LR - Arts Modyul-7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

5

ARTS
Kuwarter 2 – Modyul 7:
Pagpinta- Kahalagahan ng
Landscape na may Kaugnayan sa
Kasaysayan ng Bansa
Arts – Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 – Modyul 7: Pagpinta- Kahalagahan ng Landscape na may Kaugnayan sa
Kasaysayan ng Bansa

Unang Edisyon, 2019

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi .Isinasaad ng Seksyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, Kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaam o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royal bilang kondisyon.

Ang mga akda/ materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyo. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor M. Briones
Pangalawang Kalihim: Atty. Nepomuceno A. Malaluan
Assistant Secretary: Atty.Salvador C. Malana III

Mga bumubuo ng Kagamitang ng Mag-aaral


Manunulat: Erickson T. Gutierrez
Konsultant: Erickson T. Gutierrez
Tagasuri:
Tagasalin:
Tagaguhit:
Tagapamahala:

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5
ARTS
Kuwarter 2 – Modyul 5:
Pagpinta- Kahalagahan ng
Landscape na may Kaugnayan sa
Kasaysayan ng Bansa

Ang kagamitang ito sa pagtuturo ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, kolehiyo at
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga
puna at mungkahi.
Panimulang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay isang instrumento upang matugunan ang


pangangailangan ng isang tao upang makapag-aral sa ano mang pagkakataon.
Bilang isang tagapagdaloy, tiyaking maging malinaw sa mag-aaral kung paano
gagamitin ito at sasagutan ang mga gawain sa bawat bahagi. Ipaalala sa mag-aaral
na hindi sila magsusulat sa modyul dahil magkakaron sila ng hiwalay na sagutang
papel.

Para sa mag-aaral:

 Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo muna ang


panimulang pagtataya na inihanda ko para sa iyo. Isulat ang titik sa
iyong sagutang papel.
 Basahin at unawain ang panuto ng mga gagawin sa bawat bahagi ng
modyul.
 May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at pagkatapos ng aralin.
 Bawat bahagi ay may nakatakdang icon o karakter bilang
representasyon.
 Iwasto ang sagot ng mga piling gawain sa dulong bahagi ng modyul.
 Maging matapat sa pagsagot sa modyul.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa Ilusyon ng espasyo sa 3-
dimensyonal na guhit. Ang sakop ng modyu ay magamit sa anomang kalagayan ng
mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng
mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


 Nakikilala ang kahalagahan ng landscape na may kaugnayan sa kasaysayan
ng bansa. (A5PL-llg)

Layunin:

 Natatalakay ang detalye ng tanawin ng pamayanang kultura na bahagi ng


kasaysayan ng bansa.

 Naipipinta ang landscape ng makasaysayang tanawin sa bansa.

 Naipagmamalaki ang kagandahan ng tanawin sa pamayanang kultura sa


pamamagitan ng likhang sining.
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Sila ang nakaimpluwensya sa mga Pilipino sa larangan ng likhang


sining gaya ng pagpipinta .
A. Amerikano B. Instik C. Kastila D. Hapon

2. Upang lalong maipalaganap ang Kristiyanismo, nagpipinta nila ang


mnga aral ng kristiyano sa
A. bubong B. pader C. sahig D. poste

3. Ang ______________ ay isang likhang sining na nagpapakita ng likas


na tanawin.
A. Landscape B. Espasyo C. Painting D. Portrait

4. Ang mga pangkat etniko sa Pilipinas ay may sariling paraan ng


pagpipinta bago pa man dumating ang mga Kastila.
A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Ewan

5. Malaki ang naitutulong ng mga landscape painting upang maipakita


ang pagpapahalaga natin sa mga likhang sining ng mga
makasaysayang tanawin.
A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Ewan
Aralin Kahalagahan ng Landscape na

7 may Kaugnayan sa Kasaysayan


ng Bansa
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang
kahalagahan ng landscape na may kaugnayan sa kasaysayan ng bansa. Bago
ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na
gawain.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Landscape pinakagitna background foreground Painting


Espasyo
pinakalikod Middle ground Portrait pinakaharap

1. Ito ang bahagi ng isang landscape painting ay tinatawag na


foreground.
2. Ang pinakalikurang bahagi ng landscape painting.
3. Ang distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang
sining.
4. Isang likhang sining na nagpapakita ng likas na tanawin.

Tiyaking malinaw ang pagbibigay ng panuto at nasusunod ito ng


maayos. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa pagsagot.
Tuklasin

Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Ano ang mga katangian ng mga nasa larawan?


Paano mo mailalarawan ang bawat isang likhang sining?
Ano ang kahalagahan ng bawat likhang sining sa kasaysayan ng bansa?

Suriin

Bago pa man dumating sa ating bansa ang mga Kastila,


mayroon tayong mga pangkat ng etniko na noon pa man ay
nagpipinta na ng mga likhang sining sa knilang mga tirahan at
maging sa katawan.
Ang masining na pagguhit at pagpipinta ay nakuha at
naipamana sa atin mga mga dayuhang kastila na nanatili sa ating
bansa. Ginamit nila sa paglaganap ng kristiyanismo sa ating bansa
ang pagpipinta sa mga pader ng simbahan at sa kung saan saan pa
upang ipakita ang makarelihiyosong aral ng mga kristiyano at dito
nagsimula na maipluwensyahan sa larangan ng sining ang mga
Pilipino.
Suriing mabuti ang mga larawan.

Paano nagkakaiba-iba ang bawat larawan?


Paano nagkakapare-pareho ang bawat larawan?

Pagyamanin

Pag-unawa sa kahalagahan ng landscape na may kaugnayan


sa kasaysayan ng bansa

Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi ng Gawain. Gawin ito sa iyong
sketch pad

Gawain 1.1: Lumikha ng isang landscape na nagpapakita ng mga pangyayari na


naganap sa panahong makabago o panahong kasalukuyan.

Gawain 1.2: Ipakita sa tulong ng isang landscape ang mga makasaysayang


pangyayari na naganap noong panahon ng mga magigiting na bayani
o panahon ng digmaan.

Gawain 1.3: Gumuhit ng isang landscape na nagpapakita ng mga istraktura at


kagamitan na naging bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.
Isaisip

Sa pamamagitan ng likhang sining o pagpipinta ng landscape,


naipagmamalaki natin at nabibigyang halaga ang mga likas na
pamana sa atin ng ating bayan, maging ng ating mayamang
kasaysayan. Taglay ng mga ito ang pambihiranmg disenyo na
maaring likas o gawa ng tao. Ang arkitektural na disenyo ng mga ito
ay nakapagpapatanyag din sa angking galing ng mga Pilipino.
Sa tulong ng pagpipinta ng mga landscape naipakikita sa atin
ang mga kaganapan o pangyayari noon, mga bagay na mayroon ang
mga Pilipino, mga tradisyonal na arkitektura at maging mga
pinagdaanan ng mga Pilipino.
Mahalagang isapuso at pahalagahan ang mga likhang sining
na ito upang manatili sa ating mga kaisipan na malaki ang naging
bahagi ng mga likhang sining na ito sa kaunlaran at kasaysayan ng
ating bansa.

Isagawa

paPinta-Vinta naman ng T-shirt


Ang Vinta ang isang tradisyonal na maliit na bangkang panghanap-
buhay sa Mindanao na kilala sa pagkakaroon ng layag na may
makukulay na pahabang tela.

Lumikha ng isang likhang sining na nagpapakita ng makulay na Vinta sa


isang magandang tanawin .

Mga Dapat Ihanda: Lumang T-shirt, pintura(acrylic), paintbrush, pansipit,


malapad na karton

Hakbang sa Paggawa:

1. Ihanda ang isang puting lumang T-shirt na gagamitin sa gawain.


2. Ilagay ang karton sa loob ng T-shirt at ipitin ang bawat sulok upang
mabanat ito.
3. Umisip ng magandang tanawin o lokasyon na nagpapakita ng Vinta at
ipinta ito sa unahang bahagi ng T-shirt.
4. Patuyuin ang likhang sining. Isuot ito at ipagmalaki sa mga kasamahan.
5. Ligpitin ang mga kagamitan matapos ang gawain.
Tayahin

Suriin ang likhang sining na iyong ginawa at lapatan ng kaakibat na


puntos gamit ang rubriks.

Hindi gaanong
Sukatan Napakahusay Mahusay
mahusay
1. Nakabuo ng
orihinal ma
disenyo sa
pagpipinta.
2. Nasunod mo
ba ang mga
pamamaraans
a paggawa
3. Naipakita ang
kahusayan sa
paggawa.
4. Ang likhang
sining ay
natapos sa
takdang oras.

Karagdagang Gawain

Ipinta sa isang cardboard ang simbahang makikita sa iyong


pamayanan. Isulat sa likod kung paano ito nagging makasaysayan sa
inyong lugar.
Answer Key

Subukin Balikasn
1. C 1. Pinakaharap
2. B 2. Background
3. A 3. Espasyo
4. A 4. landscape
5. A
References

LRMDS, Lesson Exemplar Grade 5: ARTS


LRMDS, Teacher’s Guide Grade V

https://www.pinterest.ph/pin/352688214542762340/
https://fineartamerica.com/art/paintings/bahay+kubo
https://fineartamerica.com/featured/nipa-hut-at-the-bay-bong-perez.html
https://fineartamerica.com/featured/nipa-hut-anna-baker.html
https://steemit.com/poetry/@jedhen/my-secret-love
https://fineartamerica.com/featured/tulong-tulong-sa-tag-ani-nubla.html
https://www.documentjournal.com/2019/02/finding-my-filipino-identity-in-maia-cruz-palileos-
art/
https://www.documentjournal.com/2019/02/finding-my-filipino-identity-in-maia-cruz-palileos-
art/
https://fineartamerica.com/featured/landscape-philippines-aristegui-julian-artistic-rifki.html
http://rodrigoira.wordpress.com
http://dungugkinaray-a.com/palantu.html
https://m.facebook.com/VINTASHSACD60/
http://www.magtxt.com/article/26/colorful-vintas-zamboanga
http://ericpgranada.wordpress.com
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like