Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
School Division of Tarlac Province
San Manuel District
Pacpaco Integrated School
S.Y. 2019-2020

Ikatlong Markang Pagsusulit sa


FILIPINO 10
Pangalan_____________________________________ Iskor_____________
Lagda ng Magulang____________________________ Petsa____________

 Nang isinulat mo ang pangalan mo sa papel na ito iyon ay nangangahulugang sumasangayon sa


kasunduan na bawal mangopya at sa pagkakataong mahuli ka ay maaring magkaroon ng
kaparusahang mapunit ang papel na ito o hindi kaya ay hindi ka na payagang matapos ang
pagsusulit.

I. Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik na
sagot sa patlang.

____1.Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng mga kababaihan.


A. Matrilinear B. Patrilinear C. Faza D.
Gala
____2.Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng mga kalalakihan.
A. Patrilinear B. Matrilinear C. Ozi D.
Faza
____3.Ito ang katangiang taglay ni Liongo kaya’t siya ay naging matagumpay na mandirigma.
A. mahusay na makata C. mataas na tulad ng higante
B. magaling umawit D. di nasusugatan ng ano mang armas
____4.Batay sa akda anong kultura ang ipinakita ng mga tauhan.
A. pagpapahalaga sa kapangyarihan C. traydor sa kalaban upang magtagumpay
B. paggamit ng agimat upang magtagumpay D. paglilihim ng taglay na kapangyarihan
____5.Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Liongo”?
A. Ang kapangyarihan ng tao ay di maaaring maagaw ninuman.
B. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan ay nawawala sa gayunding kaparaanan.
C. Maaaring magtraydor ang sariling anak sa kanyang ama.
D. Itinatago ng ina ang lihim ng sariling anak.
____6.Alin sa mga sumusunod ang hindi nagiging kamalian o kahinaan
sa pagsasalin?
A. Nagbabago ang diwa ng orihinal C. Maling pili ng terminolohiya
B. Madaling maunawaan ang kahulugan D. Maling anyo ng gramatika
____7. Lahat ay katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin maliban sa isa. Alin ito?
A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kassangkot
B. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wika
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng isang bansang kaugnay sa pagsasalin
D. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

Para sa bilang 8-10, Piliin ang pinakamabisang salin ng mga sumusunod.

____8.It’s better to have loved and lost than never to have loved at all.
A. Mabuti pa ang umibig at nawala kaysa hindi umibig kailanman.
B. Mabuti pa ang hindi umibig kaysa masaktan lamang.
C. Mabuti pa ang mahalin lamang kaysa ikaw ang magmahal.
D. Mas mabuti pa ang masaktan ngayon kaysa bukas pa roon.
____9.Laws grind the poor and the rich man rule the law.
A. Ang batas ang nagpapahirap sa mga aba samantalan ang mga mayayaman ang nagpapatakbo sa batas.
B. Mapalad ang mga mayayaman sapagkat sila ay nakapangyayari sa mga mahihirap.
C. Walang pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas.
D. Ang batas ay ginawa para lalong pahirapan ang mahihirap at pagaanin ang buhay ng mayayaman.
____10.I listen to Mozart.
A. Pinaikinggan ko si Mozart.
B. Kinagigiliwan kong makinig sa musika ni Mozart.
C. Nakikinig ako kay Mozart.
D. Nakikinig ako kay Mozart at sa kanyang musika.
____11.Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang
kilala, sikat o tanyag na tao.
A. anekdota B. kwento C. kata-kata D. makatotohanan
____12.Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa.
A. Saadi B. Nassreddin C. Liongo D. Faza

____13.Ito ang katangiang taglay ni Mullah na tinataglay kahit saan man magpunta.
A. mahusay na magpatawa C. mataas na tulad ng higante
B. magaling umawit D. di nasusugatan ng ano mang armas
____14.Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito?
A. pagpapahalaga sa kapangyarihan
B. nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais ipabatid
C. traydor sa kalaban upang magtagumpay
D. paglilihim ng taglay na kapangyarihan
____15.Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “MullahNassreddin”?
A. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sangayin.
B. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatwirang paraan ay nawawala sa gayunding kaparaanan.
C. Dapat matutong maging matyaga sa lahat ng oras.
D. Pagsasabi ng makatotohanan bagay.
____16.Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga
kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
A.kwento B. pagsasalaysay C. talumpati D. tulang pasalaysay
____17.Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay
A.sariling karanasan B. narinig C. napanood D. likhang isip
____18.Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
A. nobela B.tula C. dula D.maikling kwento

Para sa bilang 19-20. Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang tinutukoy sa bawat bilang at itama kung mali ang
ipinapahayag.

____19.Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at


pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at
pagbangggit ng napakaraming pook na nangyarihan ng salaysay.
____20.Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang
mga mambabasa.
____21.Ito ay ginagamit upang makapagbigay ng mahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin.
A. Tula B. Talumpati C. Sanaysay D. Maikling Kwento
____22.Ang_______________ ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isulat.
A. Balangkas B. Banghay C. Elemento D. Sangkap
____23.Siya ang nagbigay katawagan na “essai”sa wikang Pranses ang sanaysay.
A. Edgar Allan Poe
B. Alejandro G. Abadilla
C. Aristotle
D. Genoveva Edroza Matute

Para sa bilang 24-25. Tukuyin kung anong uri ng sanaysay ang tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap.

__________________24.Uri ng sanaysay na nagbibigay impormasyon at may maingat na pananalita.


__________________25.Uri ng sanaysay na nagsisilbing aliwan o libangan at ang himig ng pananalita ay
parang nakikipag-usap lamang.

Para sa bilang 26-30. Suriin ang mga pangungusap kung ito ay tuwiran o di-tuwirang pahayag.

__________________26.Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaking
Pilipino.
__________________27.Kapag nagpatuloy ang El Niño ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao
ang magutom.
__________________28.Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa
Senado.
__________________29.Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na
kakayahan ng kapwa.
__________________30.Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na
dinarayo ng mga turista.
____31.Alin sa mga salitang ginamit sa akda ang may masidhing damdamin.
A. lumbay
B. dalamhati
C. pighati
D. pagdurusa
____32.Tinutukoy na persona sa akda?
A. ina
B. kapatid
C. asawa
D. pinsan
____33.Ang munting supling sa tula ay inilaan ng ina upang maging isang:
A.manananggol B.mandirigma C.mangingisda D. mangangaso
____34.Putol na tinapay at santabong sabaw
Sa nabuksang pintoy iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay
Ang ____________ ang kahulugan ng talinhagang ipinapahayag sa tula.
A.kawalan ng katarungan
B.kaapihan ng bilanggo
C.kakulangan sa pagkain
D.nararanasang gutom ng mahirap
____35.Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat mong tula, Anong matatalinhagang pananalita ang
iyong ilalapat kung ang nais mong ipahiwatig ang salitang pighati
A. Kalungkutan ang nadarama
B. Lungkot sa mukha
C. di-maunawaang damdamin
D. maasim na mukha
____36.Ang mga sumusunod ay mga salitang magkakaugnay maliban sa
A. nananalaytay B. nangingibabaw C. namamayani D. naiiba
____37.Paano ipinakita ng mga kapitbahay ang kanilang malasakit sa alaga ni Kibuka?
A. Iginawa nila ito ng sariling tirahan.
B. ipinapasyal nila ang alaga ni Kibuka
C. Dinadalhan nila ito ng tirang pagkain
D. Pinapaliguan nila ang alaga ni Kibuka?
____38.Batay sa akda anong kultura ang ipinakita ng tauhan?
A. pagmamahal sa mga hayop
B. pagpapahalaga sa kalikasan
C. mabuting pakikipagkapwa-tao
D. pagiging masinop
____39.Ang kaisipang nais bigyang pansin sa akdang “Ang Alaga”?
A. Ang lahat ng hayop sa mundo ay kailangang ingatan at pahalagahan.
B. Alagaan ang mga hayop na nagbibigay kasiyahan.
C. Bigyang pansin kung ano maibibigay ng mga hayop sa atin.
D. Ang pagmamahal sa isang alaga ay panghabambuhay.
____40.Paano nakakatulong ang maikling kwento sa higit nating pagkilala sa ating sarili at lipunang
kinabibilangan?
A. Nailalarawan ng kwento ang kalagayang panlipunan at ang katangian ng mga tauhan dito.
B. Nagbibigay ng aliw ang bawat kwentong ating nababasa.
C. Nadadala tayo ng kwento sa iba’t ibang panahon, lugar at pagkakataon.
D. May mga aral tayong mapupulot dito na masasalamin ang ating pagkatao at lipunang ginagalawan.
____41.Alin sa sumusunod na pangkat ng salita ang hindi magkakaugnay?
A. Mangangaso Panday Kawal
B. Anting anting Manghuhula salamangkero
C. Maskara Posporo Paru-paro
D. Tauhan Tagpuan Tunggalian
____42.Ang sumusunod ay mga katangian ni Rizal maliban sa:
A. Gumamit ng tapang at talino
B. Lumaki sa karangyaan
C. Nasaksihan sa iba’t ibang panig ng mundo ang bunga ng karahasan
D. Maalab na napanday ng karalitaan
____43.Ang sumusunod ay maiuugnay kay Bonifacio maliban sa:
A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Kartilla ng Katipunan
C. El Filibusterismo
D. Sigaw ng Pugad Lawin
____44.Alin sa sumusunod ang sanhi ng hidwaan sa pagitan ni Mari Djata at Dankaran Touma?
A. Nagmahal sila sa iisang babae.
B. Pareho silang napagbintangan sa isang krimen.
C. Pareho silang anak ng hari at nagtatagisan ng lakas para sa tronong iniwan ng ama.
D. Wala sa pagpipilian
____45.Bakit marami ang nag-aalinlangang maniwala sa hula ng isang mahiwagang mangangaso na magiging
isang makapangyarihang pinuno si Mari Djata?
A. Anak siya sa ikalawang asawa ng hari
B. Pitong taong gulang na ito subalit hindi pa nakakapaglakad
C. Namumuhay lang itong isang kahig isang tuka
D. Hindi siya tanggap ng amang hari.
____46.Ayon sa akda, kung ikaw ay nakapatay ng tao sa isang tribo paano ka makikipagkasundo ng kapayapaan sa kalahi
nito?
A. Mag-alay ng isang katribo sa lahi ng taong napatay.
B. Makipagdigma sa kabilang tribo.
C. Ang isa sa mga anak ng nakapatay ang ipapalit sa nasawi.
D. Humingi ng tawad sa pamilyang pinagkasalaan.
____47. Bakit nasabi ni Obierika ang mga katagang ito? “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon,
dahil sa kanyang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.”
A. Para sa kanila ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan.
B. Para sa kanila ang taong nagpatiwakal ay parang isang hayop.
C. Isang pangkaraniwang bagay lamang ang pagpapatiwakal.
D. Ang pagkitil sa sariling buhay ang maghahatid sayo sa kaluwalhatian.
____48. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng Lupa?
A. Nagkasakit si G. Brown.
B. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
C. Sumanib ang isang masamang espiritu.
D. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.
____49. Sa iyong palagay, bakit ginusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
A. Mahina ang kanyang ama.
B. Gusto niyang maghiganti sa kanyang ama.
C. Dahil walang kwenta ang kanyang ama.
D. Gusto niya ng karangalan, katanyagan at pangalan.
____50. Piliin ang angkop na kahulugan ng salitang yumao batay sa pagkakagamit sa bahagi ng nobela.
A. Pumanaw B. Lumisan C. Nanghina D. Nawalan ng pag-
asa

Wala dito si Chito, si Chito Mianda! Wala din dito si Kiko, si Francis Magalona! Wala din si Gloc 9, wala
siyang apelyido.” Pero Nagbabagsakan ditov

Prepared by:

MARY ANN D. SALGADO


Filipino Teacher

Noted:

ROWENA M. BERNAL
ESHT-I

You might also like