News

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

6 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Negros Oriental

Nagtala ng 6 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Negros Oriental ngayong
Miyerkules. 

Tatlo sa anim ang nanggaling sa Bacolod City, ayon kay Bimbo Miraflor, public information
officer ng probinsya.

Dalawa sa tatlong galing sa Bacolod ang na-stranded sa lungsod at sa ngayon ay nakauwi na sa


bayan ng Mabinay at Vallehermoso.

Ang isa naman ay overseas Filipino worker na nanggaling sa Manila at na-stranded sa Bacolod at
kasalukuyang nasa Mabinay na.

Kasama sa dagdag na bagong kaso ang dalawang mangingisda na bahagi ng 153 na crew ng
barkong Phillip DR na dumaong sa bayan ng San Jose nitong Mayo 17.

Isa pang locally stranded individual na 11 anyos ang nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng
Sibulan.

Ayon kay Dr. Liland Estacion, assistant provincial health officer ng Negros Oriental, ang tatlo sa
anim na pasyente ay asymptomatic at isolated na sila sa mga quarantine facility ng probinsya.

Sa ngayon, may 15 na COVID-19 active cases sa Negros Oriental.

DJ Loonyo, binatikos online dahil sa kanyang pahayag tungkol sa mass


testing

Umani ng maraming batikos mula sa mga netizen ang naging pahayag ni DJ Loonyo matapos
siyang magkomento tungkol sa COVID-19 mass testing.

Natawa at napakamot ulo na lang ang mga netizen matapos nilang marinig ang paliwanag ni DJ
Loonyo sa mass testing. Maraming nag-react dahil mali umano ang pagkakaintindi ng sikat na
Youtuber rito.

Naging kilala si Rhemuel Lunio o DJ Loonyo dahil sa kanyang galing sa pagsayaw ng mga
dance cover.

Sa kanyang pahayag saad ni DJ Loonyo, na delikado umano ang mass testing dahil sa “trial and
error” ito.
“I just don’t know, it’s ike gagana ba ‘tong bagay na ‘to… kung anuman ‘yung bagay na
ipapainom nila, kung anuman ‘yung bagay na ipapagawa nila, it’s a trial and error that’s why
it’s mass testing,” saad ni DJ Loonyo sa video.
“Kaya kawawa ‘yun mag-i-intake nun, kawawa ‘yung mag-u-undergo nun ‘coz it’s not 100
percent proven.”

Agad na nag-viral ang video ni DJ Loonyo kung saan umabot na ito ng 5 million views at nasa
186,000 na rin ang shares

Noong miyerkules inamin niya na aminado siya sa "the wrong use of terminology in that
particular instance."

"My point is not particularly about the 'Covid Mass Testing'; I was actually referring to
'CLINICAL TRIALS'. I understand that the use of terminology is critical, so I apologize for any
confusion caused," saad niya.

Maraming bumatikos sa pahayag na ito ng youtuber dahil sa di umano'y maling pagkakaintindi


at pagkalat ng maling impormasyon patungkol sa Mass Testing.

"I know that I have been blessed with a platform kung saan may kaunting level din of influence.
We do not mean to spread misinformation, but rather encourage you to form an open-
mindedness para hindi po kayo mag-panic, para alam niyo bakit kayo dapat mag-mask, bakit
dapat stay at home, at hindi para sumunod lang nang di naiintindihan ang reasons why or why
not."pahayag niya.

"Maraming salamat po sa inyong pagpuna," dagdag pa niya. "Sana po ay mabuksan lang din
ang inyong isipan. Maaaring we will remain in disagreement on certain points, but that doesn't
mean we cannot have a decent conversation."

You might also like