Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Zambales
Iba District
BANGANTALINGA ELEMENTARY SCHOOL-106870

JOINT INSTITUTIONAL INVESTITURE CEREMONY


PART I-INVESTITURE CEREMONY

A. Pagtatanghal ng mga Sagisag

Philippine National Flag Vince Ivan Delos Santos


Bangantalinga ES Flag Louis Fernandez
BSP Flag Christopher Uy
GSP Flag Kyla Marez Ramirez
Kab Scout Flag Clark Uzumakit T. Nengasca
Star Scout Flag Nicole Austria
Kid Scout Flag Xian Osmarc Cubilla
Twinkler Scout Flag Blessed Merindo
B. Panalangin – Troop Leader Rina O. Tolentino
(Itungo natin an gating mga ulo at damhin ang presensiya ng Panginoon)

Panalangin

O Makapangyarihang Diyos, Ama ng sangkatauhan


Pinupuri ka naming, sapagkat ikaw lamang ang katas-taasan

Salamat po O Diyos
Sa mga pagpapalang ipinagkaloob niyo sa amin
At sa pagkakataongibinigay nonyo
Upang kami ay magkasama-sama sa pagkakataong ito.

Ama naming, iniaalay po namin sa inyo


Ang aming kinabukasan
Basbasan po ninyo kami, pagpalain at bigyang lakas
Upang magampanan ang aming tungkulin
Bilang mga Scouts.
Basbasan niyo Ama ang aming mga magulang
Gayundin ang aming mga namumuno sa amin
Nawa’y mabigyang tanglaw
Ang landas na aming tatahakin
Tungo sa isang maganda at kaaya-ayang bukas

Ang lahat ng ito ay hinihiling namin


sa Ngalan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.

C. Pambansang Awit- Troop Leader Carmen V. Ortiz

D. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas – John Vincent Maniago


(Scout Sign)
Ako ay nanunumpa ng katapatan
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Ang Republika ng Pilipinas
Na may dangal,/katarungan,/at kalayaan./
Na pinakikilos ng sambayanang, Maka-Diyos,/Makatao,/Makakalikasan,/at Makabansa(Ready Front)

PART II-INVESTITURE PROPER


TROOP LEADER ELIZABETH M. CENTENO:
“Magandang hapon po sa inyong lahat. Matutunghayan po natin ngayon ang panunumpa ng Boy Scouts, Girls
Scouts, Kab Scouts, Star Scouts, Kid Scouts at Twinkler Scouts na mga kasapi ng kapatirang Scouts ng Pilipinas.”

INSTUTITUTIONAL SCOUTING REPRESENTATIVE: DR. JOSEPHINE D. LAVILLA


(Iilawan ang malaking kandila)
“Ang kandilang ito ay sumasagisag sa ating samahan, ang Scouting. Mula sa liwanag ng kandila ay sisindihan ng
mga piling scouts ang mga kandilang sumasagisag sa mga katangiang dapat taglayin ng Boy Scouts, Kab
Scouts,Kid Scouts, Girl Scouts, Star Scouts at Twinkler Scouts.”

TROOP LEADER IRENEA T. FALLORIN:


( Hawakan ang puting kandila at iabot sa Boy Scout Patrol Leader Niethan Wyll Abrigo)

PATROL LEADER NIETHAN WYLL ABRIGO


(Magpupugay kamay kay Troop Leader Irenea T. Fallorin bago kunin ang kandila. Hahawakan ang kandila
habang nagsasalita si Troop Leader Irenea T. Fallorin. Sisindihan pagkatapos banggitin ang sinasagisag ng
puting kandila at saka ilalagay sa patungan)

TROOP LEADER IRENEA T. FALLORIN


“Kalinisan. Kalinisan ng isip, puso at gawa. Kabutihan at hindi kasamaan ang lagging hangad sa kapwa. Mga
kaibigan at mga mahal naming mga magulang tulungan ninyo kami sa tuwid na landas ng buhay. Panawagan
naming ay ,kayo sana an gaming maging huwaran.”

TROOP LEADER AUGUSTO C. FERMIL


( Hawakan ang pulang kandila at iabot sa Boy Scout Patrol Leader Kurt Brandon L. Fisco)

PATROL LEADER KURT BRANDON L. FISCO


(Magpupugay kamay kay Troop Leader Augusto C. Fermil bago kunin ang kandila. Hahawakan ang kandila
habang nagsasalita si Troop Leader Fermil. Sisindihan pagkatapos banggitin ang sinasagisag ng pulang kandila
at saka ilalagay sa patungan)

TROOP LEADER AUGUSTO C. FERMIL


“Sagisag ng Katapangan. Katapangan sa Pagtanggap ng kamalian. Katapangan sa pagharap sa pagsubok,
katapangan sa pagtanggi sa maling gawa. Mahal naming mga kaibigan at mga magulang, ipakita ninyo sa amin
ang tunay na kahulugan ng katapangan nang kay ay aming tularan.”
TROOP LEADER MARA F. GARCIA
( Hawakan ang kandilang buhgaw at iabot sa Boy Scout Patrol Leader Vincent Jason L. Dial)

PATROL LEADER VINCENT JASON L. DIAL


(Magpupugay kamay kay Troop Leader MARA F. GARCIA bago kunin ang kandila. Hahawakan ang kandila
habang nagsasalita si Troop Leader Garcia. Sisindihan pagkatapos banggitin ang sinasagisag ng kandilang
bughaw at saka ilalagay sa patungan)

TROOP LEADER MARA F. GARCIA


“Kapayapaan ang hatid sa atin, katahimikan, katiwasayan sa pamumuhay. Walang panganba. Walang panganib.
Aming mga magulang, mga pinuno ng paaralan at pamahalaan, Ang mga bata ay may kasarinlan pa ba sa
kinabukasan? “Tulungan ninyo kami, bukas naming ay huwag ninyong kunin”, ito’y mumunting kahilingan mula
sa kabataang bukabas ay siyang pag-asa ng bayan. Sila ba ay kaya nating pagbigyan?”

TROOP LEADER JACKIELOU F. BUENO:


“Narining po natin ang paliwanag sa tatlong kandila. Kasabay po nito ay ang kanilang pangako upang masunod
ang Pangako at Batas ng Kid Scout at Twinkler Scout; Kab Scout at Star Scout; Boy Scout at Girl Scout. Tulungan
po natin sila sa kanilang magandang layunin. Nauunawaan ba ninyo ang ibig sabihin ng Pangako at Batas ng
Scouts? Nakahanda ba kayong sundin ang isinasaad ng mga Pangako at Batas ng Scouts? Kung ganun, sumunod
sa sasabihin ng mga lider.

1. Pangako at Batas ng Kid Scout:


 Kid Scout Promise: Eidrian James Lareza
 Kid Scout Law: Gerald Tabile
2. Pangako at Batas ng Twinkler Scout:
 Twinkler Scout Promise: Alyssa Pimentel
 Twinkler Scout Law: Celine Rayman
3. Pangako at Batas ng Kab Scout:
 Kab Scout Promise: Nathaniel M. Galla
 Kab Scout Law:Jan Dominic Camat
4. Pangako at Batas ng Star Scout:
 Star Scout Promise: Rica Ella C. Miranda
 Star Scout Law: Aiyhena Rose G. Rodriguez
5. Pangako at Batas ng Boy Scout:
 Boy Scout Oath: Niethan Wyll Abrigo
 Boy Scout Law: Kurt Brandon L. Fisco
6. Pangako at Batas ng Girl Scout:
 Girl Scout Promise: Hannah Majel B. Ferariza
 Girl Scout La: Jonamee Angelique D. Diez

INSTITUTIONAL SCOUTING REPRESENTATIVE DR. JOSEPHINE D. LAVILLA


“Bilang sagisag ng pagtanggap sa inyo bilang Kid Scout, Twinkler Scout, Kab Scout, Star Scout, Boy Scout at Girls
Scout ng Kapaturang Scouts ng Pilipinas ay ipinagkakaloob ko sa inyo ang KATIBAYAN BILANG KASAPI ng
Kapatirang Scouts ng Pilipinas ng Paaralang Elementarya ng Bangantalinga.”

TROOP LEADER EVELYN C. GIRON


“Masasaksihan naman po natin ngayon ang paglalagay ng alampay sa Kid Scout, Twinkler Scout, Kab Scout, Star
Scout, Boy Scout at Girl Scout. Mga magulang, Ninong at Ninang lapitan nap o ninyo ang inyong mga anak upag
lagyan ng alampay. Samahan po natin sila ditto sa entablado.

(Pagkatapos ng paglalagay ng alampay ay hahawakan ng mga Scouts ang kani-kaniyang kandila.)

TROOP LEADER JOHNNY G. GALLA


Ito ang ilaw na sumasagisag sa diwa ng Scouting. Ito ang tanglaw na siyang magsisilbing gabay sa inyo upang
maranasan ang kasiyahan at ang init ng pagmamahal at pagkakaisa na dulot ng inyong pagtahak sa landas tungo
sa pagiging isang mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan. Ibinabahagi ko ang ilaw na ito sa pamamagitan
ng inyong mga liders.
(Lalapitan ni Troop Leader Galla ang mga Patrol Leaders upang ibahagi ang ilaw na siya namang ibabahagi sa mga
kasapi)

PAG-AWIT
(The Song of Candle, Little Candle Light of Mine)

TROOP LEADER JOHNNY GALLA


“Sasambitin ngayon ang panunumpa ng katapatan sa Kapatirang Scouts sa pangunguna ni Scouter Dan Raiver
Madrigal

PATROL LEADER DAN RAIVER MADRIGAL


(Scout Sign)
“I, State your Name, of Bangantalinga Elementary School Scouts do hereby pledge to do my best to prepare
myself for Service to Others. I further pledge to live up the Scout Oath and Promises, the Scout Law and motto
to the best of my knowledge and ability. So help me God.”
(Ready Front)

PATROL LEADER JOHNNY G. GALLA


(Sabay-sabay nating hipan an gating kandila)
“Binabati ko po kayong lahat mga magulang,mga kapatid at mga kaibigan, lalong-lalo na ang mga mga bagong
kasapi ng Scouting. Mga magulang maari niyo nang lapitan ang inyong mga anak at tanggapin mula sa kanila ang
kandila. Maari niyo silang hagkan at yakapin bilang pagbati sa inyong mga anak. Dito po nagtatapos an gating
pagtatalaga sa mga kasapi ng Kapatirang Scouting, maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

You might also like