Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit kailangang pag-aralan ang akademikong sulatin? Anong kasanayan ang matutuhan
mo sa sulating ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Anong dapat taglayin ng isang akademikong sulatin?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano pang katangian ang maaari mong idagdag upang ika’y magkaroon ng mahusay
na sulating pang-akademiko? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Sa inyong palagay, alin/ alin-alin sa mga nabanggit na layunin ang karaniwang dapat
makamit ng bawat mag-aaral?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng
kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para rin sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura,
karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga
impormasyon at saloobin.

Sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayang


pagsulat. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Ito ay may simula, gitna, at wakas.Ito
ay gumagamit ng pilimpiling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa
paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng
kaalaman.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

1. Pormal- hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.

2. Obhetibo-pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang
larangan. Binibigyang-diin ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa. (Alejo et al 2015).

3. May paninindigan- Ito ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliwanag at binibigyang-
katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.

4. May pananagutan- mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat ay isang kasalanang
may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.

5. May kalinawan- dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon kung kaya’t ang
pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.

Mga Layunin ng Pagsulat

1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing


pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikng pagsulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda
kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastog konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging
inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa
ng portfolio.

Mula sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


Ni: Florante C. Garcia

You might also like