Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa buhay,marami tayong nalalagpasang pagsubok, ang iba dito ay sumasalamin sa ating sarili ang iba

ay nagsasabing ito ang dapat nating gawin. Minsan ito ay kabaliktaran. Mayroong
pakikibaka,mayroon ding hindi magandang araw. Tila araw na kailan man ay hindi matatapos, araw
na tuloy-tuloy lamang, na kung saan masasaktan tayo sa bandang huli. Karamihan sa iba ay talaga
namang sumusuko ngunit ang iba naman ay nagpapatuloy hanggang sa magtagumpay sa buhay. Ang
gabi ay madilim bago lumipas, ngunit paano natin malilimutan ang bahaghari kapag tapos na ang
ulan?

Nauunawaan natin kung ano ang pagmamahal, ang pagbibigay, ang pagtitiis, ang makahanap ng
kasiyahan, ang magbigay kasiyahan ngunit ang hindi natin maunawaan ay ang sarili natin noong mga
panahong iyon. Ang buhay ay kayang magsinungaling sa atin at walang kahit sinuman ang
makapagpapatigil nito,kaya nitong laruin ang ibat-ibang laro nang walang nakakaalam ni isa sa atin
dahil walang kumokontrol nito. Pero kahit na anong mangyari sa buhay ,mangyayari pa rin ang
nararapat. Nararapat para sa lahat.Kahit na anong desisyon ang mapili ito na ang nakaplano dahil
dito kailan nating tanggapin ito ng maluwag sa ating puso.

Kailangan nating sumunod sa kung ano ang totoo, dahil kahit ano pang gawin nating paghihirap para
lang pagpilitan ang ating sarili sa mundong hindi perpekto, hindi tayo makikilala sa kung ano tayo.
Lagi nating kinakailangang maramdaman kung ano ang mga bagay na nakapaligid sa atin. Pero ang
hindi natin napagtatanto ay gusto rin ng iba na maging masaya hanggang sa huling araw. Nais nilang
matagpuan ang taong mamahalin sila at ipagmamalaki ayon sa kung ano sila. Sa buong maulang
gabi, sa buong malungkot na gabi,sa lahat ng buong malamig na ala-ala.

You might also like