Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CHLOE MONSANTO

Coronavirus mula China kumalat na sa iba't ibang bansa;


Pilipinas nakaalerto
MAYNILA — Patuloy ang pagtatala ng mga bagong kaso ng 2019 novel
coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Wuhan, China at sa huling ulat
ay 9 na ang kumpirmadong patay sa naturang sakit. Bukod sa China,
may mga kaso na rin ng 2019-nCoV sa Thailand, South Korea, Japan,
Taiwan, Macau, Hong Kong, at maging sa Amerika.  Sa Pilipinas, sinabi
ng Department of Health (DOH) na may isang 5-anyos na lalaking
Chinese ang inoobserbahan sa Cebu City dahil sa coronavirus, pero
hindi pa tiyak kung ito ay kapareho ng virus mula China.  "Sa ngayon
bumubuti na raw ang kondisyon ng bata bagama't naka-isolate pa rin
ito. Naka-isolate din ang kaniyang nanay," sabi ni Health Secretary
Francisco Duque III. 

 ANO ANG CORONA VIRUS?


Ang coronavirus ay grupo ng mga virus na nakakaapekto sa respiratory
system ng tao. Madalas galing ito sa mga hayop. Maraming uri ng
coronavirus ang nagdudulot lang ng mild infections tulad ng sipon. Gaya
ng trangkaso, ang coronavirus infection ay nadadaan lang sa pahinga,
pag-iingat, at pag-inom ng gamot. Pero meron ding mabagsik na uri na
nagdudulot ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle
East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV). Sa ngayon ay
patuloy pang pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) ang
2019-nCoV.
"It is quite clear that the disease is transmitted from human to human.
In fact there is thinking that it may be capable of sustaining human to
human transmission," sabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, country
representative ng WHO sa Pilipinas. 
Magpupulong na ang WHO para pag-usapan ang magiging hakbang
laban sa sakit. 
"We have to do an assessment of whether this disease poses a risk
internationally, across borders and if so, whether we need to turn it
into a public health emergency of international concern which would
necessitate a more coordinated response across country," dagdag ni
Abeyasinghe.
Pinaiigting na ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Bureau of
Quarantine ang pagbabantay sa mga dumarating na pasahero lalo na
'yung mga galing China. 
Mas malaki ang posibilidad ng pagkalat ng sakit lalo't libo-libong
Chinese ang inaasahang darating at muling lalabas ng China para sa
Chinese new year. 

You might also like