sa kanyang bayan, magulang, kapatid, kaibigan o kasintahan?
Bayan ( tula )
Magulang (awit )
Pamilya ( duladulaan)
Kaibigan/kasintahan (spoken words )

Rubrics:

Nakapagtatala ng komperhensibong pananaw kung paano maipamamalas


ang pagmamahal batay sa apat na mukha ng pag-ibig------------- - 50%

Maayos at organisado ang ginawang paglalahad ng mga kaisipan – 40%

Natapos sa takdang oras ang gawain ------------------------ 10%


Kabuoan -------------------------------------------- 100%

IV. Takdang Aralin:

Ipagpatuloy ang pagbabasa at pag-unawa sa mga aralin sa Noli Me Tangere para sa mga
susunod pang talakayan.
.
________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

mja

You might also like