BULALAKAW

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BULALAKAW

Ni German V. Gervacio
 
 
Hindi na abot ng isip ko kung kailan tayo nagkakilala at nagsimulang maging magkakaibigan.
Tayo nina Ding at Mara. Hindi pa tayo nag-aaral na dalawa ay magkakalaro na tayong apat.
Grade two na si Ding at Grade one naman si Mara. Inggit na inggit pa nga tayo kapag umuuwi
silang may kinaka ing iskrambol at kulangot-ng-Intsik. Si Ding ang malakas mang-inggit.
Uukitin niya ng hinliliit ang kulangot-ng-Intsik, sabay dila rito nang sa atin nakasulyap. Si Mara
naman ay pinatutunog pa ang pagsipsip sa iskrambol. Siyempre pa, maiinggit tayo at hihingi.
Lalung-lalo na ako. Kapag nakita nila akong may luha na sa mata ay saka pa lamang nila tayo
bibigyan. O kaya naman ay yaong mga teks mo at gagamba ang kapalit ng kinakain nila.
Ganoon lang naman tayong apat e, pero paglatag ng dilim, tayo pa rin ang magkakasama.
Sa lungsod tayo lumaki. Wala tayong matambayang bukid, sagingan o nakatumbang puno
kayang mauupuan. Kaya sa may bubungan namin tayo nagpapalipas ng oras. Dalawang palapag
ang bahay namin. May maliit na bintana sa may kuwarto ko sa ikalawang palapag na nakatapat
sa may bubungan. Ito ang dinaraanan ni Mama kapag nagsasampay siya ng mga nilab han. Ito
rin ang dinaraanan natin papunta sa bubong. Gawing-gawi mo pa nga noon, bago ako umupo ay
papalisan mo ng iyong sumbrero yung parte ng yero na uupuan ko at sasabihin mong: "O, ayan.
Puwede nang umupo si Prinsesa Aya." Susulyap sa akin sina Ding at Mara pero hindi ko pa
maintin dihan noon ang kahulugan ng sulyap na iyon. Gen, nami-miss ko na ang pagtawag mo
sa akin ng Prinsesa Aya.
Ang bubungan namin ang nagsilbing munting daigdig ng ating kamusmusan. Doon tayo
nagpipiknik, nagtutuksuhan, nagkukuwentuhan, naghaharutan at nagtatakutan. Si Ding ang
magaling manakot pero siya rin yung patakbo laging umuwi lalo na't inabutan tayo ng lalim ng
gabi. Pagdating sa tuksuhan, si Ding pa rin ang bida. Hindi iilang beses niya kaming napaiyak
ni Mara. Pero kapag siya naman ang tutuksuhin, de primerong bugnutin. Ano nga yung tukso
natin sa kanya? Ding Saging? Hi-hi-hi-hi. Pero pagdating sa kuwentuhan, bida ka na. Kahit mas
matanda sa iyo sina Ding at Mara, mas magaling ka at mas maraming alam na kuwento. Pero
minsan, para kang yung mga kuwento mo, mahirap maunawaan.
Kapag sawa na tayong magkuwentuhan, bababa na tayo sa bubungan, pero hindi pa iyon uwian.
Maglalaro pa tayo sa aming bakuran. Malimit ay taguang pung ang ating nilalaro. Madalas na
ikaw ang taya noon. Pero bakit ba kapag ikaw ang taya, hindi mo yata ako binu-bung? Kapag
ako naman ang taya, ay kung bakit ikaw lagi ang una kung nabu-bung? Nagpapa-bung ka bang
talaga noon, Gen? Minsan namang taya si Ding ay na-bung ka niya habang nagsisiksik sa
kulungan ni Watcher. Sa pag-uunahan n'yo para ma-save ay nasabit ang braso mo sa nakalaylay
na yero ng kulungan. Ako ang naglagay ng merthio late sa sugat mo. Hangang-hanga nga ako sa
iyo dahil hindi ka man lang umaray. Hindi tulad ni Ding na mapuwing lang para nang kinakatay
na baboy kung makangawa, hi-hi-hi-hi. Hanggang sa mag-aral na tayo ay wala pa ring
pagbabago. Taguan sa bakuran; piknik, tuksuhan at kuwentuhan sa bubu-ngan. Isa lamang ang
nadagdag. Ang pag-aaral at paggawa ng asaynment. Mahusay ka sa Math kaya't sa iyo ako
nagpapaturo. Ang ganda mo ngang masdan kapag nag-iisip ka. Salubong ang iyong kilay at ang
kamay mong may hawak na lapis ay nakasalo sa iyong baba. Pagkatapos ay iaabot mo sa akin
ang may sagot nang asaynment at sasabihin mong: "Ayan na po, Prinsesa Aya." Gen, nami-miss
ko na ang pagtawag mo sa akin ng Prinsesa Aya.
Kung minsan naman, kapag tapos na lahat ang asaynment natin, lalo na kung nagsusungit ang
langit, kukuha tayo ng tsok at magdodrowing ng araw sa bubong namin para hindi matuloy ang
ulan. Yung araw mo ang pinakamaganda, dahil nilalagyan mo pa ng mata at bibig na nakatawa.
Yung sa amin naman ni Mara, ang lilinggit. Tinutukso nga kami ni Ding na hindi raw ito
makapapatay ng ulan. Inggit lang siya dahil yung kanya ay hindi mukhang araw kundi parang
bukul-bukol na higad. Nahihirapan kasi siyang magdrowing sa alun-along latag ng yero. Kung
minsan ay hindi nga tumutuloy ang ulan at lumulukso-sumasayaw tayo sa ibabaw ng ating mga
araw. Pero kadalasan, wala tayong nagagawa kundi panoorin kung paano burahin ng ulan ang
ating mga araw at ihalo sa putik at kalawang ng bubong.
Parang isang kalabit lamang ang elementarya. Hayskul na tayo at nagsisimula nang mawalan ng
pang-akit sa atin ang taguan, piknik, iskrambol at kulangot-ng-Intsik. Nagsisimula na ring
humiwalay sina Ding at Mara sa atin. Madalas ay lumalabas silang hindi tayo kasama.
Nakaiinis sila. Hindi ba't ako naman ngayon ang nagsususpetsa na may milagrong nagaganap sa
dalawa? Pero kung anumang himala iyon, nakaii nis man ay natutuwa na rin tayong dalawa para
sa kanila.
Maraming pagbabago. Halos sunud-sunod at nahihirapan akong makaagapay. Hindi lamang
mga pagbabagong pisikal kundi sa isip at damdamin. Mga pagbabagong hindi ko mawari kung
ikalulungkot o ikatutuwa ko. Lalo ka na, Gen. May napansin akong malaking pagbabago sa
pagsasalita at pagkukuwento mo. Mas malalim kang magsalita ngayon. Mas malalim.
Tayo lang ang nasa bubungan noon. Katatapos lang ng ulan at basa ang bubungan. Sinapinan
mo ng sumbrero ang uupuan ko at yung sinelas mo naman ang iyong inupuan. Wala kang imik
at nakatingala sa maaliwalas na kalangitan. Tahi mik ang gabi. Ang walang ingay na pagpikit at
pagdilat ng mga bituin ang pinagmamasdan mo. Kinalabit mo ako at pi natingala.
"Masdan mo ang mga bituin. Andami-dami nila. Kumpul-kumpol at maniningning. Pero parang
hindi sila nakapagbibigay ng liwanag sa daigdig. Parang nandiyan lamang sila para purihin at
hangaan. Parang kapag lalo mong hinahangaan, ay lalong nagniningning,
nagmamagaling...lalong nagyayabang"
Hindi kita maintindihan, Gen.
"Kaya ako, ayoko ng mga bituin. Kung nagbibigay man sila ng liwanag, kailangan namang
suklian mo ng iyong pagha-nga."
"E ano naman ang gusto mo?"
"Nakakita ka na ba ng bulalakaw? Iyon ang gusto ko. Maaaring saglit lang siyang magbigay ng
liwanag pero katumbas naman iyon ng kanyang buhay. At bigla-bigla na lamang siyang
maglalaho, na para bang nahihiyang mapasalamatan. Maaaring sa isang dulo ng kalawakan siya
hihimlay ngunit makaaasa kang siya'y babalik. Bukas? Sa isang taon? O sa iba pang pana hon.
Babalik siya habang nabubuhay ang daigdig sa dilim ng mga bituin."
Hindi talaga kita maunawaan noon, Gen.
Hanging dumampi ang panahon. Parang kahapon lang ay sina Ding at Mara ang nagtapos.
Ngayon ay tayo naman. Isang sumbrerong pambeysbol ang regalo ko sa iyo. Napansin ko
kasing lumang-luma na ang sinusuot mong sumbrero. Bakit nga ba ang hilig-hilig mong
magsumbrero? Isang kard naman ang handog mo sa akin. Mas nahihiya kaysa nagmamagaling
ka nang sabihin mong sariling gawa mo iyon, sabay sa pagbibirong wala ka kasing pambili.
Paalala mo rin na doon ko na sa bahay namin basahin dahil nahihiya ka. Umoo naman ako. Pero
dahil sabik na rin akong mabasa ang laman nito, kunwari ay nagpa-alam akong pupunta sa C.R.
Noon ko uli napatunayang magaling ka talagang magdrowing. Sa pambungad ng kard ay
dibuho ng dalawang batang nakaupo sa damuhan at nakasandal sa puno. Tinitingala nila ang
isang bulalakaw na humihiwa sa madilim na kalawakan. Oo, Gen. Alam ko na ngayon kung ano
ang bulalakaw. Binuksan ko ang kard at nabasa ko roon ang iyong pagbati at dalangin na sana'y
maabot ko kung anuman ang aking pangarap. Nasa akin pa rin hanggang ngayon ang kard na
iyon, Gen.
Nag-usap tayo kung ano'ng kurso ang kukunin natin sa kolehiyo. Medicine ang gusto ko. Ikaw,
gusto mo sanang mag-Fine Arts pero Engineering naman ang gusto ng father mo. Okey lang
naman 'yon, sabi ko, dahil magaling ka naman sa Math. Tumangu-tango ka lang.
Napagkasunduan din natin na parehong unibersidad ang ating papasukan.
Nagbukas ang klase. Walang Gen akong nakita sa kampus. Hindi ka rin nadadalaw sa bahay.
Pero makipot pa rin ang mundo natin. Sa may kanto sa abangan ng sasakyan tayo nagkita.
Nagulat ka pa nang kalabitin kita mula sa likuran. Nakasumbrero ka ngunit hindi iyon ang bigay
ko sa iyo nung graduation. Sabi mo ay ayaw mo iyong maluma, kaya hindi mo isinusuot. Pinuri
mo ang uniporme kong puti at sinabing: "Ang Prinsesa Aya ay isa na ngayong
pinakamagandang doktora." Inirapan lang kita subalit sa loob-loob ko'y siyang-siya ako. May
sukbit kang knapsack no'n. Sabi ko pa nga ay ang labo mo naman dahil napagkasunduan nating
parehong unibersidad ang papasukan pero bakit eto ngayon at sa ibang eskwelahan ka pumasok.
Natigalgal ako nang sabihin mong hindi ka naman nag-aaral at nagtatrabaho ka. Sabi mo pa nga
na mas okey magtrabaho. Kumikita ka na, wala pang homework at proyektong gagawin
pagdating sa bahay. Pero Gen, alam kong sa kaloob-looban mo'y mas matimbang pa rin sa iyo
ang pag-aaral. Hindi ko na nalaman ang tunay na dahilan kung bakit hindi ka nakapagpatuloy
ng pag-aaral. At madalang na kitang makita buhat noon.
Ayoko mang isipin, pero nararamdaman kong unti-unti na tayong nagkakalayo, Gen. At
nahihirapan ako. May kahulugan ka sa akin na hindi ko maipaliwanag. At ito ang lalong
nagpapahirap sa akin. Nais kong mabatid kung ano ka talaga sa akin ngunit nawalan na ako ng
lakas at pagkakataong malaman iyon. Madalas ay naroroon ka sa aking panaginip ngunit hindi
bilang isang kalaro o kaibigan kundi isang katuwang sa pag tuklas ng isang misteryo sa buhay--
ng kadalisayan ng kaloo ban--ng karurukan ng damdamin. At nalulungkot ako kapag
namumulat sa katotohanang wala ka sa aking tabi.
Nasundan ko ang kalagayan mo sa pamamagitan ng tagni-tagning mga balita na paniwalaan ko't
dili. Iniwan daw kayo ng father mo kaya malaki na raw ang ipinagbago mo. Kung ano ang ibig
sabihin ng "iniwan," hindi ko na nilinaw. Natuto ka na raw manigarilyo, maglasing at may
nakapagsabi pa sa akin na nagda-drugs ka pa raw. Noong una ay pinili kong huwag maniwala
dahil kung meron mang higit na nakakikilala sa iyo, ay ako iyon. Ngunit isang beses na pauwi
ako galing sa eskwela ay nadaanan kitang mag-isang umiinom sa restawran sa may kanto.
Lalapitan sana kita ngunit nang mamataan mo ako ay bigla kang tumayo at pumasok ng C.R.
Nainip ako sa paghi hintay sa paglabas mo kaya't umalis na lang ako. Hindi ko maintindihan
ang nangyayari sa iyo, Gen. Hindi mo man lamang ako binigyan ng pagkakataong maunawaan
ka. Kaya hindi ko man kagustuhan, nagsisimula na akong magdamdam sa iyo.
Minsan ay ginabi ako nang uwi dahil inabot ako ng ulan sa U-belt. Umaambon-abon pa nang
dumating ako sa may atin. Namataan kita sa tapat ng bahay namin at nakatitig sa maliit na
bintana sa aking kuwarto. Nami-miss mo rin pala ang bintanang dinaraanan natin papunta sa
bubungan namin. Natuwa ako. Nilapitan kita. Iiwas ka sana ngunit huli na dahil nasa harapan
mo na ako. Amoy alak ka ngunit hindi ako nagpa halatang naiilang ako sa iyo. Kinumusta mo
ako at kinumusta kita. Parehong ang sagot natin ay "Mabuti." Pinipilit mong huwag ipahalata sa
akin na nakainom ka. Pinipilit ko ring huwag ipahalata sa iyo na nahahalata ko. Pinapapasok
mo na 'ko sa amin dahil baka kamo maputikan pa ang puti kong uni porme. Pinadadaan muna
kita sa bahay pero ayaw mo. May ibibigay ka lang kamo sa aking sulat. Isang linggo na lang ay
debut ko na no'n. Inimbita kita ngunit sabi mo ay may trabaho ka at hindi ka pa pupuwedeng
umabsent. Gusto kitang yakapin nang gabing iyon, Gen. Parang nasa mga bisig mo ang ibang
bahagi ng aking katawan. Parang ikaw ang nawawalang bahagi ng kaakuhan ko. Gusto kitang
yakapin ngunit babae ako. Nais kong damhin ang init ng iyong dibdib at hininga ngunit hindi ko
nagawa. Hindi ako nakakain at nakatulog nang gabing iyon.
Ang iniabot mong sulat ay isa palang tula. Paulit-ulit kong binasa ang tulang iyon kahit hindi ko
maunawaan. Paulit-ulit kong binasa ito dahil sa ganitong paraan ko lamang muling nadarama na
malapit ka na namang muli sa akin. Malalim ang tula mo para sa akin. Malalim, tulad mo. At sa
pagpipilit kong maabot ang kalalimang iyon ay nasasaktan ako.
Nagsisimula na akong magalit sa iyo, Gen. Hindi kita mauna waan at pipilitin kong limutin ka.
Nagkalat ang makikisig sa kampus. At ang sapot ng pag-ibig ay laging nakahandang bumilot sa
mga pusong may hapis. At si Ron ay isang gagambang totoo. Biglang nagliwa nag ang aking
daigdig. Ngunit bakit gayon na sandali lamang? Isang umaga ay nagising ako na hindi ko na
siya mahal, na hindi ko pala siya minahal. At ikaw, Gen. Ang mga alaala mo ang nagwawasak
sa sapot na pinipilit naming mabuo. Dumating sa buhay ko si Emil at nawala. Dumating si Pete.
Minahal niya ako. Sinamba. Subalit parang sumpang hindi nila maibigay ang liwanag na
hinahanap ng aking puso. Hanggang sa bantaan pa nga ako ni Pete, na kung hindi rin lang ako
mapa pasakanya ay mabuti pang hindi na ako pakinabangan ng iba. Sila ba ang sinasabi mong
mga bituin, Gen? Kung mayroon lang sanang isang bulalakaw...
Isang gabi'y bumuhos ang napakalakas na ulan. Naalim pungatan ako sa langitngit ng
nabuksang bintana. Bumangon ako upang isara ito nang biglang may humaltak sa akin. May
itinapal siyang kung ano sa sakop ng bibig ko't ilong. Naupos ako sa sangsang nito. Hindi ko
nagawang manlaban ngunit buhay ang diwa ko't kamalayan. Walang banta ng pagti la ang ulan.
Nang makabawi ako ng lakas kinaumagahan, ikaw agad ang naisip kong puntahan, pero ang
balita naman ng pagkamatay mo ang gumimbal sa akin. Natagpuan kang laslas ang
magkabilang pulso at putok ang ulo sa pagkakauntog sa dingding ng iyong kuwarto. Iyon ang
araw na nagmistulang itim na lamang ang kulay ng mundo.
Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang pangyaya-ring iyon. Okey na 'ko ngayon, Gen.
Naririto ako sa bu bungang naging saksi sa ating kabataan. Kahuhupa lang ng isang
napakalakas na ulan. Sori, Gen. Malinggit lang uli kasi ang nagawa kong araw kaya hindi nito
napatay ang ulan. Basa pa ang yero pero sinapinan ko ng sumbrero mo. Oo, Gen. Sa
pagmamadali mo siguro nung gabing iyon ay naiwan mo itong sumbrerong gift ko sa iyo. Ang
sarap-sarap dito sa bubong--malamig. Pinabababa ako ni Mama pero ayaw ko. Iyak nga siya ng
iyak, e. Pero hindi ko siya pinapansin. Nakata naw ako sa kalangitan at pinagmamasdan ang
pagpikit at pagdi lat ng mga bituin habang dinarama ang pumipintig na buhay sa aking
sinapupunan. Pero huwag kang mag-alala, Gen. Walang makaaalam nito, tayo lang dalawa.
Pinagtitinginan nga ako ng mga taong nagdadaan, e. Buhat daw nang mawala ka ay naging
ganito na ako. Bakit Gen? May mali ba sa ginagawa ko? Pati nga si Mama at Papa, narinig ko
minsang may kausap na lalaki. Sabi nung salbaheng mamang iyon sa kanila na baliw raw ako.
Hi-hi-hi, nakakatawa 'no? Si Prinsesa Aya, baliw? Bakit Gen, baliw ba ang tawag nila sa isang
buntis na gabi-gabi'y nasa bubungan at naghihintay sa pagbagsak ng bulalakaw?

You might also like