Alamat NG Lawa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alamat ng Lawa

Rick Einztein Vivit

Sa isang nayon na tinatawag na lawakan, madaming mamamayan at lahat ay


magkakamag-anak na masayang namumuhay roon.May naglalakihang mga
bahay,magagarang mga sasakyan at napakalawak na lupain. Bawat bahay ay may
TV, refrigerator, at mga usong appliances. Sa pagtulog ay may katabing alagang
hayop bilang bantay sa magdamag kagaya ng husky.

Hanggang sa isang araw, may bagong residenteng dumating at tumira roon.


Isa siyang mayaman at mayabang na babae. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya.
Lahat ng mga sinasabi niya o ipinagyayabang niya sa mga kapitbahay ay
nagkakatotoo o di kaya'y napapasakanya. Inis na inis ang mga kapitbahay niya
dahil sa ugali nito. Akala niya ay siya lang ang may ganoon ngunit nagkakamali
siya. Hanggang may isang lalakeng nagkalakas ng loob para higitan ang mga bagay
na mayroon ang babae. Kung ang TV ng mayabang na babae ay flatscreen siya
naman ay touchscreen, kung ang ref ng babae ay two doors siya naman ay may
sliding door ng ref. At dahil sa ginawa ng lalake na paghigit sa mga bagay na
mayroong ang babae ay gusto rin na mas higitan pa ng mga residente sa lugar,
ang mga bagay na mayroon ang lalake o dikaya'y gayahin kung ano naman ang
mayroon sa kanya.

At habang tumatagal, ang masayahing nayon ay napuno ng inggitan. Dahil


dito nagalit ang Diyos, nagkaroon ng napakalakas na lindol sa lugar. Parang
magugunaw ang mundo. Pagkatapos lumindol ay bumugso naman ang
napakalakas na ulan, ang mga lupain doon ay bumaba ng bumaba at ang tubig ay
nanatili doon. Ang mga tao at lahat lahat ng mga ariarian doon ay lumubog rin.
Dahil doon nagkaroon ng isang napakalawak na anyong tubig. Kung saan dito
nailining ang mga taong hindi nakuntento sa kung ano ang meron sila. Kalaunan
ang tubigang ito ay tinawag na lawa, hinango sa pangalan ng dating lugar na
lawakan.

You might also like