Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Respeto at Tamang Liderato

Isang tula na isinulat ni: Jay Carlo H. Daganta, hango sa isang senaryo sa paaralan ng Coron School of Fisheries

Siya’y hinahangaan sa galing sa balagtasan,

Mabilis na salita yan ang kaniyang pamamaraan.

Malakas na tinig, na may tamang tono at diin

Ang susi niya sa pagkamit sa kampeonato, na kaniyang mithiin.

Siya’y may mataas na paninindigan

Mga prinsipyo at paniniwala, lahat ito’y kayang ipaglaban

Ngunit hindi lahat sa kaniya’y nagagalingan

Yabang at Talino, yan raw ang tangi niyang alam

Kuwento dito, Kuwento doon pati pagchichismisan

Iyan ang senaryo sa tuwing mageensayo sa paaralan

“DISIPLINA! DISIPLINA! Yan ang ating kailangan!”

Galit na sigaw niya sa mga kagrupo upang siya’y pakinggan

Marami ang naiinis sa kaniya ‘pagkat hindi magkaunawaan,

“Ayoko sumunod sa kaniya”, wika ng karamihan

Kanilang pageensayo tuloy nauwi sa sagutan,

Na tila baga’y nakikinig pa rin ng isang balagtasan

Tama na! Tama na! Tama na iyan!

Pagsinggit at pag awat ko, sa dalawang ulong naguumpugan

Kung kayo’y magpapatuloy, wala tayong patutunguhan

Hindi sigaw, yabang, talino, pagsuway, at galit sa isa’t isa ang kailangan.

“Bagkus, respeto at tamang liderato, tiyak ika’y susundin ng iyong nasasakupan”

You might also like