Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 13

Panuto: Ang mga mag-aaral ay aanyayahang sumagot sa isang love quiz. Sasagot sila ng “Push”
kung sila ay sumasang-ayon sa mga pahayag, at “Hay nako” naman kung hindi sila sang-ayon.
LOVE QUIZ
1. “Love at first sight”
2. Alam na alam ko ang pagkakaiba ng “True love” sa “Puppy love”
3. Ang mga taong tunay na nagmamahalan, hindi nag-aaway
4. Naniniwala ako na may taong naka-destiny na para sa akin
5. Kung ang isang lalaki at babae ay tunay na nagmamahalan, hindi sila masisira at
maaapektuhan ng mga pagsubok na dadating sa kanilang relasyon.
6. Mas okay ng magpakasal sa maling tao kaysa maging single habang buhay.
7. Naniniwala ako na hindi naman makasalanan makipagtalik sa aking minamahal kahit hindi pa
kami kasal
8. “May Forever”
9. Panliligaw? Di na uso yan!
10. Ang teenager na tulad ko ay mas may kakayahang magmahal ng tunay kaysa sa mga
nakakatanda.

Panuto: Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo, grupo ng mga babae at lalaki. Ang dalawang
grupo ay guguhit ng larawan at bibigyan ito ng deskripsyon. Ang larawang kanilang iguguhit ay
ang katapat nilang kasarian. Ang mga lalaki ay guguhit ng larawan ng babae, habang ang mga
babae naman ay ang sa larawan ng lalaki. Ang deskripsyong ilalagay ay maaaring tungkol sa mga
katangian ng mga ito, pisikal man o personalidad.

Mga Tanong:
1. Naging madali ba ang pagsasalarawan ng katapat na kasarian? Bakit?
2. Ano ang naging batayan niyo sa pagsasalarawan? Ipaliwanag.
3. Bilang isang babae o lalaki na inilarawan, kayo ba ay sumasang-ayon sa paglalarawang
ginawa sa inyo? Bakit oo, bakit hindi?
4. Batay sa gawain, ano ang kahulugan ng seksuwalidad?

Gawain 1: LOVE NOTES


Panuto: Magkakaroon ng dalawampung (20) boluntaryo mula sa klase, sampung kababaihan at
sampung kalalakihan, na magpapanggap bilang mga radio DJ’s. Ang mga napiling radio DJ’s ay
magbibigay ng payo sa mga love notes na may kinalaman sa seksuwalidad na ipapakita ng guro
sa harapan. Dapat siguraduhin ng mga radio DJ’s na ang payo na kanilang ibibigay ay
makakabuti para sa mga taong humihingi ng tulong sa love notes.

1. Dear: _____________________,
Anong masasabi mo sa mga magkasintahang sobrang PDA na kahit ang dami daming tao sa
paligid, todo halikan at yakapan pa rin sila. Anong say mo dito?
Love, Ms. Observer

2. Dear: _____________________,
Inaasar po ako ng mga classmates ko na “ako na lang ang natitirang virgin sa mundo”. Hindi na
raw uso ang virgin. Ayokong maleft-out. Anong dapat kong gawin?
Love, Babes

3. Dear: _____________________,
My girlfriend and I are grade 8 students. Kahapon nagpunta kami sa doctor at napag-alaman
namin na 2 months pregnant na pala ang girlfriend ko. Anong gagawin namin? Please help.
Love, Jack and Jill
4. Dear: _____________________,
Simula ng sinagot ko si Ryan, bumaba lahat ng grades ko. I can’t concentrate kasi eh- he is
always in my mind. Tell me what to do.
Love, Ms. Seventy-Three

5. Dear: _____________________,
Inaaya ako ng boyfriend ko na makipagtalik sa kanya. Sabi niya sakin, ito lang daw ang paraan
para mapatunyan kong mahal ko talaga siya. Ayokong mawala siya sa akin.
Love, Ms. P.M.S.

6. Dear: _____________________,
Ang problema ko ay galit nanaman kami ng girlfriend ko because she wants me to visit her in
their home. Bakit ganoon eh, niligawan ko at pinasagot ko lang naman siya sa phone tapos
pinapapunta pa niya ako sa bahay nila. Bad trip talaga!!!
Love, Goliath

7. Dear: _____________________,
I have a big crush on my classmate, Amanda. Gustong gusto ko siyang ligawan pero
kinakabahan ako. Sa palagay mo, anu-ano ba ang qualities na hinahanap ng babae sa isang
lalaking tulad ko?
Love, Mr. Maginoo

8. Dear: _____________________,
My boyfriend and I spend most of the time hugging, kissing, and touching. Minsan lang namin
pag-usapan ang mga plano namin sa buhay pati na din ang future. Palagi na rin ako
nagsisinungaling sa mga magulang ko makasama ko lang siya. It seems that I am losing control
but I can’t resist him. Send your advice right away please!!!
Love, Miss Philippines

9. Dear: _____________________,
Ngayong Saturday, meron akong big date. Sa totoo lang, ito ang first time kong makipagdate sa
babaeng gusto ko. Can you recommend me places kung saan ko siya pwedeng dalhin?
Love, Mr. First Time

10. Dear: _____________________,


Inaaya ako ng mga barkada ko na manood ng porn sa bahay ng isa naming kaibigan. Lahat daw
ng mga tunay na lalaki dapat manood non. Ayokong matawag na di tunay na lalaki, dapat ba
akong sumama?
Love, Mr. Matcho Guy

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang naramdaman mo habang nagbibigay ka ng advice?
2. Ang mga naging payo ba ng mga kamag-aral mo ay naging katanggap-tanggap? Bakit oo?
Bakit hindi?
3. Saan patungkol ang mga love notes o problema sa ating gawain?
4. Paano naapektuhan ng mga ganitong problema ang mga kabataan?
5. Sa iyong palagay, bakit kaya nararanasan ng mga kabataan ang mga ganitong problema?
6. Bilang isang mag-aaral, anong mga paraan ang handa mong gawin upang mapangalagaan at
mapaunlad ang sariling seksuwalidad?

You might also like