Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

A – ACCOUNTANT

Accountant na naturingan, nakakabilib ang kakayahan,


Tunay na bihasa sa kanyang napiling larangan;
Hindi man po ngumingiti at seryoso kung minsan,
Busy lang po siya at maraming pinagkakaabalahan.

N – NANAY
Nanay sa totoong buhay sa loob ng tahanan,
Tungkuli’y dala-dala maging sa kanyang tanggapan;
Pamilya ang turing sa mga kasamahan,
At ang LGU San Manuel ang kanyang pangalawang tahanan.

G – GINANG
Ginang na masipag, ginang na masigasig,
Ginang na nagpapakita ng pag-big at malasakit;
Hindi lamang sa trabaho, kaibigan at kapanalig,
Maging sa lahat nang sa kanya ay lumalapit.

E- EMPLEYADO
Empleyadong marangal, manggagawang huwaran,
Sa mga kritikong naninnira’y, walang inuurungan;
Sapagkat tungkulin niya’y kanya lamang ginagampanan,
Ng maayos at mahusay, at walang halong kabalbalan.

L – LINGKOD-BAYAN
Lingkod-bayan siya sa tunay na buhay,
Apatnapu’t limang taon sa trabaho’y inialay;
Sa LGU San Manuel, naging mabisang kaagapay,
Upang mga proyekto’y maisagawa ng mahusay.

A – ANGHEL
Anghel na maituturing, pahiwatig ng pangalan,
Busilak ang puso at tunay na kaibigan;
Kasangga, katuwang, at palaging maaasahan;
Hindi ka po namin makakalimutan, magpakailanman.

P. S.

Ateng, baka hindi po ako makapupunta mamaya kasi masama po


pakiramdam ko. Paki-extend nalang po pagbati ko kay Ma’am Anggie. Paki-review
nalang po ginawa ko at kung may maidagdag po kayo, pakipalitan nalang po.
Pakitignan nalang din po kung sino pwedeng mag-opening remarks. Pakibigay
nalang po, copy ng ginawa ko… Thanks po…

You might also like